"Cita! Ipinagkakasundo mo ng kasal ang anak natin na hindi man lang sinasabi sa akin??" malumanay na sabi ng ama niya bagaman nasa tono nito ang iritasyon.
"Why not, Bert? Besides matagal ng kilala ng pamilya natin ang---"
"Kahit na, Mommy! Still, you have no right pushing me to someone na ngayon ko lang nakita at ni hindi ko alam ang pangalan, God!!" aniya na nakaupo na. Kahit paano ay nahamig na niya ang sarili.
"Ahmmm, amiga, I thought alam nila ang balak---"
"Relax, amiga, naguguluhan lang sila at---" hirit pa ng Mommy niya pero agad na sinansala niya ang mga gusto pang sabihin nito.
"Ikaw ang tila naguguluhan rito, Mommy. I'm not marrying that man, period!!" maawtoridad na sabi niya bago nagmamadaling tumayo sa hapag. "Excuse me, nawalan na ko ng gana!" naiwang nakasunod sa kaniya ang tingin ng lahat. Kita pa niya sa gilid ng mata na susunod pa sana ang Mommy niya pero pinigilan ng ama.
"I'm sorry, Charity, Enrico and Darius hijo. Pero hindi ako sang-ayon sa ginawang ito ng aking asawa. Mas mabuti kung hahayaan natin silang pumili ng makakasama nila, 'wag nating panghimasukan ang bagay na 'yon. Kasi baka sa bandang huli, tayong mga magulang pa nila ang makapagdulot sa kanila ng kabiguan dahil na-realize nilang napasubo lang sila dahil sa atin," mahinahon na litanya ni Edilberto sa mga kaharap partikular kay Darius dahil bakas sa mukha nito ang panghihinayang.
"Kung ako ang tatanungin mo kumpadre ay talagang ayoko rin ng ganito. Pasensiya ka na at mapilit ang mga esposa natin." Iiling-iling na sang-ayon ng ama ni Darius. Kalaunan ay itinuloy na lang nila ang naudlot na hapunan. Samantalang naghihimutok naman si Cita dahil sa ginawang pag-back out ni Vrenda.
Sa silid niya ay ngitngit na ngitngit ang dalaga. Masama ang loob niya dahil sa ginawa ng ina. Pakiramdam niya ay sumosobra na ito para pati ang pagpapakasal niya ay gustong panghimasukan. Buong buhay niya ay hindi niya naramdaman na mahal talaga siya nito. Lalong napatunayan niya iyon sa pagkakataong ito dahil kung mahal siya ng ina ay hindi nito gugustuhing maging miserable siya sa piling ng taong pinili nito para sa kaniya.
"Hello? Sheryl?"
"Vrenda? So ano na, kailan kayo pupunta dito?" masayang tanong nito sa kabilang linya.
"Sheryl...I-I really miss you," aniya sa gumagaralgal na tinig.
"Hey! Umiiyak ka ba?"
"Si Mommy kasi..."
"C'mon, tell me, ano'ng nangyari?"
Inilahad niya kay Sheryl ang gustong mangyari ng Mommy niya. Ang pagsama nito sa pamilya ni Darius sa bahay nila, ang pagpili nito sa binata para pakasalan niya at ang naging reaksyon niya.
"What?? Ginawa 'yon ng Mommy mo??"
"Hell, yeah. Ayokong maramdaman but I hate her, Sheryl. I don't know what's on her mind to do that."
"Okay, listen. Alam kong may naiisip kang gawin kaya mo ko tinawagan. Come on, tell me."
"Ahhmmm...is it okay with you na mauna na ko diyan sa'yo? I mean, hindi ba magagalit ang husband mo?"
"Of course not, Vren! Okay na okay sa kaniya na may dumadalaw sa akin dito. Pero sina Thea at Dina, nasabi mo na sa kanila?"
"Hindi pa nga e. Mag-a-ayos pa raw sila ng schedule nila."
"Okay, ako na ang magsasabi sa kanila na mauuna ka na rito. Cheer up. Don't cry na."
"Thank you so much, Sheryl. Hindi ka pa rin nagbabago. Salamat talaga." Nakahinga siya ng maluwag at pumayag ito. Kung ganito rin lang ang sitwasyon na haharapin niya sa bahay nila, mabuti sigurong umalis muna siya. Parang nagsisi pa tuloy siya kung bakit umuwi pa siya ng Pilipinas.
"Ano ka ba! You're like a sister to me. Kaya 'wag ka ng magpasalamat. Sige na, mag-empake ka na."
Pagkababa niya ng telepono ay sinimulan na niyang ayusin ang mga gamit na dadalhin sa pagpunta kina Sheryl. Halos matatapos na siya ng kumatok ang Daddy niya.
"Sino 'yan?"
"It's me, anak."
"Dad?"
"Can I come in hija?" anito na nakasungaw sa pinto.
"S-sige po."
"Aalis ka?" Umupo ito sa gilid ng kama niya at tinapunan ng tingin ang kasalukuyang ine-empake niya.
"Pansamantala lang, Dad."
"Where are you going, hija?" bakas sa mukha nito ang pag-aalala.
"Sa kaibigan ko ho nung high school, Dad. Kung pipigilan n'yo ho ako, I'm sorry pero hindi ako magpapapigil." Tiningnan niya ang ama at tiningnan ang reaksyon nito.
"Sino naman ang nagsabi na gagawin ko 'yun, anak? In fact, narito ako para sabihin sa'yo na hindi ako sang-ayon sa ginawa ng mommy mo." She heard sympathy on her father's voice.
"Thanks, Dad. Bakit gano'n si Mom? She doesn't love me. Hindi niya inisip ang kapakanan ko kahit minsan," naluluha niyang sabi sa ama. Kahit paano ay nakahinga siya ng maluwag ng malamang kakampi niya ito at hindi sang-ayon sa plano ng Mommy niya.
"Don't say that hija. Mahal ka ng Mommy mo, I'm sure of that."
"Pero bakit hindi importante sa kaniya ang mararamdaman ko, Daddy? Kahit minsan hindi niya ko pinahalagahan." Tuluyan na siyang naiyak. Napabuntung-hininga naman ang daddy niya bago nagpatuloy.
"Marahil ay gustong mangyari ng mommy mo sa'yo ang nangyari sa amin," malungkot na pahayag nito habang nakatungo.
"W-what do you mean, Dad?" naguguluhang tanong niya.
"Ipinagkasundo lang din kami ng mga lolo mo noon. Tutol na tutol din noon ang mommy mo dahil ayaw rin niya sakin at noong mga panahong iyon ay may nobyo siya. Marahil ay gusto niyang maranasan mo ang naranasan niya to get even with me, anak."
"W-what?? P-pero you learned to love Mom, right?"
"I do. Hindi ko tinutulan ang gusto ng mga Papa namin noong araw dahil una pa lang ay attracted na ako sa Mommy mo. Pero siya, alam kong hanggang ngayon ay masama ang loob sa akin. Kaya para makabawi, hinayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin. Binibigay ko lahat ng luho niya lalo na kung nakikita kong masaya siya. Ang hindi ko lang mapapayagan ay ang ilagay ka rin niya sa sitwasyong kagaya ng sa amin. Ayokong maging miserable ka, anak. Kaya kung ang pag-alis mong 'yan ang paraan para makatakas ka sa gusto ng mommy mo, go for it anak."
"Dad....I'm sorry, hindi ko alam na buong pagsasama n'yo ni mommy hindi ka pala masa---" umiiyak na yumakap siya sa ama.
"No. Masaya ako anak, dahil mahal ko ang Mommy mo. At alam mo kung ano ang ginagawa kong konsolasyon sa sarili ko? 'Yun ay ang hindi naman nagkaroon ng ibang lalaki sa buhay ng Mommy mo simula ng magsama kami. Marahil ay mahal rin naman niya ako, nabuo nga kayong tatlo hindi ba? Siguro ay gusto lang niya akong parusahan kung minsan," ani Edilberto habang hinahaplos ang kaniyang buhok.
"I love you, Daddy. Salamat po." Kumawala siya sa ama at pinunasan ang mga luha.
"Mahal na mahal din kita, hija. Gusto mo bang ipahatid kita sa pupuntahan mo?"
"No, Dad. Nasabi na sa akin ni Sheryl kung paano ang pumunta sa kanila. Kaya ko na po ang sarili ko."
"Okay. Mag-i-ingat ka do'n ha? Sige na, ituloy mo na ang ginagawa mo." Hinalikan siya nito sa ulo bago tuluyang lumabas.
Nang gabing iyon ay hindi halos nakatulog si Vrenda. Naiisip niya ang pinag-usapan nila ng Daddy niya at bahagya siyang nahabag rito. Ito siguro ang dahilan kung bakit hindi rin namamalagi sa bahay nila ang ina bagkus ay sa mga amiga nito ibinubuhos ang oras Sa tingin din niya ay alam na niya ang dahilan kung bakit hindi siya mahal ng ina.
Pasado alas singko ng umaga kinabukasan ay pababa na siya ng kabahayan. Sinadya niyang maaga umalis para hindi na siya abutan ng ina dahil masama pa rin ang loob niya rito. Maya-maya pa ay lumalabas na ng village na iyon ang sasakyan niya. Excited siya na hindi maintindihan. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya makakarating ng probinsiya. Ayon kay Sheryl ay siguradong matutuwa raw siya sa lugar ng mga ito. Hindi na rin siya makapaghintay na makita ang pag-aari nitong private resort na ayon kina Thea ay talaga namang nakaka-relax.
"Hello, Vrenda? Nasaan ka na?"
"She, I think Ta-Tala---"
"Talavera?"
"Yeah. What's next? I mean---"
"Listen, Vren. Malapit ka na. Nasabi ko na sa'yo kung pa'no papunta dito sa Guimba 'di ba? Pero if may mapagtatanungan ka, magtanong ka na rin para mas maging malinaw at hindi ka maligaw."
"Okay, okay. Don't worry, makakarating ako diyan," natatawang tugon niya.
Walang isang oras ay nasa Sitio Uno na siya, at sa tulong ng napagtanungang binatilyo ay narating niya ang kinatatayuan ng bahay ng kaibigan. Mula sa malayo ay pinagmasdan muna niya ang kabuuan niyon. Tatlong palapag ang bahay na hindi maiiwasang tingalain ng mga mapapadaan doon dahil sa ganda at disenyo. Nakatayo ito sa gitna ng mga nagtatayugang puno ng niyog na hindi niya kayang bilangin kung ilan. Napangiti siya sa isiping talaga ngang napaka-palad ng kaibigan niya. Maya-maya ay bumusina na siya. Isang unipormadong guwardiya ang nagbukas sa kaniya na tila inaasahan ang kanyang pagdating.