"Wynn," hindi mapigilang singhap nang tigilan nito ang kaniyang labi. Dumausdos ang labi nito patungo sa nakabukas na blusa. Limitado ang bawat galaw ngunit mas nanaig ang pananabik sa isa't isa. Halos nakahiga na ang upuang kinauupuan kanina ni Althea. "Hmmm!" ungol niya nang maramdaman ang palad ni Wynn sa kaniyang hita na pumipisil. Binalot na siya ng pananabik na malasap ang ligayang dulot nang pag-iisa ng kanilang mga katawan. Mas lalong nag-init ang kaibuturan ni Althea ng salupin ng mainit na palad ni Wynn ang kaniyang buong kaselanan. Hindi mapaglabanan ang pagnansang umaahon sa kaniyang dibdib. "Wynn," hibang na usal ni Althea sa kaniya. Damang-dama na ni Wynn na handa na si Althea. Bakas iyon sa pamamasa ng sinasalat niyang kahandaan nito. Siya man ay sikip na sikip na rin s