“Binigay nya ang sarili nya para palayain tayo sa lahat ng kasamaan at linisin tayo para maging sariling bayan nya na masigasig gumawa ng mabuti.” – Titus 2:14 -- Chapter 41 Pearl At hindi pa iyon ang huli niyang pagpunta sa bahay. Hindi ko na nga lubos maisip kung paano siya nakakalusot kina Tiya Adora. Sa mapanuring tingin pa lang niya ay alam kong butas ng karayom ang susuongin niya. Pero kay Nick… hindi ko mawari kung may gayuma ba itong ginagamit o charm na mahirap baliin. Nagpiprito ako ng bangus nang magdeliver siya ulit ng tubig. Paglingon ko sa likod ko, siyang pasok niya buhat ang isang galon. Binaba niya ang walang laman at pinalitan ng bago. Sa tuwing nagdedeliver, palagi niyang suot ang t shirt ng tubigan. It seems like he’s really their regular delivery man. Hindi ko