“Warningan mo hanggang dalawang beses yung mga nagiging cause ng kampihan, tapus nun, wag mo na silang pakialaman. Alam mo namang baluktot mag-isip ang mga taong ganun, at pinapakita lang ng mga kasalanan nila na mali talaga sila.” – Titus 3:10-11 -- Chapter 45 Pearl Hindi naging maayos ang tulog ko nung gabing iyon. Matiwasay akong naihatid ni Nick sa bahay. Pero sa paglingon-lingon at titig niya sa akin, ginagambala rin nito ang kakayahan kong mag-isip nang maayos. Gulong gulo ako at halos mabuang na kakaisip sa kanya. Mahal ko pa raw siya. Para siyang timang na bilib na bilib sa natuklasan niya kahit ilang beses kong tinangging hindi totoo iyon. Nagkakamali siya. Pero hindi umeepekto. Hindi siya naniniwala. Mahal ko pa raw siya? Sa totoo lang, para kaming mga teenagers na n