Napangiti si Althea nang paglabas ay nakitang tulog na si Wynn sa kanilang kama. Agad na nagsuot ng isang spaghetti strap top at short saka sinaluhan ito sa kama. Sa totoo lang ay medyo napagod siya sa biyahe at sa mainit nilang pinagsaluhan. Ipipikit na niya ang mata nang maramdaman ang pagyakap ng kasintahan sa kaniya dahilan upang mapadilat at nakitang nakapikit pa rin ito ngunit hindi nagtagal ay nagbukas ito ng mata. Matamis ang ngiting binigay rito. Maging ito man ay napangiti rin at mas lalo siya nitong hinapit ng yakap. Magkayakap na nagpahinga. Katok sa pintuhan ang gumising sa diwa ni Wynn. Agad na napabalikwas nang marinig ang mapanuksong tinig nila Luke at Mark sa labas. Dinig rin ang pagsaway ng dalawang babae sa mga ito. Muling kumatok ang mga ito. "Yohooo! Bro, labas na