Chapter 11 HINDI nakatiis si Sabrina ay lumabas siya ulit ng mansyon dala ang kanyang payong. Pinuntahan niya si Braileys, at bumaba kaagad iyon sa sasakyan. “Wala ka bang balak na umuwi muna?” salubong kaagad niya sa asawa na napakamot. “Baka lang may kailangan ka pa,” anitong humawak sa may balakang, nakatingin sa kanya kaya napakunot noo siya. Ano namang kailangan niya. “What do I even need?” tanong niya rito. “Ako,” anito kaya ganun na lang ang pagtikwas ng labi niya rito. “Nope. I don’t need anything. I don’t need you. The company needs you so you should be there. Saka, ni hindi ka pa nga nagbibihis,” aniya saka ito nasuri mula ulo hanggang paa, “You still smell alcohol.” Napakamot ulit ito sa ulo kaya tumalikod na siya. “Pupunta pa ba kayo dun ng anak natin?” Pahabo