MARCO "What?? This is ridiculous, uncle Tony! I'm willing to do anything for Gwyneth dahil hindi ko kayo kayang tanggihan pero ang pakasalan ang anak ninyo ay sobra na!" umuusok sa galit na sigaw niya. Kahit kailan ay hindi niya nagawang pagtaasan ng boses ang itinuring niyang ikalawang ama pero ngayon ay hindi niya napigilan. Naiinis na kasi siya. Sumosobra na ito. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi nito magawa na kontrahin ang anak kahit pa hindi na tama ang ginagawa. Pero mag-ka-kalimutan na sila at lahat ay hindi niya pakakasalan ang anak nito. Kasehodang bayaran niya lahat ng ginastos nito sa pag-pa-pa-aral sa kanya ay gagawin niya kung iyon ang paraan para makawala sa mag-ama. "I know, hijo, pero makinig ka muna. Pwede nating i-fake ang kasal ninyo kung iyon ang inaalala mo,