Chapter 2- Maxwell Enzo Pierce

1582 Words
3rd Person's Point Of View* Nakayakap pa din si Miles kay Max at napabuntong hininga na lang si Max dahil sa nangyayari. "B-Boss, kami na po ang bahala sa babae. Kami na po ang magbubuhat sa kanya. Kailangan niyo pong magpahinga." Kakarating lang kasi ni Max galing Italya at matagal tagal na din bago siya nakabalik dito sa Pinas. Hindi sumagot si Max at nakatingin siya dalagang nakayakap sa kanya at umayos na ang pag hinga nito na kanina ay nahihirapan pa itong huminga. "Boss?" Napabuntong hininga na lang si Max at bibitawan sana niya ang dalaga nang bigla na naman itong nagpanik at hindi siya binitawan nito sa yakap. Nakikita din niya na grabe na ang pawis nito ang naririnig na din niya ang heartbeat ng dalaga sa sobrang bilis at nung niyakap na naman niya ito ay dahan dahan na naman itong lumalma. Binuhat ni Max and dalaga na kinagulat ng mga Bodyguards nito. Naramdaman ni Max ang hininga ng Dalaga sa leeg niya at mukhang nawalan ito ng malay pero mahigpit pa din ang yakap nito sa kanya. "Process the billing. We will go to my Mansion." Lumakad ito palabas ng kwarto at nagulat naman ang mga Nurse at Doctor sa nangyayari at lumapit si Max doon. "Mr. Pierce, ano pong nangyayari? Tinanggal po ba ng pasyente ang dextrose niya?" "Hmm, please bend it. Iuuwi ko na lang siya sa mansion at doon na lang siya magpagaling. She has Nosocomephobia. Hindi siya pwede magtagal dito baka mas lalo na hindi siya gagaling." Nagulat naman sila sa sinabi nito at agad naman nilang inasikaso ang Dalaga pero nakayakap pa din ito kay Max. Lumapit naman ang isang Bodyguards sa kanya. "Tapos ko na pong naasikaso ang lahat po at nabayaran na po, Boss." "Hmm, good. Bilhin niyo na din ang gamot para sa kanya." Nagulat naman sila sa sinabi nito. At nagkatitigan naman silang lahat. "Boss, diba siya po ang bumangga sa inyo? Bakit po kayo pa po ang gumastos sa kanya?" Hindi na nagsalita si Max at tiningnan niya ang dalaga na mahimbing pa ding natutulog sa leeg niya. "Let's go home." Tumayo na siya at buhat pa din niya si Miles hanggang makarating sila sa kotse at sumakay na sila. "Where's her bike." "Nasa likod po." Tumango na lang si Max at napabuntong hininga siya ulit at napasandal at tiningnan niya ang dalaga na hawak niya. Nagugulat siya sa sarili niya kung bakit hindi naiiba ang Dalaga sa kanya. Sa totoo lang ay ayaw niya na may babaeng lumalapit sa kanya dahil pakiramdam niya ay mangyayari na naman ang nangyari nung bata pa siya. Kinuha siya ng isang babae at muntik na siyang ginahasa at mabuti natagpuan siya agad ng mga Bodyguards niya. Ang dahilan ng muntik na pag gahasa sa kanya dahil ang kanyang magandang mukha na nakaka attract sa mga kababaihan hanggang ngayon. Ang kanyang Ina na lang ang nakakalapit sa kanya at wala ng iba pero iba ang babaeng nasa bisig niya ngayon. Hindi siya naka feel ng kakaiba. "You really have something." Nung unang kita nila kaninang umaga ay nung nakita niya ang Dalaga na nakatayo at nakikita niya na parang pinagpapawisan ito at namumula at bigla na lang nawalan ng malay ay biglang gumalaw ang katawan niya at agad niyang nasalo ang ulo nito na tatama sana sa semento at di niya alam kung bakit ginawa yun ng katawan niya. At nagulat na lang siya na nahawakan niya ang Dalaga na walang nangyari sa kanya. "Boss, ayos lang po ba kayo? Diba walang kahit sinong babae ang nakakahawak sa inyo except kay Madame?" "I'm okay." Nagkatitigan naman sila. "Baka bakla siya? Kaya ganun?" Natigilan silang lahat sa sinabi ng Driver at dahan dahan naman silang napatingin sa Dalagang hawak nila. "Babae ang boses niya kanina." "May mga bakla na may babaeng boses. Hindi natin alam." Napatingin naman si Max sa hawak niyang babae at natigilan siya nung makita niya ang cleavege nito at dahil pinagpapawisan ito kanina ay nabasa ng pawis ang damit nito at bakat na bakat ang bra nito sa loob. Kinuha niya ang shawl niya at tinakpan iyon baka makita ng ibang mga Bodyguards niya. "Boss, ayos lang po ba kayo? Namumula po kayo?" "I'm fine. And she's a Girl." Nakarating sila sa mansion at bumaba siya at laking gulat ng mga katulong doon na may babae siyang buhat. Sinabihan kasi ang mga katulong na once dadating siya ay hindi sila magpapakita dahil allergy siya sa mga babae. Nagulat din ang Butler dahil sa nakita. Ang young Master niya ay may hawak na babae. "Master, magaling na po kayo?" naiiyak na ani nito sa kanya. "I don't know." "Kami na po ang bahala sa babae, Master," ani ng Butler at umiling naman siya. "Mabigat po siya at mukhang kanina ka pa po nagbubuhat sa kanya." "It's okay, mahigpit niya akong hinawakan at di agad ito matatanggal." Dahan dahan naman itong tumango. "Ihanda mo ang guest room at sa kwarto ko muna siya papatulugin." "Master!" Napatakip ito sa bibig dahil walang kahit sino ang pinapasok ni Max sa loob ng kwarto niya pero iba ang babaeng hawak niya. "You're noisy." Napatakip naman ito sa bibig. "Gagawin ko na po." Yumuko naman ito at agad sinunod ang gusto nito at lumakad na siya habang dala pa din ang babae na kanina pa niya binubuhat at nakarating na sila sa kwarto nito at agad niyang inihiga ng dahan dahan ang babae pero para pa din itong Tarshier na nakakapit sa kanya at hindi siya binitawan ng dalaga at napabuntong hininga na lang siya at binuhat ulit dahil nangangalay ang katawan niya na yumuyuko. "Miss?" tawag niya sa dalaga. Mahina niyang tinapik ang pisngi nito at dahan dahan namang nagmulat si Miles at agad bumungad sa kanya ang light brown na mga mata nito. "Can you please let me go? Ihihiga kita sa kama ko." Natigilan naman ito sa sinabi ni Max at nagulat sa ginawa niya na nakakakapit siya sa batok ni Max. Agad niyang binitawan ang batok nito at napabuntong hininga na lang si Max at dahan dahan siyang inilapag sa kama. Agad niyang tiningnan ang paligid kung nasa Hospital pa ba siya. Miles Point Of View* Wala na ako sa Hospital diba? Napakaganda ng kwarto... teka ihihiga niya ako sa kama niya? Agad akong napatingin sa lalaki at doon ko narealize na siya yung binangga ko kanina. "P-Pasensya na po sa ginawa ko kanina. Binangga ko ang sasakyan mo. Sigurado malaki ang bayad nun!" Napakagat siya sa kuko niya at di alam kung ano ang gagawin ngayon. Tiningnan lang niya ako ng walang emosyon. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. "Uhmm..." Biglang may kumatok sa pintuan. "Come in." Pumasok naman ang dalawang Bodyguards at may dalang pagkain at dinala din ang bag ko. "Ito na po ang pagkain niya po at ito din ang gamit po niya," ani ng lalaki. Tumango naman siya at binigay niya sa akin ang gamit ko at tiningnan ko iyon at binigay sa akin at agad kong binuksan iyon at kinuha ang phone ko at lunch na at di ako nakapasok sa school! "Bakit ka takot sa Hospital?" tanong niya sa akin na kinatingin ko sa kanya. "Uhmm.... kahit ako ay hindi ko din alam ang dahilan." Nahihiya akong tumingin sa kanya. Nakita ko na napabuntong hininga naman siya. "Alam mo ba na may tarangkaso ka?" Dahan dahan naman akong tumango. "Bakit ka pa papasok kung may lagnat ka?" Waaa nakakunot ang noo niya ngayon! "P-Pasensya na... intern na kasi ako at hindi ako pwede umabsent." "Seriously? Mas importante pa ang intern na yan kaysa kalusugan mo?" Waaa bakit ba niya ako pinapagalitan! "Boss, pasyente po siya ngayon. Wag niyo po siyang pagalitan po." Napabuntong hininga naman siya. "Fine, kumain ka." Napatingin ako sa pagkain. Masarap ang mga pagkain pero mukhang hindi nakikisama ang panlasa ko. Tiningnan ko lang iyon at napahawak siya sa ulo niya na kinagulat ko. "Umayos ka ng upo." Umupo naman ako ng upo at nagsign siya na umalis ang dalawa at agad naman silang sumunod at kinuha niya ang plato na may pagkain na kinagulat ko. "Ako na! Kaya ko namang kumain at may kamay naman ako." "Stay." Nagstay naman ako at inihipan niya ang soup na nasa kutsara at tinapat niya ito sa bibig ko at dahan dahan naman akong kumain at mabuti naman nakikisama na ang bibig ko ngayon. "What is your name?" ani niya bigla na kinatingin ko sa kanya at nagtagpo ang mga mata namin at ang ganda ng mga mata niya dahil Brown eyes iyon at ang hahaba ng pilik mata niya. "Hey." Nagising naman ako. "Ah, ako nga pala si Ophelia Miles Parkins." Natigilan naman siya sa pag sandok ng soup at gulat na napatingin siya sa akin. Eh? Anong nangyayari sa kanya? "Uhmm... may I know kung ano ang pangalan mo?" tanong ko din sa kanya. Di pa din ako nakaka get over sa mukha niya na gulat na gulat habang nakatingin sa akin. "I'm Maxwell Enzo Pierce." Natigilan ako dahil sa narinig. Parang narinig ko na ang pangalan niya noon pa man. Saan ko ba narinig at nakita. Natigilan ako nang may narealize... "Teka, ikaw ba si Mr. Pierce na sikat at mayaman na President slash CEO sa isang sikat na Kompanya sa Europe? Yung Young Businessman na sikat na sikat sa boung mundo?" "Yes, that's me." Eh! What! Waaaa di ko alam! Nagpasubo pa ako sa kanya ng soup! Seryoso! ******** LMCD22
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD