KUMURAP-KURAP SI HANNA habang nakatitig sa kanyang computer screen. She was writing a letter for a person who would never even read it, and yet she continued to send messages to him anyway. She read in the Bible that with persistent prayers, God will give you the desires of your heart. And she had been praying for that one desire…one miracle…just one…
“Julius…” She reached out a hand to her computer monitor and touched a name she was about to send a message to. “Kahit isa lang sana…kahit isang sagot lang…”
Nanatili siyang nakatitig sa computer screen habang pinagmamasdan ang paglabas ng notification na nagsasabing naipadala na niya ang mensaheng katatapos lang isulat. Hindi na niya maalala kung kailan pa siya nagsimulang gawin ito, basta ang alam niya ay nagsusulat siya ng mensahe gabi-gabi at ipinapadala sa iisang email address. Baliw na nga siguro siya sa walang patid niyang pag-asa na baka isa sa mga araw na ito ay makatanggap siya ng sagot mula kay Julius.
Tulad noong nabubuhay pa ito.
Her vision blurred as tears slowly formed in her eyes. Kapag nasa ibang bansa kasi si Julius noon para sa mga business meetings, o kahit nasa malapit lang ito, ni minsan ay hindi ito pumalya na magpadala ng mensahe sa kanya sa email o sa text message gaano man ito ka-busy sa trabaho nito. Kaya masisisi ba siya kung sa bawat araw, sa bawat segundo ng buhay niya mula nang mawala ito sa piling niya, ay naghihintay siya na baka sakaling kahit isa sa mga ipinapadala niyang mensahe ay matanggap nito at sumagot ito?
Alam niyang hindi na maaaring magka-totoo ang lahat ng pangarap niyang iyon.
Pero ayaw sumuko ng puso niya. Ayaw niyang isuko ang isang pangarap na siyang tanging dahilan kung bakit nagpapatuloy siyang mabuhay sa mundong ito.
A voice in her head was screaming again.
That’s enough, Hanna! You know there was no way he was ever coming back! Just give it up already!
Naramdaman niya ang pagguhit ng mainit na likido sa kanyang pisngi. Isang luha ang tuluyan nang nakawala sa kanyang mga mata na mabilis din niyang pinalis.
Maghihintay siya hangga’t kaya niya. Maghihintay hanggang sa kusa ng sumuko ang puso niya. Maghihintay siya hanggang sa dumating ang araw na wala na siyang mailu-luha pa.
Hanna stared at her computer monitor, waiting for that notification to popped up, telling herself Julius got her message and that he just sent her a reply. Just like he used to. And that everything will be alright again. Just like before.
Isa, dalawa, tatlong oras. Apat lima, anim na oras. Ngunit nanatiling tahimik ang inbox ng email niya.
She started typing a message again.
Hindi ako mapapagod maghintay. Hindi ako hihinto sa paghihintay. Kaya kung nagsasawa ka na sa mga natatanggap mong mensahe mula sa akin, kasalanan mo iyan. Kung sumasagot ka na lang kasi, kahit isang sagot lang, e di sana…
She bit her lower lip to keep it from quivering. Her fingers stopped typing. Another tear trickled down her cheek as her heart silently took all those mocking words from that little voice in her head.
Masama nga bang mangarap kung iyon na lang ang tanging pinanghahawakan mo para magpatuloy sa buhay? Isang kabaliwan na nga itong ginagawa niya. Isang malaking kalokohan para sa mga hindi nakakaranas kung gaano kasakit ang mawalan ng isang taong minahal mo nang husto. Kung paano mawala sa isang iglap, ng taong naging bahagi ng nakaraan, kasalukuyan at magiging bahagi sana ng iyong hinaharap.
She started typing another message.
Sige, hindi na kita kukulitin ngayon kung ayaw mo pa rin. Pero sinisiguro ko sa iyong bukas ay makakatanggap ka uli ng pangungulit na ito. Alam ko kung gaano mong kinaasaran ang pangungulit ko kaya nga sa huli ay pinagbibigyan mo na lang ako, hindi ba? Kaya alam ko rin, oras na makulitan ka na sa mga mensahe ko ay sasagutin mo rin ako.
…
…
My head is aching, Julius. Will you come and take care of me again? Just like you always do whenever I don’t feel well? No one’s taking care of me now. Like when I cut my finger a few nights ago while preparing myself a dinner. I was okay now. My wounds are healing. Although it would have been nice to have you around, to take care of me again. Even when you’re scolding how reckless I was with sharp things. What should I take now to ease this headache? Or better yet…what medicine should I take so my heart would just stop hurting this way?
Sinipat ni Hanna ang daliri na may tapal pa rin ng bandAid. Hindi pa iyon tuluyang gumagaling dahil tila malalim ang natamo niyang sugat. Hindi na nga lang niya iyon isinulat at baka mag-alala pa si Julius kapag nabasa nito…
She clutched her fingers tight, feeling that little pain from her wound, yet nothing compared to that searing pain in her heart. She continued typing.
I have to go now. Sumasakit na kasi ang mga mata ko at kailangan ko pang asikasuhin ang flowershop bukas buong maghapon. Ayokong makita ng ibang tao na namamaga na naman ang mga mata ako. Baka kasi mag-alalala na naman sila. Goodnight, Julius. Please visit me in my dreams. I want to see you again. Please…?
She clicked the send button and went to bed without turning off her computer. Naka-set na rin iyon para kung sakaling may bagong mensahe siyang darating ay agad niyang maririnig. Hindi siya humiga sa kama, bagkus ay sumandal lang siya sa headrest niyon at niyakap ang isang unan saka muling itinutok ang kanyang atensyon sa nakabukas na computer monitor. Maghihintay siya hanggang sa makatulog na siya. Gaya ng ginagawa niya gabi-gabi sa nakalipas na sampung buwan.
Sampung buwan. Ganon na pala katagal. Pero pakiramdam niya ay parang kahapon lang nangyari ang pinakamalaking bangungot na iyon sa buhay niya. Mariin siyang pumikit saka pilit na binura sa isip ang mga alaalang iyon. Hindi niya kailangan ang mga iyon. Ang tanging kailangan niya ngayon ay ang magandang pangarap at pag-asa na naghihintay sa kanya paggising niya bukas. O, mamaya. Lagpas na nga pala ng alas dos ng madaling araw. Kunsabagay sanay na siyang hindi na halos makakuha ng magandang tulog mula nang…
Muli siyang mariing pumikit upang pigilan na naman ang nagbabadyang pagpatak ng kanyang mga luha. Then she clutched the soft pillow and turned her attention back to the computer screen. And waited.
“Julius…” She closed her eyes, but tears still escaped, as sleep slowly pulled her to that empty dreamland once again. “I miss you…”
This was her routine night after night after night, for the past few months of her life.
A life of secret heartaches and painful longings.