TT - 3

2488 Words
          “TITA Jazz aakitin niyo na po ba si uncle Bernard namin para gawa na rin kayo ng babies?” muntik ng maibuga ni Jazzmine ang iniinom nitong milk tea dahil sa sinabi ni Paris. Kahit siya ay hindi inaasahan ang sinabi ni Paris.             “Naku inaanak saan mo nakuha ang mga salitang inaakit?”             “Kay tita Ainsley po.” Maiksing sagot ni London na umiinom din ng Milktea.             “Alam niyo iyang tita Ainsley niyo dapat painumin ng milk tea na may lason kung anu-ano ang tinuturo sa inyo. Ganyan na ba ngayon ang mga anak mayaman kung anu-anong natutunan?” inis na pakli nito.             “Bakit tita kapag ba mayaman kailangan walang alam at iyong mahirap dapat maraming alam?” inosenting tanong ni Paris, natigilan naman si Jazz at tumingin sa kanya. Pinandilatan siya nito na parang sinasabi na patigilin na ang mga anak niya dahil hindi ito mananalo sa mga ito. She knew her daughters very much kailangang maging maingat ka sa pakikipag-usap sa kanila or else gagamitin nila ang lahat ng sinabi mo para lang pagtripan ka. Sa kasamaang palad masyadong matinik ang mga ito at kamalas-malasan naman ay si Jazz ang napagdiskitsahan ng mga ito.             “Wala na akong sinabi.” Bitbit niya ang mga bags ng mga bata na may lamang damit dahil tatlong araw din na sa mga magulang niya mag-eestay ang mga ito dahil sa gusto ng tatay niya na magbakasyon naman ang mga bata sa kanila. She also need some time alone so that she can finish the car, darating na rin naman ang kasama niya sa trabaho na isa din single mom tulad niya.             At saka apat na araw din na walang pasok dahil sa may dalawang araw na holidays at nagkataon na sabado at linggo naman after that two days holidays. May isang araw pa siya para magpahinga habang wala ang mga bata.             “Tita Jazz gawa na ba kayo ng baby ni uncle Bernard? Nood kami.”             Natawa siya sa naging reaction ni Jazz sa sinabi ni Paris.             “Ay, bebe hindi pwedeng manood kasi hindi pa pwede sa iyo.”             “Bakit hindi pa pwede big girl na kami?”             “Naku Paris, pwede kang manood kung paano gumawa ng baby kay thirty ka na.”             “Nge, magfafive palang kami ni London.”             “Bakit hindi mo tularan itong kakambal mo tahimik lang?”             “Para unique tita Jazz, magkamukha na nga kami ni London tapos kailangang magkaugali pa kami? Sabi ni tita Ainsley dapat may originality daw.”             Napapailing nalang si Jazzmine sa anak niya. “Bakit ba nakikinig kayo sa tita Ainsley niyo?”             “She’s cool.”             “She’s like a witch doll, a pretty one.”             “She’s like a vampire.”             “She loves black.”             “And she is weird.” Singit ni Jazz.             “Weird is beautiful sabi ni tita Ains.”             Lumapit sa kanya si Jazz at may binulong, “Alam mo Aleeyah mabuti nalang alaga at hindi kayo nagkatuluyan ng daddy ng mga kutong lupa na mga ito or else mas Malala pa ang matututunan ng mga batang ito sa daddy nila.”             Siniko niya ito. “Wala silang daddy, their daddy died already.” Aniya.             “Bakit hindi ba naghahanap ng daddy ang mga iyan? Alam mo uso din ang move on.” Parinig nito sa kanya.             “I already did.” Tugon niya.             “Friend lumalaki na ang mga anak mo kailangan mo ng makakatuwang sa buhay para palakihin sila. And that means start dating, huwag kang magpatrap sa past mo dahil come on ni hindi nga kayo naging kayo. Hindi ka niya minahal-.” Sinamaan niya ito ng tingin. “I am just telling the truth, hindi ito telenobela na kung sinong una mo ay siyang last mo. This is real life Aleeyah be realistic girl dahil kapag nanatili ka diyan sa safe zone mo hindi ka sasaya. May mga lalaking tatanggapin ka pa rin kahit na may mga anak ka.”             “Okay na ako sa mga anak ko.”             “Ang mga anak mo okay lang ba na isipin nilang buhay pa nga ang daddy nila kahit na ang totoo ay wala naman talaga. Mas mabuti ng may makilala silang ama, alam mo kung bakit? Kasi hindi lahat ng kadugo mo ay handa kang tanggapin, minsan mas tanggap ka pa ng mga taong walang koneksyon sa iyo. And besides your twins were really smart, nakakatakot ang katalinuhan nila kaya alam kong may tatanggap sa kanila.”             Ayaw niyang pansinin ang sinabi nito pero may point naman si Jazz. “If the right person comes.”             “Paano siya darating kung may nakaharang diyan sa puso mo, let him go. Let go of his memories because no matter what you do, he can never love you. Dahil kung mahal ka niya matagal ka na siguro niyang nahanap, because love means never stopping in believing that one day, you’ll see each other again. Hay naku, napapaenglish na ako gutom na yata ako eh.” Pumalatak ito.             “Mga bata gusto niyong kumain sa KFC? Gusto kong kumain ng mango cheesecake spoonfuls.”             “Sa Royale kami gustong kumain.”             “Sa Royale? Pangmayaman doon eh wala sa budget mga bata.”             “Mama said we will eat there.” Sagot ni London na akala mo ay kausap mo ay lagpas sampung taong gulang na. Bumulong si Jazz sa kanya.             “Mare sigurado ka ba sa gagawin mo? Paano kung-.”             “Paano kung wala siya doon? Paano kung hindi magkrus ang landas namin? Paano kung hindi na niya ako makilala? Maraming paano sa mundo pero hindi natin malalaman kung ano ang mga sagot sa mga paanong iyan, mas mabuti pang sumubok nalang tayo at least malalaman natin kung ano ang totoo o hindi. At saka kaya ako nagtatrabaho dahil gusto kong bigyan ng magandang buhay ang mga anak ko at kung nagkataon man na nandiyan siya sa loob he will never know who these kids are.”             Napatitig lang ito sa kanya, at times like this all she needs are support from everyone around her. Ayaw niyang maging pessimistic it would ruin her self-confidence at saka hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon ay may malaking chance na magkrus uli ang landas nila. So far, hindi naman siya umaalis ng bansa at nasa iisang pulo lang din sila pero hindi nagkukrus ang kanilang landas. For five long years it was like that and she would like to believe that it would happen now.             At masyado pang maaga, usually nagpupunta ang lalaking iyon dito kapag gabi kaya napakaimposibleng muling magkrus ang landas nila.             “Pasok na tayo mama.” At nagpatiuanang pumasok na ang kambal niya na para bang alam na alam na ng mga ito ang pasikot-sikot sa buong lugar.             “Good morning po.” Bati ng isang batang babae na sa tingin niya ay nasa sampung taong gulang. Nakasuot ito ng puting apron na may tatak na Royale. Nagdugtong ang kilay niya kasi bawal sa mga bata ang nagtatrabaho pero mukhang may child labor na mangyayari.             “Ay hindi poi to child labor ateng customer, mama ko po ang may-ari ng Royale. Gusto kong yumaman kaagad kaya po ako nandito. Pasok nap o kayo at ng madagdagan ang kaban ng kayamanan ko.” Natawa siya sa sinabi ng bata.             “Shey!” isang dalagita na sa tingin niya ay labing-limang taong gulang ang tumawag sa bata.             “Ate Kassidy nagpapayaman po akowww--.” Piningot ng dalagita sa teynga ang batang nagngangalang Shey.             “Papagalitan na naman ako ni mommy kapag nalaman niyang nandito ka na naman. Isusumbong talaga kita kay Kuya Gideon.”             “Ay huwag ate, ate huwag maawa ka huwag mo akong isumbong kay Kuya Gideon.” Natawa naman siya sa mapang-asar na tono ng batang babae halata kasing hindi naman ito natatakot isumbong pinagtitripan lang ang kapatid nito. Hinanap niya ang kanyang mga kasama at natagpuan niya ang mga itong nasa loob na at naka-upo sa isang pang-apatang mesa at umoorder.             Umuuna pa si Jazz sa pagtuturo ng kung anu-ano kaya agad niya itong nilapitan at hinampas sa balikat, hindi niya ito pwede dagukan dahil makikita ng mga bata.             “Huwag kang umorder ng marami hindi ako kasing yaman niyo.”             “Don’t you worry sister-in-law sagot ko na ito, dadalhin mo kaya ako kay Bernard magpapalakas ako sa iyo.” At kumindat pa ito sa kanya.             “Mama, play kami-.”             “Behave Paris, pwede kang magplay pagkatapos mong kumain.”             Ngumuso ito pero nakinig naman, isa sa mga traits ng kambal niya ang bagay na iyon. Kapag napagsasabihan ay naiinis pero sumusunod naman, may okay na iyon keysa magrebelde. She’s not a perfect mother but she’s trying to be her best to be one. Saka alam niyang malaki ang pagkukulang niya sa mga ito dahil narin sa walang kinilalang ama ang mga bata.             Naisip kasi niya, mas mabuting hindi nalang makilala ng mga ito ang ama nila dahil kahit papaano ay hindi mag-eexpect at madidisappoint ang mga ito, hindi masasaktan. Kung masasaktan man hindi naman siguro kasing sakit ng naramdaman niya. Ayaw din niyang lumaki ang mga anak niya na hiwalay ang mama at papa, mas hindi maganda iyon. Mas magandang sabihin ng ibang tao na patay na ang tatay nila keysa sa hiwalay ang mga magulang.             Sa isip ng mga ito buhay pa ang tatay nila dahil kay Ainsley, pero sa isip ng mga taong nakapaligid sa kanila patay na ang ama ng mga ito. That is to save herself.             “Mama ang sarap ng foods nila dito.”             “Kasi mahal.” Singit ni Jazzmine. “Pero masarap.”             “Hindi ba pwedeng dito nalang tayo magbreakfast, maglunch at magdinner?” si London. Sa kanilang dalawa ni Paris ito ang hindi agad niya mahindian, she doesn’t have the heart kasi nnaman hindi naman ito palaging humihiling. Kapag may gusto ito at gusto din ni Paris nagbibigay daan ito sa kapatid nito. Pinag-iipunan nito ang mga bagay na gusto nito.             “Kapag mayaman na si mama,” aniya at pinisil ang baba ng bunsong anak. Naramdaman niyang kumandong sa kanya si Paris at hinalikan siya sa pisngi, mukhang nagselos sa atensyon na ibinigay niya kay London.             “Mama kapag mayaman na tayo papasok na kami na may car?”             “Mas enjoy sa jeep.” Singit ni Jazz. “Malaki ang chance na makakita ka ng maraming gwapo keysa nakasakay ka sa car. Marami kang makikitang at makakasabay na tao na pwede mong gawing inspirasyon.” At nagningning pa ang mga mata ng ninang ng mga ito.             “Ano po iyong gwapo?”             “Gwapo? Katulad ng tito Bernard niyo, iyon bang kapag tinitigan mo ay hindi mo maiwawaglit ang mga mata mo sa kanya. Iyon ang gwapo.”             Nagkatinginan ang mga anak niya habang inuubos ang spaghetti ng mga ito, siya naman ay nag-enjoy nalang sa kanyang palabok. Ayaw niya ng spaghetti kahit na sabihin na masarap pa iyon hindi talaga niya gusto ang lasa ng pagkain na iyon.             “Mama, pwede ba kaming mamasyal?”             “Dito nalang kayo baka maiwanan tayo ng bus.”             “Hayaan mo na ang mga anak mo friend at saka marami pang bus sa terminal ng bus kasi nga terminal iyon hindi nauubusan. Hindi naman peak season ngayon eh.”             Napabuntong-hininga nalang siya at tumango nalang sa mga bata. Agad na tumayo si Paris at nawala sa paningin niya, si London naman ay tahimik na sumunod kung nasaan ang kapatid nito. Isa sa mga napansin niya sa mga ito, kapag nawala ang isa sa mga ito ay hindi mapakali iyong isa. At sa kabutihang palad nahahanap ng isa ang isang nawawala. Her kids do have this twin connection they are talking about.             “Pupunta muna ako ng banyo.” Paalam niya kay Jazz na seryosong-seryoso sap ag-ubos ng carbonara nito, dalawang orders kaya ang inubos nito.             “Go friend huwag kang magpa-flush ha sayang ang beauty mo.” Nginitian lang niya ito.             Agad siyang pumasok sa banyo, siya lang mag-isa doon. Isa sa mga napansin niyang pagbabago sa Royale ay mas lalong gumanda iyon. Mas lalo ding lumaki, pati na ang mga restroom ay naging parang sa mga royalties at may malalaking salamin. Tiningnan niya ang sarili niya sa salamin at napangiti.             Sabi nila kapag nanganak ka na daw nawawala ang figure ng babae, kabaligtaran naman iyon sa part niya dahil hindi nawala ang figure niya. Sa halip parang mas nagkaroon siya ng shape. Mas lalong umubok ang pang-upo niya keysa sa dati, bakat na bakat iyon sa suot niyang skinny jeans tapos mas naemphasize pa dahil sa suot niyang high heels. Iyon kasi ang unang nakita niya kanina dahil sa pagmamadali ng kambal, it’s a gladiator sandals na may three inches na takong. Mas lalo ding lumaki ang boobs niya kung dati ay nasa thirty-four cup A lang iyon sa tingin niya ay naging thirty-six na ang kanyang bust size. Kapag namimili kasi siya ng bra ay mahigpit na ang dating size na binibili niya at mas lalong lumiit ang kanyang beywang.             Hinayaan din niya na humaba ang kanyang buhok, medyo wavy iyon. Hindi iyon kulot kundi wavy, kapag sinusuklay niya ng maayos kapag basa pa ay tuwid na tuwid kapag tuyo na pero kapag basta lang niyang tinalian at hindi niya suklayin kapag natuyo na ay nagiging wavy. Dahil sa mga anak niya ay natuto din siyang mag-ayos, she still wears dirty jumper and greasy shirts kapag nasa talyer siya pero kapag umaalis sila ay nag-aayos na naman siya. Ayaw din naman niyang masabihan ang mga anak niya na mukha siyang yaya. She wants her daughters to be proud of her. At mas lalong naglow ang kanyang mukha dahil na rin sa nawalan siya ng alalahanin, mas lalong napapansin ang bughaw niyang mga mata.             Natuto na rin siyang gumamit ng make-up at lipstick, kaya nga ngayon ay naglagay siya ng pink lipstick dahil natanggal iyon ng kumain sila. Tiningnan niya ang kanyang relo, kailangan na nilang lumabas ng restaurant. Gusto kasi niyang maagang makarating sa bahay ng kanyang mga magulang at ng maaga pa ay makauwi na siya sa bahay nila ng mga anak niya. Gusto niyang pagpuyatan ang sasakyan na ginagawa niya at ng makuha na niya ang full payment ng sasakyan dahil babayaran pa niya ang tuition ng mga bata sa kinder school na pinapasukan ng mga ito.             Paglabas niya ay agad niyang nakita si London na tila may hinahanap.             “London, nasaan si Paris?”             “Hala mama, nawawala po si Paris. Hanapin ko lang po.” Anito at umalis na rin sa harap niya, sinundan niya ang anak niya pero naisip niyang sa ibang daan nalang muna magtungo dahil baka magkasalisi ang kanyang kambal.             “May hinahanap po kayo miss?” untag ng lalaking matangkad na sa tingin niya ay nasa early twenty’s na, may suot itong eye glass at apron.             “May nakita ka bang batang babae na may pink na headband?”             “Na may blue na mata?”             “Yup, she’s my daughter.”             “Nakita ko siyang pumasok sa may East Wing.” Turo nito sa isang bahagi ng restaurant.             “Thanks.” Agad niyang hinanap ang mga bata, mukhang mas alam nga ni London kung nasaan ang kapatid nito dahil doon din ang daan na tinuro ng waiter ng restaurant… waiter, but that guy doesn’t look a waiter to her.  Agad niyang narinig ang mga boses ng kanyang mga anak at pagpasok niya ay nagulat siya sa kanyang nakita, pakiramdam niya ay magugunaw na naman ang mundo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD