Mabilis silang napabitaw lalo na nang makita ang naghihinalang tingin ng Mama ni Althea sa kanila. "Bakit may pabuhat?" maya-maya ay wika nito. "Ma!" agad na wika ni Althea sa kaniyang ina. Nakitang tumiim ang titig ng ginang sa kay Wynn dahilan para kailangan niyang dumepensa. "Ah, Tita. Hmmmm! Sinagot na po ako ni Althea, kaya po hindi ko napigil ang sarili ko at nabuhat ko po siya," tugon dito. Seryoso ang mukha nito dahilan para mapalunok dahil baka hindi pa rin siya nito lubos na tanggap para sa anak pero maya-maya ay nakitang sumungaw ang ngiti sa labi nito. "Mainam kung ganoon. Basta, huwag mo siyang sasaktan dahil kung hindi ay mahihiwalay ang kaligayahan mo," anito sabay tingin sa kaniyang ibabang harapan. "Ma," sawata ni Althea sa huling sinabi ng ina. Tila kasi natakot si