"Where are you going chickenpox?" Isang baritonong boses ang umagaw sa pansin ni yasi habang binubuksan niya ang pinto.
Chickenpox ?
Langyang lalaki to! Ako ba yung sinasabihan niyang chickenpox?
"Anong sabi mo?" Nakataas yung kilay ko habang yung kamay ko naman nakapamewang.
"San ka pupunta? Gabi na"
"Wala kang paki alam. Mind your own goldy business"
"Goldy business?"
Lumapit siya ng konti saakin. Aba naka pambahay lang ang bruho.
Infairness ang gwapo niya! Tsk
Naka white t-shirt lamang siya at naka boxer shorts. Showing his manly Legs. Awww
"Oo Goldy business! Diba kaya mo naman jinowa ang tita nene ko para makuha ang ipon niyang pera?"
"You amused me." Napapailing pa ito.
"Tse Jan ka na nga!" Pinagpatuloy ko ng buksan ung pintuan. Nakakahigh blood kasi tong lalaking to.
"Wait.. san ka nga pupunta?" Pinigilan niya ako sa braso ko. Medyo napaso ako sa pag hawak nya. Parang may kurtente.
"Ano ba! Bitawan mo nga ako. Papasok ako sa trabaho ko. Pang gabi ako diba so ngayon ang pasok ko!"
"Hindi ka na papasok sa trabaho mo" ayaw niya padin akong bitawan.
Paki alamerong lalaki to!!
"Anong hindi? Nababaliw ka na ba? Wala kang karapatan pigilan ako!"
"Shhh ang ingay mo baka magising si Mama"
"Mama??" Nagulat ako sa tinawag niya sa tita nene ko.
"M..mama means endearment. Thats how we call each other. Mama and uhm. Papa" medyo naiilang siya halatang nag sisinungaling lang siya
"Hoy impakto ka. Kung pinag lalaruan mo lang tita nene ko ha! pwede ba lumayas layas ka na sa bahay na to! Anong kala mo sa tita ko Sugar mommy mo?"
"Sabi nang wag kang maingay eh. Look hindi ko niloloko ang tita mo. Ang liit liit mo pero ang ingay ingay mo" nakatitig siya ng husto sakin. Nailang tuloy ako.
Tsk grabe naman makainsulto tong lalaking to. oo maliit lang ako 5'2 lang ang height ko pero madaming nagsasabing maganda ako at sexy! Kaya nga madaming nanliligaw sakin mula nuon pa man.
"Sexy naman at Fresh pa!"
Ewan ba niya pero gusto niyang sabihin yon dito.
Ang tanga naman kasi ng lalaking to eh. Papatol sa mas matanda sakanya eh pwede naman sya mag artista. Pwede namang ako nalang patulan niya. Chos
"Who told you?" Pinipigilan lang nito matawa.
"Madami. Lahat ng manliligaw ko."
"Manliligaw? Yan ka nanaman. Wag ka magtitiwala sa lahat ng lalaki maliban sakin"
"Ano? Kapal mo naman! Ikaw nga yung hindi katiwatiwala eh! Bitiwan mo na nga ako! Papasok nako!"
"Ayoko hindi kita bibitawan" mas lalo pa niya hinigpitan ang pag hawak sa braso ko.
"Anak ng!"
"Shhh bad words" napapailing pa to
"Pwede ba hindi nako natutuwa sayo ha. Kakakilala lang natin kanina wag kang feeling close!"
Tinulak ko na siya ng sobrang lakas pero hndi padin siya napaurong. Ang lakas ng lalaking to! Kaya tinuhod ko yung p*********i niya.
Ang laki...
Okay.
Sapul
"s**t!" Napahawak siya sa ariarian niya halatang nasaktan sya. Pulang pula yung mukha niya.
"Ang kulit mo kasi eh!" Medyo naawa naman tuloy ako sakanya.
"s**t bakit mo babasagin si junior ko? Anak ng. Sige na umalis ka na baka tuluyan mo pang mabasag tong kaligayahan ko!"
Grrrrr
Ano bang problema niya??
Bakit siya pa tong galit tsk
"Tseee buti nga sayo. Kaya wag ka na lalapit sakin!"
"Fine. Sige bahala ka umalis ka na" namumula padin siya at namimililit sa sobrang sakit na nararamdaman niya.
Hays naawa tlaga ako.
Wala naman siyang ginagawang masama sakin maliban sa bwisitin ako. Tsk tinuhod ko pa siya.
"Hays. Ano ba gagawin ko para mawala s..sakit niyan?" Medyo alangan kong tanong sakanya
"Stay.."
Stay? Ano aso?
Tssssk
"Ano naman magagawa ng pag stay ko dito?"
"F*ck ang sakit talaga!" Namimilipit padin ito.
Mukhang nakasapul nanaman ako ah.
Pero bakit ung sakanya parang malaki. Hehehe bakat kasi eh. Hinahawakan niya eh
"Help me. Pasok tayo sa loob. Tulungan mo ko s**t. Ang sakit"
Nakatingin lang ako sakanya.
Teka..
Napanguso ako. Bakit parang nang jojoke time lang siya?
"Ouch shit.. masakit talaga tara na sa loob" mas lalo niya pa pinag igihan ang pag arte niya
Halata ko nagiging Over acting na lang tong lalaking to. Mukhang hindi naman na masakit eh!
Binatukan ko nga!
"Hoy ang OA mo. Aalis na nga ako bahala ka na jan!" Di ko mapigilan matawa. Ang cute niya kasi eh kaasar!
Natawa din siya nung binatukan ko sya. Tapos tumayo na siya ng tuwid. Parang di naman talaga siya nasaktan.
"Akala ko magaling akong artista eh"
Hinawakan nanaman niya yung braso ko. Pero this time mahinahon ung pagkakahawak niya.
Awww bakit nakaramdam ako ng kilig?
"E..ewan ko sayo!" Medyo natatawa na din kasi ako.
"Wag ka na kasi umalis. Gabi na oh? Di ka ba nadala sa nangyari sayo?"
Aww bakit biglang lumambing boses nya?
"Natatakot pa din ako, pero need kong magtrabaho. Ako ang manager ng Bar na yun kailangan ako ng mga staff ko. Professionalism ang tawag dun. Kaya sige na aalis nako"
Medyo malumanay na din yung pagsasalita ko..
Hay maybe we can be friends nalang. Huhu sayang jowa kasi siya ng tita ko e
"Fine. Ihahatid kita."
"Ha? Baliw ka ba?" Naiinis nanaman tuloy ako sakanya. Bakit niya ako ihahatid?
"Yup sometimes. Haha"
Wow perfect set of teeth.. pang commercial ang ngiti ng lalaking to.
"Feeling close.. " bulong ko natatawa na din kasi ako.
"Anong sabi mo? Ako feeling close? Ikaw nga yun e. Tignan mo ung kamay mo nakayakap na sakin"
Bigla ko napansin ung traidor kong kamay!! s**t bakit ako nakayakap sakanya?!!
Di ko namalayan nakayakap na pala ako sakanya??
Paano nangyari yun?
Napabitiw ako bigla sa pagkakayak sakanya.
"S..sorry di ko sinasadya..."
"Haha wait for me here, magpapalit lang ako ng damit"
"O..okay!"
Wala pang 10 minutes bumalik na si Tyrone. Naka white t-shirt padin ito at jeans.
"Tara"
"Papayag akong hatid mo ako ngayon pero eto ang una at huli ha? Bilang pag bawi ko sa nagawa ko sayo. At sana wag na to malalaman ni tita nene"
"Ok. Daldal mo" tapos ginulo niya ung buhok ko.
Hay nako ginulo pa yung buhok ko.
Paglabas ng bahay namin nag hintay kami ng jeep.
"Jan tayo sasakay?"
"Oo bakit first time mo ba?"
Hmp suplado hindi na niya sinagot yung tanong ko.
Nakasakay na kami sa jeep. Napansin kong nakasimangot siya
"Ano tinitingin tingin mo?"
Aruy ang sungit naman nitong lalaking to. Tinitignan ko lang sya eh
"Wala!"
Tsss inirapan ba naman ako. Haha
Ayos to ha. San kaya nakilala ni tita nene to? Ang cute niya ha.
"Bakit ba nakasimangot ka?"
"Nagtanong ka pa tss"
"Bakit nga?"
"Alam mo bang delikado sumakay ng jeep? Lalo na sa gabi? Babae ka ba talaga? Bakit wla kang takot ha? Pinapahamak mo talaga sarili mo eh"
"Hoy impakto ka. Babae tlaga ako no! Eh ganito lang pwedeng sakyan papuntang trabaho ko kaya nag jejeep ako. Ikaw lang tong gustong sumama sakin eh"
"Tss ingay mo. Halikan kita jan eh"
"Ano?" Di ko narinig yung sinabi niya ang hina kasi eh.
"Nothing. Malayo pa ba?"
Sungit talaga. Tsk.
"Malapit na ho mahal na prinsepe"
"You know?" Parang gulat na gulat siya
"Anong you know?" Nagtaka ako sa reaction niya.
Baliw ba tong jowa ni tita?
Sayang ang gwapo pa naman!
"Nevermind. " napahawak nalang siya sa kilay niya.
"Ewan ko sayo." Hmp baliw na nga ata to. Bigla nalang nag susungit
Mga ilang kilometro pa nakarating din kami sa Night Bar kung saan ako nagtatrabaho
"Nandito na tayo. Pwede ka ng umuwi"
"Hindi ako uuwi. Iinom ako" walang emosyon niyang sagot
"Teka nga. Anong di ka uuwi? Nababaliw ka na ba? Baka hanapin ka ni tita nene!"
"Tulog na yun. Sige na pasok na late kana"
Napatingin ako sa relos ko. s**t 45minutes akong late!!!
"Oh my.. sige na bahala ka na nga sa buhay mo! Bye!" Tumakbo nako papasok sa Bar.
Isang sosyal na bar ang pinagtatrabahuhan ko. Mga high class ang mga cliente namin dito.
Madaming mayayaman.
Madaming malilibog.
Madami kasing babaeng escort sa Bar na to. Pero high class din ang mga escort dito.
If im not mistaken 20 to 30 thousand per night ang bayaran nila.
Haaay ayoko sana itolerate yung ganon pero may legal na agency ang nagpapatakbo ng kalakaran sa loob ng Bar.
Minsan pa nga napagkakamalan akong escort.
Iba na talaga ang sexy ;)
Palagi kasing labas cleavage ang mga damit ko. Anong magagawa ko? Malaki yung dibdib ko kusang dumudungaw hahaha
Hoy yasi kaya ka narerape kasi liberated ka eh.
Sita ko sa sarili ko.
Hala late nako kung ano ano pa iniisip ko. Nagpalit nako ng uniform ko.
Mini skirt at white na long sleeves. Labas ang cleavage ko as usual. Need din kasi to para mas dumami pa ang pumapasok sa Bar namin.
Strategy kumbaga.
"Hoy yasi bakit ka late bruha ka?"
Sinalubong ako ni Jessa. Jestoni ang pangalan niya sa umaga pero jessa sa gabi
"Bakla mamaya chika ko sayo. Ayusin ko lang yung folder ko" kinurot ko sya sa tagiliran niya at humiyaw siya na parang babae
"Bruha ka babae ako hindi ako bakla no! Nakita ko yung Fafa na nag hatid sayo! Bagong jowa mo?"
"Loka loka ka talaga. Jowa ng tita nene ko yun! Hinatid ako"
"What? Yung tita mong senior citizen? Sosyal may asim pa si lola!!"
Pinalo ko pwet niya.
"Gaga ka talaga. Malay mo true love naman. Mukhang mabait naman yang jowa ni tita e. Sa umpisa nakakainis pero pansin ko mabait naman"
"Ikaw ang gaga baka mafall ka nanaman jan ha? Hahaha gwapo pa naman yan. Kung ako sayo girl gagapangin ko yan"
"Baliw ka tlaga. Sige na tsupi! Madami pa ako gagawin."
"Okay bye. May booking ako ngayon eh. Koreano daw na bakla. Well 40k ang bayad sakin kaya why not haha"
"Bakla ka ingat ingat ka jan sa pag eescort service mo ha. Mag dasal ka bago kayo mag start"
Natawa siya sa sinabi ko
Gwapo sana to si Jessa kaso Half girl half boy tlga siya e. Pero bihis lalaki padin siya. Yan na daw ang bagong patok sa mga kalahi niya. Mas gwapo na daw mga bakla ngayon.
Kumbaga gwapo sa gwapo na ang labanan.
"Bruha ka te. Baka umurong bigla yun. Osige na aalis na ko. Mag iingat ka din jan sa jowa ng tita nene mo ha. Amuy ko girl type mo eh" tapos kinurot niya yung bewang ko.
"Ewan sayo! Tsupi hahaha"
Si Tyrone type ko? Hmmmm
Hindi pwede eh....
Magagalit si tita...
Haaay
Inasikaso ko nalang yung nga folders na gagawin ko.
"Sarado mo nga yang botones mo"
Napalingon ako sa baritonong boses sa gilid ko.
Nakasimangot si Tyrone ng balingan ko.
"Ano?"
"Sabi ko isarado mo yan" tapos ngumuso sya na parang itinuturo yung dibdib ko.
"Bakit ko naman gagawin yun?"
"Isa.. wag mong hintayin ako mag sasara niyan"
"Bakit ba napaka pakialamero mo? Uniform ko to. Need ko ipakita cleavage ko para mas dumami ang tao dito."
"Kalokohan. Tss kung magaling ka talagang Manager di mo na kailangan makisabay sa mga staff mo. Kaya isara mo na yan."
"Ayoko nga!" Nakakainis tlga siya!
"Isasara mo o isasara mo?"
Nakakagigil na talaga tong lalaking to!!!
Sa sobrang inis ko mas binuksan ko pa ung botones ng white blouse ko. Mabilis kong binuksan ung dalawang butones at mas lalong nakita ang cleavage ko.
Kitang kita niya din ang itim na Bra ko.
Alam kong umaapaw ang boobs ko kaya inalog ko pa para mas maasar siya
Nagulat siya sa bilis ng ginawa ko. Natulala siya hahaha.
"s**t!" Nagulat ako nung niyakap niya ako. Tinatakpan niya yung boobs ko.
"Ano ba. Bitawan mo nga ako!" Pumiglas ako. Nakakainis kasi siya e. Hindi ko naman siya kaano ano eh pakialamero eh
"Isara mo na yan. Hindi kita bibitawan hangat hindi mo isinasara yan"
Ayoko makagawa ng eksena dito aa Bar medyo may napapatingin na kasi samin eh.
Shit tong lalaking to. Ang bango!
Isasara ko na sana yung botones ng blouse ko pero naunahan niya ako.
Nanigas ako sa kinakaupuan ko nang sumayad yung kamay niya sa dibdib ko.
Libo libong kuryente ung dumaloy sa katawan ko habang sinasara niya ung bawat botones ko. Dumadampi yung daliri niya sa dibdib ko dahil kinakapa niya kung nasaan ung botones.
Hindi ako nakagalaw.
Kakaiba ung naramdaman ko.
Sumabay pa yung fresh scent na naamoy ko sakanya. Ang bango bango niya....
Naramdaman kong unti unti siya lumayo sakin.
Parang ayaw ko pa siyang palayuin..
Dapat magalit ako..
Dapat mainis ako...
Pero bakit parang nanghinayang ako nung unti unti na siya kumalas sa yakap ko.
"D..done" medyo namumula yung pisnge niya at di siya makatingin sakin. Ininom niya yung alak sa basong hawak niya kanina.
Sobrang init ng naramdaman ko shit..
"B..astos ka" parang malumanay pagkakasabi ko. May halong kalandian.
Parang bagay sa tonong uhh nasarapan ako hahaha
"S..sorry ang tigas kasi ng ulo mo yasi. Sa susunod wag mo na ulit g..gagawin yun."
"O..okay" ewan ko pero ngumiti ako.
Ang landiiiii kooooo!!!!