Hindi ko inasahan na pagkatapos ng mahabang panahon na paghihintay ay hindi ko pa rin makakausap si Ariel. Maliban sa gusto kong tulungan si Marife, nais ko ring magpaalam na sa kanya ng lubusan. Alam ko naman na hindi nito deserve ang proper closure ngunit deserve kong palayain ng tuluyan ang aking sarili mula sa lalaking walang ibang ginawa kung hindi ay saktan ako ng paulit-ulit. "Anong ibig mong sabihin? I was supposed to meet him today,” medyo tumaas ang aking boses nang magreklamo ako kaya tiningnan niya ako ng masama. Hindi yata nagustuhan ng secretarya ni Ariel ang aking tono. Ganoonpaman, hindi niya ako masisisi dahil humingi naman ako ng appointment bago nagpunta. "Nagpahinga siya ng ilang araw, Miss Monceda. Urgent ba ang kailangan mo mula sa kanya?" "May appointment ako sa