Tapik sa kaniyang balikat ang nagpabalik ng tingin sa lalaking kausap. Doon ay nasumpungan na nakangiti na ito. "Salamat, Tito," hindi mapigilang turan dito. "Wala iyon, hijo. Sabihin mo lang ang gagawin ko para matulungan kita. Alam kong sa ngayon ay ayaw kang makausap ng anak ko pero hayaan mo at tutulungan kita," tinig nito na nagpangiti sa kaniya. "Salamat, Tito," muling turan at doon ay napatawa na ito. "Wala iyon, basta ipangako mong mamahalin mo at hindi sasaktan ang anak ko dahil kung hindi ay ako mismo ang makakalaban mo," banta nito. "Opo, Tito. Asahan niyo pong papahalagahan ko at mamahalin ko si Althea. Hindi ko hahayaang masaktan siya kapag ako ang napangasawa niya," mabilis na pangako sa Papa ni Althea. Laking pasalamat na lamang niya dahil maging ito ay hindi pabor sa r