"You look so beautiful tonight, sweetheart. Kanina nung nakita kita mula sa itaas, gustung-gusto ko ng bumaba at lapitan ka." Hinapit siya nito sa beywang at idinikit nang husto sa sariling katawan. "Y-you o-own El Greco??" nauutal niyang tanong. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa rin siya makapaniwala na kaharap na ang binata. Pakubli pa niyang kinagat ang ibabang labi para malaman kung gising siyang talaga o isang panaginip lamang ang lahat. Hindi ito sumagot bagkus ay dalawang tango lamang ang naging tugon. "I thought n-nasa ibang b-bansa ka?" patuloy niya. "I was. Something happened and I need to rushed just to be there," anito habang nagsisimula na siyang isayaw with the tune of a sweet music na hindi niya maintindihan dahil biglang nag-iba nang pumagitna sila sa mga taong