NA’NG naramdaman kong wala na ang presens’ya ni Miss Carolina, unti-unti kong pinikit ang mga mata ko sabay pumakawala ng malalim na hininga para ikalma ‘tong sarili ko. Nag uumpisa na, nag sisimula na ang kalbaryo ko rito pero sige, tiis lang at hindi naman siguro tatagal ang ganitong pakikitungo ng kapatid n’ya at gagaan din ang loob sa ‘kin ‘pag nag pursige akong makuha ‘yon. “Hoy, ayos ka lang ba? Bakit gan’yan ang p’westo mo? Sinisante ka rin ba ng magandang demonyo na ‘yon?” Napa lingon ako na’ng marinig ang maangas na boses ni Lailah. Naabutan ko s’yang pinupunasan ang sariling mukha gamit ang puting towel habang humahakbang papalapit sa ‘kin. “Anak ng patola naman ‘oh, halos matatanggal na ang braso at mga binti sa kakababa akyat para palitan ang mga vase rito. Lahat kulay pula