PROLOGUE

1395 Words
Red smiled. Ito na ang araw na pinakahihintay niya. The prestigious art competition para sa mga gifted na batang kagaya niya. Her heart is beating fast and hard dahil sa magkahalong kaba at excitement. Finally, her efforts will be paid off. All those hard works. All those late nights mastering her crafts. This is her destiny. She can feel it in her guts.   Napatingin siya sa hawak-hawak niyang paint brush at sa mga paints na nakakalat sa paligid niya. Pati na sa canvass na kaharap niya. She felt a little pressured dahil maraming mga mata ang nakatingin sa kanilang lahat na kasali dito sa art competition. Iba’t ibang media ang gamit nila. The challenge is how will you represent your art with just one word as a trigger for creating a beautiful art.   “Red.”   Napatingin siya sa Momma niya nang tawagin nito ang pangalan niya.   “Yes, Momma?”   Yumuko ito para kahit papaano ay magpantay ang mukha nilang dalaw, “Remember, whatever happens. Ikaw pa rin ang pinakamagaling para sa amin ng mommy mo.”   Inilipat niya ang tingin sa Mommy Cas niya. She smiled. Alam niyang nag-w-worry ang mga ito sa kanya. Pero wala naman dapat ipag-alala ang mga ito. She will still love art kahit pa matalo siya sa competition.   Ngumiti ang Mommy Cas niya, “Ang pagkatalo ay isa lamang paraan para malaman mong kailangan mo pang mag-improve. So don’t be afraid to try.”   Tumango siya sa mga ito, “I will do that Momma at Mommy.”   “Red.” Lumapit ang ate Alyssa niya sa kanya. “Galingan mo ha?”   Ngumiti siya rito. Andito rin ito ngayon para suportahan siya.   “Uy, Red. Kapag natalo ka sa competition na ‘to, itatakwil kita bilang kapatid.”         Napasimangot siya sa sinabi ni Vi, “Panira ka talaga eh no?”   Ngumiti ito nang may pang-aasar. Kung hindi niya lang ito kamukha, malamang ay sinabihan niya na itong panget. Para siyang nananalamin sa version ng sarili niya na masyadong pasaway. Ilang beses na ba itong na grounded ng Momma at Mommy nila?   “Red!” Tinapik ito ng Momma nila sa braso. Malakas siguro kaya napahimas pa ito sa natamaan dito. Tiningnan naman ito ng Mommy Cas nila with a disappointed look. She threw her head back laughing. Nakakatawa talaga kapag sinasaway ito ng mga magulang nila.   “What?” Si Vi ulit na nagkibit-balikat pa sa harap ng dalawa nilang nanay. Inirapan siya nito.   Napangiti siya. Nagtatawanan ang mga ito sa kalokohan ni Vi. She loves this small family she had. Kahit na sinasabi ng iba na hindi normal ang pamilya nila. She still appreciates all of it.   “Ok. The competition will now officially start. Mga magulang at kaibigan ng ating young artists. Tapos na po ang inyong time. Umupo na lang po kayo sa gilid kung saan may nag-aantay na bench.”   Nagsiupo na ang mga magulang niya, si Vi at Ate Alyssa niya sa tinutukoy na bench. Malapit sa pwesto niya kaya naman tanaw niya agad kapag lumilingon siya sa pwesto ng mga ito.   Napatingin siya sa paligid niya. She smiled at the hopeful faces of her co-competitors. Bumalik lang ang kaba niya ng ma-realize niyang ito na talaga ang simula ng competition. She can feel herself sweating. Pati ang mga kamay niya ay namamawis na. She clutched her paintbrush hard.   “The word for this competition is fear,” Anunsyo ng MC.   She stood still for a moment. Fear? Ano nga ba ang kinatatakutan niya? Ipinikit niya ang mga mata niya. The smiling faces of those people she holds dear. Natatakot siyang mawala ang mga ngiti ng mga ito.   Iminulat niya ang mga mata at nag simula nang magpinta. She took the paints she needed. Black, white and red, then blue and violet. Isa isa siyang gumuhit ng representasyon ng dalawa niyang ina. Pati na ang kapatid niya at ang mga taong naging parte na din ng pamilya nila. She was so engrossed in what she’s doing.   But she stopped when she felt a ringing sensation in her ear. Tila tunog ng umuugong na takuri. Napahawak siya sa tenga niya. She closed her eyes to stop it from ringing, pero tila mas lumakas ang ugong. Pumipintig na rin ang tenga niya. Masakit na makati.   “Red?!”   “M-Momma? Mommy….”   Naibukas niya ang kanang mata. She saw her Momma and Mommy running towards her. Pati na din ang kapatid niyang si Vi at ang Ate Alyssa niya. Kitang kita niya ang pag aalala sa mukha ng mga ito.   She tried to smile pero napangiwi rin siya. Umiikot ang paligid niya. Then she realized she was still in the competition. Inangat niya ang mga kamay niya para gumuhit pero hindi na umabot ang brush niya. Nalaglag iyon sa paa niya. Hinawakan niya ang ulo niya. Umiikot talaga lahat.   “Red!” May humawak sa balikat niya. Her Mommy Cas was really worried. “Dadalhin ka na namin sa hospital.”   “P-Pero ma…...ang competition ‘di pa po tapos.”   “Screw the competition. Baka ano pa ang mangyari sayo,” Her sister Vi said. Nakapamewang pa ito.   “Tara na Red,” Her Ate Alyssa na inalalayan na siya.   “Ok lang po ba siya?” One of the stationed medical staff assisted them. Ipinikit niya ang mga mata niya. Nahihilo pa rin talaga siya.   Inasikaso sila ng mga medical staff. Tumulong na din ang Mommy Cas niya pero halata sa mukha nito ang pag-aalala. Pinatayo siya nito but she was really wobbly. She felt like she lost her balance. Hindi niya alam kung paano sila napunta sa hospital na pinag t-trabahuhan ng Mommy niya. Ilang minuto na kasi ganun pa rin ang pakiramdam niya. The world is spinning at parang wala siyang magawa para pigilan man lang iyon.   She sighed. Nalulungkot siya dahil hindi man lang niya natapos nag competition.   Kitang kita niya sa mukha ng Mommy Cas niya ang labis-labis na pag-aalala. She clutches her mother’s hand. Nakikipag-usap pa kasi sa labas ang Momma niya. Kasama niya sa loob ang Ate Alyssa niya. Pati na din si Vi na palakad lakad sa harap niya. Hindi niya na nga ito sinusundan ng tingin dahil sa nahihilo siya.   Medyo maayos ayos na ang pakiramdam niya. She was advised by the doctor to steady her head. Kailangan niya nga lang nang matinding concentration para hindi igalaw ang ulo niya. Kapag kasi bumabaling siya sa ibang direksiyon ay umaatake na naman ang hilo niya.   “Ok. Kamusta ang pakiramdam mo Red?” Ngumiti sa kanya ang doctor pagkapasok nito sa loob ng kwarto. Kasabay nito ang Momma niya na tila maiiyak na.   “Nahihilo pa din doc kapag bumabaling.”   “I understand.” Hinawakan nito ang likod niya. Tiningnan niya nang may pagtataka ang Mommy niya ng umalis ito sa tabi niya. “So ganito ang gagawin natin ha? You will lie down and look at my nose. Hahawakan ko ang ulo mo. I-t-tilt lang natin ng 45 degrees. Tapos we will maintain this for 30 seconds.  If you close your eyes or you are not focused on my nose uulitin natin ang gagawin natin. Naiintindihan mo ba, Red?”   “O-Ok po.” Kinabahan siya bigla dahil hindi niya nga kaya ng ilang segundo lang yung hilo. 30 seconds pa siya sa ganun.   Nakita niya ng maglagay ng trashcan malapit sa hospital bed niya ang nurse. She resisted the urge to close her eyes ng hawakan nito ang ulo niya. Her head was tilted 45 degrees. Pagkatapos ay dahan dahan siya nitong inihiga. Muntik na siyang bumangon sa sobrang hilo. She was also tempted to close her eyes pero kailangan niyang sundin ang sinabi ng doktor. Hilong hilo man ay tinitigan niya ang ilong ng doktor. Gusto niya sanang umiwas dahil titig na titig ito sa mata niya. Pero pagkatapos nun ay nakahinga siya ng maluwag.   “Doc. Ano pong nangyayari sakin?” She asked.   Ngumiti ito sa kanya. “You have BPV. Isang uri ng Vertigo na kaya namang ayusin basta gagawin mo lang ang ituturo ko sayong exercises.”   “V-Vertigo?”   “Yes it may or not be permanent. Kailangan pa ng further tests but I will assure you kung permanent. Pwede naman siyang ma-maintain.”   Gusto niyang umiling. No. Sana hindi yung permanent ang sinasabi ng doctor. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD