PAGKATAPOS kong banggitin ang mga salitang ‘yon, kaagad akong tumalikod sabay mabilis na humakbang palabas ng pinto at baka kung ano pa ang masabi ko sa kapatid n’yang nakakatigang ng ugat sa ulo. Pero mas lalo lang umigting ang pagkakulo ng dugo na’ng marinig ang mahinang pag hikbi ni Rycee. Punyeta naman oh, kung masama lang akong tao baka dinagdagan ko pa ang mga binato kong salita sa kan’ya. Pero tama na ‘yon, at least nabanggit ko ang salitang ‘Maarte’. “Sweet heart, wait for me.” Kasunod kong narinig ang malalim ngunit mahinahong boses ni Ryker at sinabayan pa ng mga mabibigat na yapak. Mukhang sinundan n’ya ako dahil narinig ko pang sinarado n’ya ang pinto. “What did you do? I said, I will take care of it, right?” Naramdaman ko ang mainit n’yang palad na lumanding sa kanang braso