“Napano ‘yon? Parang bad mood yata si Mister Huston, hindi naman ‘yon ganu’n kahapon ah?” nagtatakang saad ni Lailah sabay inakbayan ako sa kaliwang gilid ko. Napaisip ako sa mga binanggit n’ya. “Puntahan mo kaya at tanungin kung ano ang problema?” seryosong dagdag n’ya pa. “S...Sige, ipagtitimpla ko muna s’ya ng juice bago umakyat,” marahang saad ko na may halong pagkabalisa. Nagsimula na kaming maglakad patungong hagdan habang iniisip ko kung ano ang nangyari kay Ryker. Tama si Lailah, maayos naman s’ya kausap kahapon at hindi naman ganu'n ang tono ng boses n'ya. “Mukhang nagaalala ka na ah, ‘wag ka munang ganyan at mag usap na lang kayo sa itaas,” marahang saad n’ya na’ng tuluyan na kaming makarating sa second floor at wala akong imik na tinungo ang dining room. “Gusto mo ako na lang