Mabilis lumipas ang isang buwan. Simula ng malaman ni Monica na niloloko lamang siya ni Cedric hindi na niya ito muling nakita pa. Which is good upang makalimutan na niya ito. "Monica, Anak ang lakas lakas ng tawa mo. Rinig na rinig sa kapit bahay natin nakakahiya naman" "Pasensya na ho nay nakakatawa kasi yung palabas sa t.v eh!" Napakunot ang nuo ng kanyang nanay at sinilip nito kung anong pinapanuod niya Noon time show iyon sa telebisyon "Kailan ka pa nanunuod ng ganyan? Hindi naman nakakatawa yan eh. Sabi mo nga noon ang kokorni ng mga yan" Patuloy padin siya sa pagtawa habang nanunuod ng noon time show. "Wala ka bang pasok sa skwelahan?" tanong muli ng kanyang nanay Hindi siya sumagot at pinagpatuloy niya lang ang kanyang pagtawa. "Napapansin ko parang nababaliw kana ana