Chapter 11-Book 2

1067 Words

ISANG LINGGO pagkaraan ng baby shower ni Sheryl ay nanganak na ito via cesarean section. Isang cute n cute at malusog na batang lalake ang isinilang ng kaibigan ko. Si August ay walang pagsidlan ng galak nang sa wakas ay masilayan ang anak na kahit sino ang masabi ay kamukhang kamukha nito.  "Congratulations, pare," bati rito ni Marco nang dumalaw kami sa ospital. Sayang nga lamang dahil si Sheryl ay wala pang malay. Naroon sa ospital ang Mama at isang kapatid ni Sheryl na dinatnan na namin doon para magbantay. "Salamat, dude. Heto na talaga 'yon. Mga tatay na talaga tayo. Soon ay lalabas na rin ang baby ninyo. I think ito na ang pagbabago ng buhay natin, pare," ani August habang isinasayaw ang anak.  "Definitely, dude. Naiinip na nga rin kami," sabi ni Marco at saka tumingin sa akin. 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD