Chapter 8

1231 Words
HINDI PA MAN tapos ang oras ng trabaho ni Clea ay nakatanggap na siya ng text mula sa isang unknown number ngunit alam naman niyang kay Elias ito galing. Wala naman sigurong ibang makakaalam ng numero niya bukod sa kaniyang boss. Unknown number: I will pick you up at six. Wait for me on the exit of the building. Gaya ng sabi sa text message na natanggap niya ay nagtungo siya sa exit. Sinikap niyang walang makakita sa kaniya na katrabaho hanggang sa dumating si Elias. Palinga-linga ito para hanapin siya kaya naman marahan siyang lumapit at tinapik ang likod nito. "I'm here," wika niya. Humarap ito sa kaniya at kaagad kinuha ang palad niya saka siya nagmamadaling hinatak nito palabas—pinapasok siya sa loob ng sasakyan saka ito nagmaneho paalis. "Saan tayo pupunta?" tanong niya habang nasa byahe sila. Humarap na lamang siya sa labas ng bintana at pinagmasdan ang paligid. "Where do you want to go?" tanong nito sa kaniya. Himbis na sagot ang itugon niya ay tanong din ang ibinalik niya kay Elias. "For what is this, Mr. Adamson? Anong gusto mong pag-usapan natin?" "Don't call me that, we're not in the office." Bumuntong hininga ito at nagpatuloy sa pagmamaneho. Talagang wala siyang ideya kung anong gustong pag-usapan nila ng lalaki. Wala naman kasing namamagitan sa kanila bukod sa dalawang beses nilang pagtatalik. Hindi naman na niya kinulit ang lalaki sa pagtatanong. Hinintay na lamang makarating sila sa isang mamahaling restaurant. Inaya siya nito papasok nang walang kahit na anong sinasabi. Ipinaghatak siya ng upuan ni Elias at hinintay na makaupo bago ito maupo sa kaharap niyang upuan. Hindi malaman ni Clea ngunit nakaramdam siya ng kilig. Hindi naman ito ang first time niya at alam naman niyang napakasimple ng bagay na 'yon pero bakit kinikilig siya? "What's your favorite food?" He asked her. "No specific food, basta masarap ang luto. But I have favorite drinks." "Alcohol?" tanong ng lalaki at pinagmasdan siya. Ito kaagad ang pumasok sa isip nito dahil naalala ang unang beses silang magkita sa bar. Pinagsalikop nito ang palad sa ibabaw ng lamesa. "You know what, Clea... you're beautiful, hindi ka dapat umiinom nang sobra-sobra lalo na't wala kang matinong kasama. You're young and pretty." "Hindi naman talaga ako umiinom, ilang beses lang dahil kailangan kong makalimot." Kinagat niya ang ibabang labi nang muling maalala ang problema nilang mag-ina. Nadagdagan pa ito sa pagkakasakit ng ina niya. "Makalimot about what?" Umiling siya. "Masiyadong mahabang kwento, let's just say... family problem and financial problem. That's why I need this job." Tumango si Elias at nag-order ng kanilang pagkain. Pagkatapos ay hinawakan nito ang palad niyang nasa ibabaw ng lamesa. Tila siya napaso sa mainit na palad nito, sinubukan niyang bawiin ang kamay ngunit pinigilan siya ni Elias at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa palad niya. "Stop drinking alcohol with your friends outside." Kumunot ang noo niya. "What? What do you mean. Why are you telling this to me? As if naman makikinig ako sa 'yo." Sapilitan niyang binawi ang palad mula sa lalaki. Ang totoo niyan ay kanina pa niya gustong bawiin ang palad. "I said what I said," maiksing wika nito habang titig na titig sa kaniya. Napalunok si Clea ng sariling laway. Talagang napaka-bossy ng lalaking ito. Hindi na siya nakipagtalo pa at nag-iwas ng tingin. Hindi niya nais salubungin ang titig nito. "Did you apply to my company?" Tumango siya. "Of course." "I see," maiksing tugon ng lalaki habang tumatango at tila ba ay may iniisip. "Did you apply as my secretary because you know na ako ang may-ari ng company?" Mabilis siyang umiling. "Of course not! Hindi ko alam na secretarya ang ibibigay na posisyon agad sa 'kin at... at mas lalong hindi ko alam ang tungkol sa 'yo. I don't even know you. Isa pa, natanggap na 'ko sa trabaho nang araw na 'yon kaya lumabas kaming magkakaibigan para mag-celebrate. This is my first job. Hindi ko din alam na mangyayari ang nangyari sa 'ting dalawa." Lumunok siya ng sariling laway matapos maalala ang dalawang ulit na pakikipagtalik sa lalaki. Hindi nakatugon si Elias nang dumating ang waiter dala ang mga pagkaing in-order nito. Isa-isang inilapad nito ang mga pagkain sa lamesa mula sa dining cart na tulak. Ngumiti si Clea at natakam nang makita ang mga seafoods. Nagtaka lamang siya dahil tila napakarami ng mga pagkain para sa kanilang dalawa. "Ang dami mo naman yatang in-order." "I have no idea what food you like, that's why." Maganang kumain si Clea at lihim na napapangiti si Elias habang pinapanood siya. "Siya nga pala, may suspect ka na ba sa naglagay ng drugs sa inumin mo?" tanong niya nang bigla itong pumasok sa isip niya habang kumakain Umiling naman si Elias. "No, pero under investigation na 'to mula sa mga tao ko. I really have no idea who will do such a stupid things like that." "Puwedeng isang babae na may gusto sa 'yo, gaya ng mga napapanood ko sa movies." Natigilan si Elias sa pagkain nang marinig ang sinabi niya. Sandali itong nag-isip at maya-maya ay bumalik sa pagkain. "Forget about it," wika nito. Nagkibit balikat na lamang siya at bumalik sa maganang pagkain. Hindi naman nila naubos ang pagkain, iiwan na lamang sana ito ni Elias ngunit nakiusap siyang ipabalot ang mga tira pauwi dahil gusto niyang ibigay ito sa mga pakalat-kalat na aso sa kalsada nang hindi masayang ang pagkain. Simula nang gumuho ang mundo niya at lumagapak sila sa lupa ay natuto na siyang magtipid at hindi magsayang ng pagkain. Inihatid siya ni Elias sa maliit na bahay na tinutuluyan niya. Pinagbuksan siya nito ng pintuan. "Thank you. Mag-ingat ka pauwi, Mr. Adamson," wika niya na ikinatawa ni Elias nang mahina. "You're funny. Parang kanina lang casual lang tayong nag-uusap, and now you're calling me again Mr. Adamson as if we're at the office." Napakamot siya sa batok. Sumeryoso naman ang mukha ni Elias. "Get inside. See you tomorrow, Clea, and as I said ealier... don't drink again with your friends outside. Don't be careless again." Marahan siyang tumango at pumasok sa loob ng bahay ng kaniyang bagong tinutuluyan. Ginamit niya ang natitirang ipon para makabukod kaagad sa tiyahin nang makapasok sa trabaho. Ang trabaho lang naman talaga ang hinihintay niya nang sa ganon ay hindi siya magigipit sa pera at may pagkukunan sa oras na gamitin niya ang ipon sa pagbukod. Pagkapasok sa bahay ay pabagsak siyang nahiga sa ibabaw ng kama niya. Tumulala siya sa kisame. "Elias Adamson...." banggit niya sa pangalan ng lalaki at bigla na lamang gumuhit ang ngiti sa kaniyang mga labi. Pagkatapos ay nakaramdam ng matinding kilig. "Wah!!" tili niya at mabilis na umupo sa kama. Pinag-ekis ang mga binti at nagyakap ng isang unan. Talagang kinikilig siya. "Our first dinner date. Oh my gosh!" Gusto niyang magtitili sa kilig. Kinuha niya ang cellphone niya at tinext ito. Clea: Thanks. Ride safe home. Isinave niya na rin ang numero ni Elias sa kaniyang contacts at nakalagay pa ito sa favorites. Higit isang oras din nang makatanggap siya ng reply mula sa lalaki. Mr. Adamson: Thanks for tonight, Clea. See you tomorrow. Good night. Hope you enjoyed our dinner. Labis ang ngiti ni Clea habang binabasa ang text ng lalaki. Halos mapudpod ang kuko sa kaniyang hinlalaki kakakagat niya habang ilang minutong nakatitig at paulit-ulit na binabasa ang text ni Elias.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD