THREE

1532 Words
THREE "Hindi ko naman tagala sinasadya eh!" Halos maiyak na ang babae habang may kausap ito sa phone. Pasimple ko itong tinignan na paroo't parito ang lakad. Hindi pa rin nito pansin na gising na ako kaya nanatili akong tahimik. Sumampa sa kama si T-tey at humiga sa ibabaw ng tyan ko. "I know, she's fine! She's fine, luckily nakapagpreno agad ako! Oo, hindi ako aalis dito! I'll make sure na lahat ng kailangan n'ya maproprovide ko! Thank you for answering, sobrang takot na takot lang talaga ako! Bye!" Nang matapos ito sa cellphone nito tinignan ako nito. Nanlaki pa ang mga mata nito ng makita ako. "Oh my gosh, you're awake na! Thank God! May kailangan ka ba? Water? May masakit ba sa'yo? Gusto mong kumain?" Tanong nito na natataranta pa. Umiling ako. "A-yos lang ako! T-ubig!" Paos na sabi ko rito. Masakit ang katawan ko para ngang nabugbog iyon. Pero feeling ko hindi dahil sa pagkakabangga ko kundi sa nangyari sa amin ng lalaking yun na nagngangalang 'Cayde'. Iniabot nito iyon sa akin. Inalalayan ako nitong makainom ng maayos. Halata namang mayaman ito. Kutis pa lang nito at suot na damit pati ang simpleng kwintas na mukhang ang palawit ay dyamante. "Sabi ng doctor everything is fine naman daw sa mga test sa'yo! Pero may masakit pa ba sa'yo? Gusto mo bang tawaging ko yung doctor?" Tanong nito. "Masakit ang buong katawan ko!" Pag-amin ko rito. Lumarawan namang ang guilt sa mukha nito. "I'm really sorry for what happened! Hindi ko talaga sinasadya, distructed kasi ako while driving. Kung plano mong magsampa ng kaso sa akin, I really understand your decision pero kung mapapakiusapan kita na pag-usapan na lang!" Halata namang sincere ito sa sinasabi nito. Bumuntonghininga ako. Waring nag-iisip. "Ayos lang, salamat at dinala mo ako dito sa ospital!" "Hindi ko naman kayang takbuhan ang responsibility ko sa'yo! By the way I'm Batsy!" Naglahad ito ng kamay. "I'm Lina!" Tugon ko rito. Ngumiti ito ng tanggapin ko ang nakalahad nitong kamay. "Bakit nga pala bigla ka na lang tumawid ng kalsada?" Tanong nito na umupo sa gilid ng kama tsaka masuyong hinaplos ang pusa kong si T-tey."May humahabol ba sa'yo?" Nag-iwas ako ng tingin rito. Baka mandiri ito sa akin kapag sinabi kong galing ako sa club. Ganoon ang nangyayari sa mga kababaihan sa aming bayan na kapag nalaman ng mga tao na doon s'ya galing at nagtratrabaho ay akala mo'y may nakahahawa ng sakit. "I can help you if ganoon nga!" Agad akong napalingon rito. May ngiti sa labi nito na binuhat na si T-tey."Kung di ka magsasampa ng case, yun na ang kabayaran ko sa'yo!" "May mga taong tumutugis sa akin, pero hindi ako kriminal! Gusto lang nilang may gawin na masama sa akin!" Sabi ko na biglang nakaramdam ng lungkot. "Paano ang family mo?" Takot na sabi nito. "W-ala na akong pamilya!" Alam kong nakaramdam ito ng pagkahabag sa akin pero nginitian ko lang ito. "Kung wala ka ng family at may tumutugis sa'yo may alam akong place for you!" Mukha namang mabait si Batsy pero nasa dibdib ko pa rin ang pag-aalinlangan. "T-alaga?" "Yes! May work ka ba? Nangangailangan kasi yung kapatid ko ng new kasambahay! Malaki s'ya magpasweldo kompleto ang benefits at malaki magpabonus! At safe na safe din ang place dahil super higpit ng security roon! Pwede mong pag-isipan!" Nakangiting sabi nito. "Masyadong maganda yang offer mo!" Sabi ko rito. "Oo maganda talaga, pwede ka pang sumideline sa restaurant ko! Another income din yun!" "Parang masyadong maganda yang offer na yan!" At kapag masyadong maganda, hindi ba dapat maghinala tayo? "Maganda nga, pero sa isang kondisyon!" Malawak ang ngiting sabi nito. "Kondisyon?" "Oo! Tutal nagtatago ka naman, tiyak na hahanapan ka ng documents ni kuya ako ng bahala roon pero kailangan mong mag-disguise!" "Ha?" "Masyado ka kasing maganda at sexy, tapos malandi yung kuya ko. Kailangan mong mag-disguise to make sure lang na di s'ya maaakit sa'yo!" Sabi ni Batsy. "S-eryoso ka d'yan?" "Oo nga!" Pero maganda talaga ang offer nito at nasa advantage part ako. "S-ige!" Tugon ko rito."Kelan ako magsisimula?" Tanong ko rito. "As soon as possible! Much better kapag okay ka na sa kalagayan mo!" Sabi nito na mukhang sanay na sanay makipag deal. Tumango na lang ako at iniangat ang kamay para kunin si T-tey. "Anong name n'ya?" "S'ya si T-tey!" Nakangiting sabi ko rito. Natigilan si Batsy at napapantastikahan na tumitig sa pusa. "As in Titi na slang?" Nanlaki ang mata ko na mabilis na umiling. "Wag mong babahiran ng makasalanang salita na yan ang pinakamamahal kong pusa, s'ya si T-tey! T-T-E-Y! Sabi ko sinabayan pa ng pag-iling. "Ah, okay! Medyo weird eh no!" Nakangiwing sabi ni Batsy. Tumayo ito at dumampot ng prutas at iniabot sa akin. "Kain ka!" "S-alamat!" "Pinakain ko na rin si T-te---ay naku yung cat mo! Kumain na s'ya, nagpabili ako kanina sa nurse ng cat food!" "Cat food? Naku sana di ka na nag-abala, kaning-lamig lang at tubig at asin ay ayos na sa kanya iyon!" "Really? Ah ayos lang! Pinacheck ko na rin s'ya sa vet, worried kasi ako na baka nasaktan s'ya nung bumagsak kayo. Sabi naman ng doctor mabuti naman daw s'ya at hindi nasaktan!" "Salamat Batsy!" "Naku wala yun, guilty talaga ako sa pagmamaneho ko na distructed. Bwisit kasi yung Abram na yun. Hahanap na lang talaga ako ng iba." Biglang burst out nito na napasuklay pa sa buhok sa sobrang inis nito. Hindi ko man kilala yung Abram na iyon pakiramdam ko sa nakikita kong inis nito ay kawawa ang lalaki. --- "Ayoko yan, masyado ka pa ring maganda sa ganyan!" Sabi ni Batsy ng isinuot ko ang wig na unang nadampot ko. Una sa checklist nito ay wig. Ang kuya daw nito very attracted sa mga babaeng mahahaba ang buhok. Pakiramdam ko tuloy mahilig sa babae ang kuya nito dahil ang tinangal daw na kasambahay ay naging chicks nito. Nakailang pili na ako, may mahaba na iba't ibang kulay. May maiksi at ang huling dinampot ko ay buhok na parang pugad ng ibon ang itsura. Ang kapal nun, sabog at medyo matigas ang itsura. "Yan, yan gusto ko yan!" Sabi nito na napapalakpak pa. Nakangiwing isinuot ko iyon ng tignan ko ang itsura ko sa salamin ay napangiti ako. Mukha akong tanga pero mas mabuti na iyon para itago and identify ko. Sinulyapan ko si Batsy, malawak ang ngiti nito. Pakiramdam ko nga ay nagpipigil lang ito ng tawa. Nang muli kong tignan sa salamin ang itsura ko di ko na napigil ang tawa ko. Kasabay nun ay ang pagbunghalik din nito ng tawa. Salamat na lang talaga dahil hindi umalis sa tabi ko ang bagong kaibigan na nakilala ko man sa di magandang pagkakataon ay hindi naman ako pinabayaan. "Next?" Tanong ko rito. Hinila ako nito sa hanay ng mga salamit. "Pili ka! Kahit ganyan ang buhok mo, maganda ka pa rin! Kailangan takpan natin!" Tinignan ang mga salamin. Tsaka dumampot ng Isa. Tutal mukha naman na akong ewan sa itsura ko bakit di ko pa lubos-lubusin diba? Isang salamin iyon na feeling ko pinakalumang desenyo sa lahat ng salamin na narito. Wala namang grado iyon pero makapal talaga ang salamin nya. Isinuot ko iyon at muling tinignan ang itsura sa salamin. "Perfect!" Nakangiting sabi ni Batsy na nakatingin rin sa salamin. "Mukha akong ewan, pero much better na ito!" "Yeah! Tara doon naman tayo sa mga damit!" Tumango ako at tinanggap ang kamay nitong nakalahad. Sumunod naman si T-tey sa amin. "Lahat ng request mong damit ito na po ma'am batsy!" Sabi ng staff na inilapit ang mga damit na nakahanger sa clothes rack. "Talaga? Thank you!" Tuwang-tuwa na sabi ni Batsy."Grabe, buti na lang na hanap n'yo yung mga style na gusto ko!" Napangiwi ako ng makita ko ang mga ito. Hinila kasi ni Batsy ang isa at ng maiangat para iyong damit ng mga kababaihan noon. Pang manang ang tabas. Parang kamay ko lang ang makikita roon. Mahaba rin ang palda. "Masyado kang sexy kaya dapat itago natin yan!" Nauunawaan ko naman ang gustong mangyari ni Batsy. Matutulungan n'ya na akong magtago maproprotektahan pa n'ya ako laban sa kapatid nito na tirador daw ng mga F.A at mga babaeng basta naka palda kahit pangit pinapatos. "Bagay na bagay sa'yo!" Sabi nito ng lumabas ako sa changing room. Napakamot ako sa ulo ko ng makita ko ang itsura ko sa salamin. "Bagay nga!" Sabi ko ng makitang halos ibang tao na yung nasa salamin. "Matutuwa sila manang kapag nakita ka nila!" Tukoy nito sa mga kasambahay na matatanda sa bahay ng kapatid nito. "By the way Lina, work and hide yun yung goal mo ha! Wag na wag kang magpapahulog sa charm ng kapatid ko! Mahilig sa babae yun, kung ayaw mong madurog ang puso mo wag na wag kang mahuhulog sa kanya!" Sabi nito. Tumango ako rito. Wala akong panahong lumovelife sa sitwasyon ko ngayon. Ayokong madamay sa magulo kong buhay ang lalaking possible kong mahalin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD