Hanggang sa makaalis na sila at kasama nila si Nana Fe. Panay ang ngiti ni Marcila habang binabaybay nila ang mahabang kalsada patungo sa kanilang private beach resort. Magkatabi silang tatlo sa back seat at si Nana Fe naman ay katabi ng kanilang driver. Hindi pa alam ni Marelle nang beach na kanilang pupuntahan ay pag-aari nila. "Nandito na tayo..." masayang sabi ni Marcila. "Natatandaan mo itong lugar, Mama?" she asked, at nakangiti siya dahil natutuwa siya sa dahan-dahan paggaling ng kaniyang ina. "Oo, kasi dito ka namin binubuo ng Papa mo." Sabay tingin niya kay Sebastian. Ngumiti naman ito at hinalikan ang noo ni Marcila. "Dito sa lugar na ito ang pinakamasayang nangyari sa tanang buhay ko," turan niya. "Papa, hindi pa huli ang lahat para ituloy ang naudlot ninyong pagmamaha