Kabanata 1

2625 Words
Kabanata1 Stary Hub I smiled as I stepped onto the door, welcoming the sharp smell of alcohol and the sweet smoke in the air. The club is electrically alive. Puno na naman kasi ang Starry Hub ngayong gabi. Tiyak marami na naman akong tip na matatanggap mula sa mamayang negosyanteng suki na dito. "Late ka!" Umarko ang kilay ko sa boses na iyon ni Bonnie. I glance down at my wristwatch and shake my head. Alam kong binibiro niya lang ako kaya pumwesto na ako sa tabi nito't humila ng apron. "Dumating na ba?" tanong ko dito. "Mukhang hindi na darating, nandoon na sina Primo at Apollo," she nodded her head towards their direction. Tumuwid ang tingin ko sa VIP section ng naturang bar. Nandoon na nga ang grupo nila ngunit wala doon si Gonzalo. I sighed. Inayos ang pagkakabuhol ng apron sa likod at isinunod ang hair net. "Sa table nila 'to, ikaw na magdala ha?" Nilapag nito sa counter table ang tray na may lamang vodka, ice bucket at tatlong baso. This is for Primo, Apollo at Philip. Sino ba ang hindi makakilala sa kanila? These group of friends is our long standing customer. Mukhang hindi uso sa kanila ang salitang pass kapag dating sa inoman. Dalawang buwan palang ako dito ngunit hindi ko nakitang pumalya ang mga ito na mag-drop-by sa Starry Hub. "Good evening! Here's your order, Sir," magalang kong bati sa mga ito matapos ay nilapag na sa lamesa nila ang inomin. They are busy chatting and didn't even notice my tiny presence. Tumuwid ako ng tayo at ibinuka muli ang mga labi. "Is there anything you want, Sir?" I asked timidly. Sumulyap sa'kin ang nagngangalang Primo. His dark eyes made my lungs stop from functioning. Ibang klase kasi ito tumingin. He's mysterious and too dangerous to deal with. Wala man basehan ang aking sinabi'y umiwas na lang ako ng tingin. "Can I have a artichoke dip and a bowl of nachos?" he asked in a cold tone. "S-sure. What else, Sir?" Doon na tumingala sa'kin ang dalawa pa. Tila na-agaw ko na sa wakas ang kanilang atensyon. Apollo, squinted his eyes. Marahil ay inaaninag ako sa kabila ng patay sinding ilaw. Lumunok ako sa kaba. These guys are already hitting my nerve. Hindi na kailangang isa-isahin pa ang mga katangian dahil nagsusumigaw naman na sa itsura nito ang katotohanan. "Tatlo pang baso, miss. May parating pa kaming kasama," aniya sa huli. Tumango ako at mabilis nang tumalikod. Kagat labi akong naglakad pabalik sa counter table na puno ng kaba ang puso. "Oh, anong nangyari saiyo?" Bonnie ask with furrowed brows.. "I-isang nachos at artichoke dip at tatlo pang baso," wika ko. Nagliwanag ang mukha nito sa tinuran ko. "Don't tell me, hahabol si Gonzalo?" Bakas na ang ngiti nito sa labi. Kumunot ang noo ko dito at umiling. Hindi ako sigurado kung sino pa ang mga parating. "Sus, kunyari kapa e, excited ka rin naman makita ang crush mo." Tinusok nito ang tagiliran ko matapos ay humagikgik. My face flushed red, hindi na mapigilan ang sumilay na ngiti. Sa totoo lang ay umaasa akong makita ito. Alam kong suntok sa buwan na mapansin ng isang Gonzalo Martin Dela Serna pero wala naman sigurong masama kung hangaan ko ang katulad n'ya. "Ito na ang order nila, goodluck!" Tinulak ni Bonnie ang tray na naglalaman ng baso at order nilang nachos at artichoke dip. Pasimple kong binagtas ang daan patungo sa VIP section kasabay ng malakas na tugtog. Sa puntong ito ay may mga dumating na silang kasama ngunit wala doon ang hinahanap. Bantulot na bumalik ako sa counter at pinanood ang ilang nagsasayaw sa mismong dance floor. Gumawi ang tingin ko sa grupo ng mga babaeng nasa iisang lamesa. Mukhang lasing na ang mga ito. Isa na doon ang kilalang aktres na si Avianna. Suki na rin ang grupo nila dito at kilalang habulin ng mga lalaki dahil sa angking ganda at ka sexy-han. I sighed deeply again. Ganito ang scenario sa Starry Hub gabi-gabi. They are spending the nights like there's no tomorrow. With that music, that beat, those crazy lights and the taste of liquor flowing like a virus through their veins. Masasabi kong kontento na sila sa buhay. The window is too large for them. They have all the money, privilege, fame and they have all the chance to live in a pocket-full of plenty. Hindi tulad kong pinanganak na mahirap na isang kahig isang tuka. Kahit siguro gugolin ko ang mga taon dito sa Starry Hub at sa Dreame Cafe na pinapasukan ko ay hindi man lamang aabot ng five digits ang magiging ipon ko. I need to pay my bills, my food and some expenses. Kulang na kulang pang pambayad sa upa ang sahod ko dito. Mabuti ay nagkakaroon ako kadalasan ng tip mula sa mamayayamang customer ko dito. Isa na nga doon si Gonzalo. He might not know me. Suntok sa buwan rin kung matandaan niya pati ang mukha ko. Sabi nila isa itong business tycoon. And a well known wise man and a certified bachelor. Nasa kanya na siguro ang lahat ng katangiang hinahanap ng isang babae. Malabo na ang isang hamak na tulad ko ay mapansin niya. "Andra, dumating na si Gonzalo," bulong sa'kin ni Bonnie nang madaanan ako sa bar counter. Mabilis lumipad ang tingin ko sa lamesa nila. And my heart rate rose as I watched his forth coming. He still wearing his office attire. Pinanood ko pa kung paano nito hubarin ang kaniyang coat at luwagan ang suot na tie bago maupo sa couch. I bit my lower lip. Damn! Ilang ulit na beses ko na itong nakita, but the same feeling hits me. He had that kind of face that strikes my heart big time. He’s got that brown skin adonis look and tousled dark hair with almost perfectly strong face and sharp jaw. As if God had molded him just to spoiled a woman's heart. Nanginginig ang kamay na hinila ko ang dalawang menu para lapitan ang mga ito. Hindi man ako tinawag ay kusa na akong lumapit para batiin ang mga ito. "G-good evening... How was your day, Sir?" I merely whispered to him. Tinuon ko ang tingin kay Gonzalo na tila abala sa hawak na cell phone. Tumingala sa'kin si Apollo na kunot ang noo. Pero agad kong inabot sa mga kasama nito ang isang menu. "Want to try our new best seller, moistcake, Sir?" Agad kong kinagat ang ibabang labi. Shit mali! Stupid, Alondra! Sa Dreame Café lang kasi meron no'n kung saan katatapos lang ng shift ng trabaho ko doon. "I'm sorry, I mean..." Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang nag-iisang menu na para sana kay Gonzalo. "Uh, Roasted portobello with artichoke-truffle mousse and parmesan," my tight lips said. Doon na tumingala si Gonzalo. I meet his gaze with a smile but then instantly vanished as he look down at his phone again. "Miss, bigyan mo na lang kami ng dalawang beer at iyang best seller n'yong moistcake," anang lalaking katabi nito bago ngumisi sa'kin. If I'm not mistaken. His name is Damon Brant. I didn't know much about him. But he's kinda cute and more attractive when he smile like this. The seed of embarrassment grown inside my body. I'm frozen to the spot. Kung pwede lamang akong lamunin ng lupa ay ginawa ko na. "Yeah, we like moistcake." segunda naman ni Apollo. He smiled too and gave me a wink of an eye. "I'm sorry gentlemen, but we have no available moistcake at this moment." I bit my inner lip hard. Tumingala kasing muli si Gonzalo sa'kin. This time he put down his phone at the table and staring at me for a bit seconds. "Sabi mo best seller n'yo ang moistcake?" he asked in low baritone voice. Lumunok ako. Hindi akalain na nakikinig pala ito sa usapan. Not only my cheeks but my whole face turned red. Ang puso ay walang palya sa pagtibok. "I'm... I'm sorry." I wanted the earth to crackly open and swallow me whole. Bubuka pa sana ang labi ko ngunit tumunog ang aparato nito na nasa lamesa. Gonzalo cut his gaze and glance at his phone. "Si Penelope?" Primotivo asked with a lace of mockery. "She's getting into my nerves." Sumandal ito sa couch at hinila ang cell phone para patayin ang tawag. Ngunit wala pang ilang segundo ay tumunog itong muli. He received a text and he read it right away. "Damn..." Isinuksok nito sa kaniyang bulsa ang kaniyang cell phone at hinila ang baso ng alak para diretsong lagokin. "Anong sabi?" Tila hindi pa tapos si Primo na makiusyoso. "She's coming," sagot nito bago magkibit-balikat. "Mukhang wala ka na talagang ligtas d'yan kay Penelope. Malapit na ba kami magsuot ng barong tagalog?" Primo still initiate. The conversation swirled. And I remain stood still in front of them. Base sa tinatakbo ng usapan ay nakatakda nang ikasal itong si Gonzalo sa nagngangalang Penelope. My poor heart. Gusto ko na sanang umalis pero hindi ko magawa. My legs felt shaky. Kakaibang kurot din sa puso ang naramdaman ko ngayon. "Huwag mo kaming kalimutan sa kasal mo ah?" tila nambubuska ang tono ni Apollo dito. "Ikakasal na siya?" My voice sounded more pained than anything. Hindi alintana ang pagsulyap sa'kin ng lima nitong kasama sa tanong ko. Damon and Apollo laughed a bit. They are truly amazed by my sudden engage to their conversation. "Yeah! The great Gonzalo Martin Dela Serna is about to get married!" Inakbayan ito ni Zanjo ang isa mga barkada nito. Kilala bilang matinik sa babae. Humalakhak naman sina Philip at Primo bago itaas ang baso. "Let's drink to that!" Nag-cheers ang lima habang umiiling-iling naman si Gonzalo. His eyes darted on me again. And my body scorching in pain that sears through my abdomen and died all the butterflies in my stomach. He's getting married, really? "Where I could buy your bestseller moistcake?" tanong nito. Kumurap-kurap ako. Tila nahimasmasan ang pagdadalamhati ng puso. "Sa Dreame Café, Sir," sagot ko. Napaatras ako nang bigla itong tumayo at humakbang palapit sa'kin. "Anong sasabihin namin kay Pen?" Primo asked with twitched lips. "Tell her I'm with someone else. And call Syd for me, aniya matapos humarap sa'kin. "Let's go?" My lovely mouth drop as my heart at my throat. Tama ba ang narinig ko? Inaaya n'ya akong umalis? "Ako po? But... I'm just here to take your order, Sir!" I almost stuttering. Yumuko ito ng bahagya at sinalubong ang mga titig ko. "I want your moistcake instead," anito sa mababang tono. He's too close that I could feel his hot breath and smell his damn scented perfume. Wala pa man ay parang nalasing na ako agad. Hindi ko alam ang dapat sabihin. Nasa trabaho ako at hindi pwedeng umalis. Baka masisante ako kung sasama ako sa kanya sa oras ng trabaho. Ngunit wala pa mang sagot mula sa'kin ay hinawakan na niya ang palapulsohan ko palayo sa lamesa nila. Yuko ang ulong nilampasan namin ang mga taong sumasayaw sa gitna ng dance floor. May ilan akong narinig na tumawag dito ngunit hindi niya pinansin. May ilan pa ngang alam kong napasulyap sa kamay niyang nakahawak sa'kin. I can feel my heart pounding in my chest hard as we went outside the Club. The soft wind touches my skin and my lips were shaking. Hindi pa rin kasi nito binibitiwan ang aking palapulsohan hanggang marating namin ang kaniyang sasakyan. Everything happened so fast and beyond my control. He's too dominant. I still can't believe that I got into his car so damn easily. This is one of my biggest dream. Ang makasakay sa kaniyang Bugatti La Voiture Noire. Isang pribilehiyo ngang masasabi ito dahil sa nakakalulang halaga ng kaniyang kotse. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na ang $18.68 Million na halaga ng kaniyang kotse ay nasa akin nang harapan ngayon. "What is your name?" he asked after a couple of minutes. Pinanood ko muna kung paano nito imaniobra ang mamahaling sasakyan bago sumagot. "A-Alondra Dominguez," tipid kong sagot. Siguro iniisip niyang kilala ko naman na siya. So, what for na magpakilala pa ito ng personal? "I'm Gonzalo Martin Dela Serna," aniya na hindi inaalis ang tingin sa daan. Kinagat ko ng mariin ang aking mga labi. Pakiramdam ko ay may mga paruparo na pilit niyang binubuhay sa aking tiyan ngayon. Sa puntong ito ay mas nagkaroon ako ng pagkakataon titigan ito ng maigi. He look more dishy, hot-looking-gorgeous up close. His well proportion nose, brows, eyes, squared jaw and his damn perfect lips that add more sexiness to his appearance. "Done, checking me out?" he asked and glance at me with twitched lips. Agad na umakyat ang pamumula sa buong mukha ko. "I-I'm sorry, I didn't mean to—" I paused, curling my fingers into the hem of my shirt. He chucked lightly, matapos ay umiling. Ano pa nga bang idadahilan ko e, huli-huli naman niya akong ginagawa iyon? Saka halata naman na sanay na siyang may tumitingin sa kanya ng lantaran at nagpapakita ng interes kaya sa tingin ko'y walang masama doon. Mabuti ay mabilis kaming nakapasok sa South Ridge Village at narating ang Dreame Café kung saan ako nata-trabaho sa araw. Isa ito sa sikat ba Café sa South Ridge dahil puro prominenteng tao lamang ang nagiging customer namin dito. Nang tumigil ang sasakyan nito sa tapat ng Café ay mabilis akong sumulyap dito. Hinila niya sa bulsa ng kaniyang pantalon ang tumutunog niyang cell phone. But he end up dropping the call and turn off the ignition and turned his face lastly to me. "Shall we?" he asked in low baritone voice. Hindi ko mapigilang panikipan ng dibdib sa narinig. Ngayon ko lang kasi malinaw na napakinggan ang boses nito gawa ng maingay sa Club kanina. Dahil doon ay hindi ko agad nagawang sumagot kaya binaklas na nito ang kaniyang seatbelt at lumabas ng kaniyang kotse. Natataranta naman akong lumabas, still wearing my apron and my hair net. Ngunit nag-atubili akong humakbang at sumunod dito dahil sa ayos ko. This is not an appropriate dress to enter in that Café. Puro mayayaman lang kasi ang nagiging customer namin dito at eksklusibo para lamang sa mga nakatira sa South Ridge Village. Tumigil ito sa paglalakad at sumulyap sa'kin. I swallowed the lump in my throat as he nodded his head for me to follow. Nag-aalangan man ay humakbang ako para sumunod. Pansin kong binati ito agad ng ilang kalalabas lang na customer na siya niyang tipid na tinanguan. Maging ang Security Guard ng Café ay mabilis itong sinaluduhan. Pero may iilan pa ring tumigil at sandaling nakipagkumustahan dito. I'm not surprised that the girls head would turn for Gonzalo. He has that kind of attraction that every women could not resist. "Gonzalo! Ngayon lang kita nakita dito?" Tila hindi makapaniwala ang babaeng kaharap. She smiled softly at Gonzalo. Inipit pa nito ang buhok sa kaniyang tainga na halatang nagpapa-cute. "I just drop by to buy a cake," aniya dito. The woman in her middle age nodded. Sumulyap dito sa gawi ko at kitang-kita ko kung paano n'ya ako hinagod ng tingin bago magtaas ng kilay. "Oh, Alondra, diba tapos na ang shift mo? Bakit nandirito kapa?" anang body guard sa'kin. Hinagod din n'ya ng tingin ang ayos ko habang nakakunot ang noo. "She's with me. Please... Excuse us." Hindi pa man ako nakakapagsalita ay muli na nitong ginagap ang aking palapulsohan papasok sa loob. Isang sulyap pa ang ginawa ko sa mga naiwan na siyang tila bumagsak ang panga sa nasaksihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD