Reedly stole a glance at Dione’s face then towards Red’s. Kanina pa sila sa elevator pero walang kumikibo sa dalawa. Ramdam niya din na parang may tension sa pagitan ng mga ito. Napakagat labi siya. Kasalanan niya ba kung bakit? She told Red na may crush sa kanya si Dione kahit ang totoo ay sinabi lang yun ng mga bata at hindi pa naman siya sigurado. Pero minsan naman kasi talaga ay parang nag papalipad hangin si Dione sa kanya. Napatingin siya kay Choco nang tumahol ito. She put her index finger against her lips para sawayin ito pero tahol lang ito ng tahol. Sasabay pa ata sa tensiyon sa pagitan ng dalawa. Nanlaki ang mga mata niya nang yumuko si Red then unclasped Choco’s leash. Saka nito kinarga ang aso niya. Nagulat naman na tumingin si Dione dito. “I think she