Paglabas nila sa ospital ay sa katapat na coffee shop sila nagtungo. Batid niyang pinag-aaralan siya ng lalaking kasama base sa hagod ng tingin nito sa kaniya. "Gusto kong makausap ka ng masinsinan," paunang wika rito. "Ano bang pag-uusapan natin, Mister—" "Sherwin, tawagin mo na lamang ako sa pangalan ko," pormal na wika rito. "Okay, ano bang pag-uusapan natin?" maang na tanong nito. "Tungkol kay Althea, Mister—" putol na wika dahil hindi alam kung paano ito tatawagin. "Demitrio, tawagin mo na lang din ako sa pangalan ko," anito dahilan para matiim na tignan ito. "Anong tungkol kay Althea ang pag-uusapan natin?" "Tungkol sa inyo? Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Demitrio. Mahal ko si Althea at alam kong mahal niya rin ako," deretsahang turan dito. Nakitang napangiti ito sabay