Susundan sana ito nang marinig ang pagbukas ng pintuhan at niluwa noon ang babaeng pnauhin ng boss at ang boss mismo. Lahat sila ay natahimik hanggang sa mapansin ang mga titig ng babae sa kaniya. Napayuko siya hanggang sa marinig ang yabag nitong palabas sa kanilang opisina. Nang magtaas siya ng tingin ay nakita ang nakangiting mukha ni Wynn. Naalala tuloy ang kapatid nito. "S—si Winser," maang na wika. "What about him?" agad na tanong ni Wynn nang marinig ang tinig ni Althea. Kinabahan din siya dahil malamang na narinig ang kapatid ang usapan nila ni Glydel. Marahil ay hindi pa nito alam ang balak nitong pagpunta sa Amerika. Nagkatinginan sila ni Althea at batid ang nais nitong gawin. Agad na tinungo ang pintuhan at nakitang sumunod ito sa kaniya. Napalingon ito kay Mrs. Cariaso na ta