Nabigla si Althea sa narinig na tanong ni Wynn sa kaniya dahilan upang hindi agad nakapagsalita. Ilang segundo na ang lumipas ngunit wala pa rin siyang narinig na tugon buhat kay Althea. Napatingala tuloy siya at nagtama ang kanilang mga mata at kita roon ang pag-aalinlangan. "B—babe?" usal niya sabay himas sa hawak na kamay nito kung saan sinuot ang singsing. Napuno ng takot ang dibdib, parang gusto tuloy niyang mapaiyak sa disappointment. Unti-unting niyuko ang mukha na nakatitig kanina sa magandang mukha ni Althea. "Y—ye—s," nauutal na tinig. Agad siyang napatingangala sa tabi at nakita ang Mama ni Althea na pilit na pilit magsalita. "M—Mama?!" gulat na sambit ni Althea nang marinig ang tinig ng ina. Mabilis na lumuhod sa tabi ni Wynn na nakaluhod pa rin at hinawakan ang kamay ng i