“I don’t think you need your car for this trip.” Tumingin sa kanya saglit si Red. Pagkatapos nitong mag type sa cellphone. Isinuksok nito ang cellphone sa bulsa ng grey slacks nito. Kumunot ang noo ni Reedly sa sinabi nito. “What do you mean?” “The art director of the other gallery is in Batangas right now. Kung gusto daw natin siyang makausap. We need to go there ourselves and talk to him.” Reedly followed Red nang maglakad ito papunta sa sasakyan nito. Nanghihinayang na tiningnan niya ang sasakyan niya. So ibig sabihin ay gabi na sila makakauwi? Or will they go home at all? Pinangako niya pa naman kay Dione na babalik siya at pupuntahan ang mga bata sa hapon para ma-i-libre ang mga ito. Dione was still at her apartment at doon nga sana sila manggagaling pagka-uwi niya. Pero mukh