Chapter 28 Part 1

3717 Words
“Pero matibay ang pundasyon na nilagay ng Diyos at hindi ito mauuga. Nakasulat dito ang mga salitang: “Kilala ng Panginoon kung sino ang totoong kanya,” at “Yung mga nagsasabing sa Panginoon sila, dapat tigilan na nila ang paggawa ng masama.” – 2 Timothy 2:19 -- Chapter 28 Part 1 Pearl Para akong nananaginip. Ganito ba ang pakiramdam ng umiibig? Nagkacrush ako sa Cebu noong nag-aaral. Sa high school. Tumitibok nang malakas ang puso ko sa tuwing dadaan si crush o kaya kapag napapadaan ako sa classroom niya. He didn’t know. Wala akong pinagsabihan pero bigla na lang nalaman ng mga kaklase ko. Pero okay lang. Crush lang naman. Noong naging girlfriend niya isa sa mga classmate ko, s’yempre nalungkot ako. Tinitingnan at tinatanong niya ako kung crush ko pa rin ang boyfriend niya. Ang sabi ko, hindi na. Pero deep inside nalungkot talaga ako. Hindi ko iyon first heartbreak. Parang level ng pagkakaroon ng celebrity crush ang turing ko roon dahil agad ding naglaho ang paghanga ko nang magkagirlfriend siya. Ibig sabihin, mababaw ang nararamdaman ko. At wala ako sa antas na kailangan ko pang ipaglaban para lang maging single siya ulit. It was shallow. And ridiculous. But for Nick… it’s different. Hindi palaging tumitibok nang malakas ang puso ko kapag nagkakasalubong kami o kapag magkasama. Pero masaya ako sa tuwing nariyan siya. Mas madalas akong ngumingiti kapag umuuwi siya. At gustong-gusto kong amuyin siya kapag magkayakap kami. Gusto ko siyang katabi palagi. Hinahanap-hanap ko ang presensya niya. I am getting use of his fiery kisses. Minsan, nagagaya ko ang paraan ng paghalik. Pati sa paghaplos sa kanyang katawan. Pero madalas ding napapaatras ako sa hiya. But knowing that he’s my husband, it brings different kind of view and possessiveness. May karapatan din ako bilang kanyang asawa. Nang hinayaan ko ang sariling mahulog sa kanya, dumalas ang pagtitig ko. Mas lalo akong naging hands-on sa pag-aasikaso sa mga pangangailangan niya. My life started to revolve around him… One day, his secretary went to our condo and brought his schedule printed on a clean white paper. Nagulat ako. Personal pang dinala ang isang piraso ng bond paper to make sure na alam ko ang takbo ng kanyang trabaho. Pinapasok ko sa unit ang babae. Pinakainom ko ng juice. Buti may service ang kumpanya kaya hindi siya nangailangang magcommute pa. Pinadahan ko ang nakasulat sa papel. Nakaprint at may signature pa ni Nick! Napailing ako. Most of his time nasa office lang. Pero may meeting sa umaga at hapon. His lunch is called ‘home.’ Wala sa loob akong ngumiti nang nakatitig sa papel. Kahit para akong guro na chinicheck kung tama ang lahat ng nakasulat. Kung aprubado pa ang kanyang gawain sa trabaho. Parang nakakatawa. Anong malay ko sa kanyang work schedule at nature nito. Yes, he’s from corporate world too but we didn’t the same field. Nasa executive area pa siya kung saan mas mabigat ang trabaho. Though I could make a guest since nakapag-opisina rin naman ako dati. Alam kong hindi rin madali ang nakaupo at nasa harap ng computer maghapon. “Minimake sure po ni President De Silva na clear ang eleven AM niya to one PM, Ma’am. Kapag po pwedeng i-cancel ang mga luncheon meeting, i-sched na lang po. Priority po niyang makauwi rito at kumain.” She smiled after saying that. Bahagyang akong ngumuso. Nakita kong kapag meryenda time, nasa opisina lang din ulit si Nick. Hindi ba siya lumalabas para kumain? “Um-order ba siya ng pagkain pangmeryenda, Miss?” Napaisip siya ilang sandali pero agad ding sumagot. “Minsan po nagpapatimpla ng coffee o bili sa cafeteria. Pero kadalasan po ay hindi na. Tuloy-tuloy na iyon hanggang matapos ang trabaho ni President.” “So, hindi siya kumakain ng oras na iyan… Pasaway...” Mahina kong sabi sa huli. Tumawa ang sekretarya at nagtakip ng bibig. “Gano’n po talaga si President De Silva, Ma’am. Workaholic. Alam din po iyon ng mga empleyado at business partners. Kaya po kahit wala siya kapag lunch o maagang aalis, wala pong nagrereklamo. Kapag nasa opisina naman siya ay bawi lahat ng trabaho.” Binaba ko ang papel sa lamesita. “Bakit kailangan pa niyang ipadala ito sa akin?” Ngumiti siyang tila may nalalaman na hindi pwedeng sabihin. “Para raw po alam ninyo ang galaw niya sa opisina. Hindi raw po kasi kayo nagtatanong kaya… siya na ang nagsend nitong schedule. Mukhang takot po yata sa inyo si President, Ma’am.” Ngumiwi ako. “Hindi naman. Loko pala ‘yang boss mo. Pakisabi kamo sa kanya, may tiwala ako.” Nakakwentuhan ko pa siya ilang saglit. Pagkaubos niya ng isang basong juice ay tumayo na ito. Hindi siya nagtagal kaya mabilis niyang inubos ang inumin. Tinanggihan nga niya pati ang meryendang inaalok ko. “Makakaabot po ‘yan sa kanya, Ma’am. Tuloy na po ako.” Hinatid ko siya sa pintuan. “And also…” “Yes, Mrs. De Silva?” alerto niyang reaksyon. “Kung gusto niyang araw-araw na magsend ng schedule, ‘wag nang personal na dalhin dito. Kahit itext mo na lang sa akin, ayos na iyon. Nakakahiya at mapapagod kang magdeliver dito. Salamat.” I gave her my number. Hindi lang gano’n. Binigay niya rin ang number niya sa akin. “Kung may kailangan din po kayo sa akin, Mrs. De Silva, dito niyo lang po ako kontakin. Alis na po ako!” “Ah, okay. Salamat ulit.” I closed the door and went back in the living room. Napangiti lang ako habang binabasa ulit ang schedule ng work niya sa araw na ito. I actually appreciated the effort and also his concern. Hindi ko naman naisip na alamin ang mga ginagawa niya sa maghapon. It’s work that’s why. Nagkakilala kami, nariyan na siya. Pero… naappreciate ko ito. Sobra. Feeling ko ang laki-laki ng parte ko sa buhay niya. I feel like I’m living the life that every woman dreaming to have. Despite… our unusual beginnings. Pagsapit ng alas seis ng gabi, umuwi si Nick na may pasalubong na isang pulumpon ng mga bulaklak para sa akin. Mayroon din para kay Jewel pero maliit teddy bear na may kaunting bulaklak din. Dinala ko sa mesa ang kanyang inuwi. Sinundan niya ako. Galing sa likod ay niyakap ako. Inamoy ang leeg ko at mabining hinalik-halikan. I tilted my head to favor him more access. Pinahinga ko ang ulo sa kanyang dibdib habang tinitingnan isa-isa ang naggagandahang bulaklak na ito. I smiled. I truly loved his ways to make me fall in love without him realizing I’m falling deeper in silence. Kung ganito ang paraan niya, talagang mabisa. Hindi dahil sa mahal na bulaklak. Kundi sa kanyang effort at thoughtfulness. At pati sweetness. “I miss you all day, hon.” Mainit niyang bulong sa tainga ko. Ngumuso ako. Kahit nagkikita kami sa tanghali. Hinawakan ko ang kanyang buhok habang nananatiling sa ganoong pwesto. Nasa kwarto pa sina ate Digna at Jewel. “I miss you, too.” amin ko. Wala na. Talagang inamin ko. Pagod niyang pinagpahinga ang ulo sa leeg ko. Naghintay akong magbibigay siya ng reaksyon sa sinagot pero… wala. Nakontento na lang sa yakap at pananahimik naming pareho. Natapos ang gabing iyon katulad ng gabi-gabing routine. I cooked for him. Palaging malinis at organized ang bathroom. Hinanda ko ang susuotin niyang pambahay. Manonood sandali ng TV at saka tatapusin sa kama ang pag-uusap. Palagi niya akong hinahalikan ng ilang minuto bago matulog. Parang vitamins niya raw iyon para bukas. At ang totoo ay hinahanap-hanap ko na rin iyon araw-araw. Ang dulot sa akin ni Nick ay saya at pinupukaw ang p********e ko. For instance, kada haplos niya o hagod ng labi sa balat ko, umiinit ang katawan ko. Sumasagot ito kahit simpleng dampi lang ng palad niya. Instant apoy ang hatid. Nitong nakaraang araw bago ang hinihintay naming Sabado, kapag umiidlip si ate Digna, mag-isa akong nanonood sa sala ng TV. Namili ako ng mga romantic movie. Lalo na iyong medyo SPG. Napapangiwi ako kapag puro love scene tapos kaunti lang dialogue. ‘Yung tipo ng pelikulang nakasentro sa love making. Pinanood ko kung paano nila ‘iyon’ ginagawa. Nagulantang ako ng umibabaw ang babae sa katawan nu’ng lalaking partner niya. Walang damit! My goodness! Pero hindi naman kita ang ibaba nilang pareho. Ang theme ng eksena ay talagang magkadikit ang mga katawan at bigay-todo sa arteng nag-aanuhan sila. I mean… nag-aano. Nag-aanuhan nga! Sa kalagitnaan ng ginagawa niya, pinause ko ang TV. Tinakpan ko ang mukha ng mga palad para palamigin ang balat ko. Kahit sa pagdaing nila, nakakaeskandalo! Pero… parang ganoon din umungol si Nick no’ng mag… I mean… sa tuwing nadadala siya. Hindi lang kasing intense nu’ng sa eksena dahil alam kong arte lang iyon. Pero iyong kay Nick… mahina, raspy at saka galing sa lalamunan ang tunog. At ang mukha ay parang nasasaktan na ewan. Infainess, naiintindihan ko ang pagkakaiba no’ng inaarte lang sa totoo. Kasi parang sobrang OA ng nasa palabas. Naiintindihan niyo ba ako? Sa huli, parehong hingal at pawisan ang dalawang magkapareha. Niyakap ang babae hanggang sa makatulog ito dahil sa pagod. Hindi ko na tinapos panoorin. Kinabahan na ako. Ganoon din kaya ako after naming mag-lovemaking? Napuno ng kuryosidad, kaba at excitement ang mga araw bago mag Sabado. I realized that… hindi lang mahalagang i-prepare ang sarili physically pero dapat din ay emotionally prepared. I am a woman. Once na i-give up ko ang sarili ay hindi na iyon maibabalik pa. Pero alam ko ring being not pure doesn’t mean you’re not valued anymore. It’s just that I want to give myself with all my heart and soul to the man I married. I want to give Nick everything that I could give. I want to offer him everything I have. Not just my body. But me. Useless na ang panonood ng sexy movies para lang malaman ko kung paano iyon ginagawa. Dahil pakiramdam ko, iba ang feelings at motive nu’ng nasa palabas at ng sa amin. At ang napanood ko ay lust lang ang motivation. While mine is not just a physical attraction. Mine is… more on connection, sharing, giving and… love for him. I packed Jewel’s small bag for her short vacation in the mansion. Binilinan ko rin si ate Digna na tingnang maigi ang bata. Minsan kumukulit ang pamangkin ko. Pero panatag pa rin ako kasi kasama niya sina Mommy Kristina. Hinatid namin sila sa mansyon nu’ng magtanghalian. Tuwang-tuwa ang parents ni Nick. Alam rin nilang iiwan namin ng isang gabi ang kanilang apo. “Hija, bakit one-night lang? I-extend niyo na ni Nick. Tutal ay hindi naman natuloy ‘yan no’ng nakaraan.” Nasa sala kami. Paalis na rin kami ni Nick at nagpapaalam na kaya lumapit ako kay Mommy Kristina. Ito ang sinabi niya sa akin. Uminit ang pisngi ko. Iba ang lumakad sa isip ko sa kanyang in-advise. Natawa si Daddy Reynald na may kasalukuyang nagkakape. “I think may ibang plano ang anak mo, Kristina. But I agree with you. Dapat ay mas mahaba-habang araw para naman makapag-bonding pa kayong mag-asawa.” Napahilot ako ng batok. Medyo uncomfortable palang pag-usapan ang honeymoon pagkatapos kong magresearch ng ginagawa roon. Kung anu-ano ang pumapalaot sa isip ko ngayon. Pinagsisisihan kong nanood pa ako ng movies. “May pasok po kasi si Jewel at hands-on ang asawa ko sa pag-aalaga. Kung ako po ang masusunod, dadalhin ko siya sa ibang bansa. I want more time with her alone.” Nick is staring at me. Tumawa ulit ang dad niya. “Gawan mo ng paraan. Nang sa ganoon, pagbalik niyo ay maibalita niyong magkakaanak na kayo.” “Reynald!” Hinawakan ko ang uminit kong pisngi. Naeskandalo pero nangingiti si Mommy Kristina pagkatapos sawayin ang asawa. And Nick only grinned. “Don’t worry, dad, mom. My wife and I will talk about having a baby. I want it this year, if it’s possible.” Tinitigan ko siya at pinanliitan ko ng mata. Anong pinagsasabi nito? Kung hindi honeymoon, having a baby na? Talagang mahirap gamayan ang pag-iisip ng napangasawa ko. “You should, hijo. Ayokong lagyan natin ng pressure si Pearl tungkol sa pagbubuntis. Importanteng bukal sa loob niya at hindi napipilitan dahil sa mga tukso niyo. Mahirap ang magdala ng anak. Isama pang aalagaan. Hindi ‘yan basta-basta in-order, ha!” Hindi inalis ni Nick ang titig sa akin. Namulsa siya at umayos ng tayo. Nagbago ang expression ng kanyang mukha at mata. Tila may nahukay na malalim sa isipan. Kinabahan ako. Ano kaya ang iniisip niya? I bit my lip. Inakbayan ni Daddy Reynald ang asawa at pinatakan ng halik sa ibabaw ng ulo. “I know, sweetheart. Masaya lang ako sa anak mo. Hindi na siya mukhang matigas na bato. At kung magkakaanak agad sila ni Pearl, baka mas lalong hindi na natin siya makilala.” Kumunot ang noo ni Mommy Kristina. Binalingan niya si Nick. Pinagmasdan ito at bumuntong hininga. “Ah, basta. ‘Wag niyong i-pressure ang manugang ko. Makabuo man kayo ngayong taon o hindi, walang magbabago. At ano man ang mapagkasunduan niyo tungkol sa pagkakaroon ng anak, igagalang ko iyon. Mahal ko kayong mga anak ko at hindi sa pag-aanak ang basehan ng masayang relasyon. It’s a gift…” she trailed off. Hinaplos ni Daddy Reynald ang balikat ng asawa. Yumuko si Mommy Kristina. Naging emosyunal siya. Kaya tuluyan siyang niyakap ni Daddy Reynald. “Mom…” Nick’s concerned tone. Umiling ang Mommy. “’Wag niyo akong pansinin. Sige na. Lumakad na kayong dalawa. Baka makita kayo ni Jewel at humabol pa. Mag-iingat kayong dalawa, okay?” Lumapit ako at humalik sa kanyang pisngi. “We will, Mommy.” Tinaas niya ang kamay at hinaplos ang pisngi ko. “Thank you, Pearl. Thank you.” Ilang sandaling nananatili ang kanyang paningin na parang may sinasabi pa ang kanyang mga mata. Hinila ako ni Nick sa siko. Yumakap ito sa kanyang ina. Tinapikan siya sa likod at pinagsabihang ingatan ako. “I will, Mom. I will.” He promised. Tahimik ko silang pinanood at parang may dumakot sa puso ko. Nginitian ako ni Daddy Reynald bago kami umalis. Hinatid nila kami sa labas at kinawayan hanggang sa makalabas kami ng gate. Sa byahe, tahimik si Nick. Pasulyap-sulyap ako sa kanya. Kapag nahuhuli niya akong iyon ang ginagawa, saka siya magtatanong. Ramdam ko ang pagbabago ng kanyang mood pagkaalis namin ng mansyon. Bumigat. Lumungkot. Nawalan ng spark ang lakad na ito. May tinatanong ang isip ko pero hindi ko masabi. O baka nagkakamali lang ako ng pakiramdam? He never asked me again after saying that I’m just nervous. Ngumisi kasi siya. Kung ano man ang tumatakbo sa isip niya, I’m sure, kapareho iyon nu’ng nasa bar at mansyon siya. That was the same look from his eyes. Nakarating kami sa Manila Yacht Club bandang alas tres ng hapon. Pagkaparada pa lang sasakyan, may lumapit ng lalaking staff sa amin at giniya kami papasok. Nick smoothly took my hand and intertwined our fingers. Hinaplos pa niya ang ring finger ko. Suot ko ang bigay niyang engagement at wedding ring namin. I glanced at our hands for a bit. Tapos ay lumingon ako para tingnan sandali ang kalupaan. Hindi pa man kami nakakarating sa Manila Yacht Club ay natatanaw ko na ang karagatan. Nakikita ko ang mga nakadaong na yate. May malalaki, maliliit, may marangya at simple. Nakapunta ako rito no’ng magpanggap siyang Grab driver at nagising akong nasa yate niya. Kabadong kabado ako no’n kaya hindi ko masyadong naappreciate ang lugar na ito. At pagbalik namin, kasal na kami. Hila niya ako. Tinanaw ko ang kalsada pati mga dumaraang sasakyan. I saw the building of Bangko Sentral ng Pilipinas. Malapit lamang ito sa katubigan. At ilang sandali mula ngayon, naroon na rin kami. “Good afternoon, Mr. De Silva! Nakabalik kayo agad, ha?” “Good afternoon, Captain Severino. Yes. I’m with my wife, Pearl Francesca de Silva.” Mangilan-ngilang tao ang nasa tanggapan ng club. Babaeng receptionist at iba pang staff. Pinakilala ako ni Nick sa kanyang kapitan. Naalala kong siya rin ang kasama namin noon. Nginitian niya ako at kinamayan. He looked formal with his white uniform. “Nice to meet you… again, Mrs. De Silva. I’m Captain Severino. At your service, Ma’am.” Bigla akong nahiya. Malamang naaalala pa niya ako. “N-nice to see you again, Captain. Ahm…” I looked up at Nick. “He’s going to be with us during the short sailing. Don’t worry. Subok at kilala ko siya. Makakauwi tayo ng safe sa lupa.” Nagtawanan silang dalawa. Pero namula ang pisngi ko. “Nakaready na ang lahat, Mr. De Silva. Pinalinis ko ang cabin at nagrestock ng pagkain. All you have to do is to get in there and we’re ready to cruise.” “Thank you, Captain. Let’s go, hon.” Hinila ako ulit ni Nick. Bago ‘yan, inabot niya ang dala naming duffel bag sa isang matangkad na lalaki. Nakasuot naman ito ng pang-chef na damit. I pouted my lips a bit. Kausap ni Nick ang ilang tauhan ng club. Naglalakad na kami ngayon sa mahabang boardwalk. Tiningnan ko ang tubig. Hindi malinaw. Pero ang simoy ng hangin ay nagbabadyang malalayo ako sa lupa. Ngayon, na-excite na ako. Napadaan kami sa mga naka-dock na yate. Iba-iba ang pangalan at itsura. Mayroon isa na bukas ang mga pinto. Nililinisan yata ng tagapag-alaga. Iyong isa ay tila pinapalitan ng pangalan ang gilid ng sasakyang pandagat. Siguro may bagong nagmamay-ari. Sa isang may kalakihang yate, papasakay ang ilang tao. Maingay sa banda nila. Ang mga babae ay naka-dress, sunglass at inaalalayang sumakay. Mukhang may party sa banda roon at yate ang kanilang venue. Wow. Yayamanin. I suddenly looked at myself. Nakamaong pants ako at shorts sleeve black top na v neck. Nag-ayos naman ako. Nag-lipbalm, powder at suklay ng kilay. Hindi ako nag-dress dahil alam kong mahangin dito. Ayaw kong sikop nang sikop ng palda. Pero pagkakita ko sa mga babaeng nakaayos at nakadress, sana pala hindi ako nagmaong! May baon akong shorts, mini skirt at bestida. Dinala ko rin ang regalo ni Ruth. Balak kong suotin mamaya after dinner. Tapos… ano… ‘yon na ‘yon! Nagbaon din ako ng mabangong shampoo, sabon, lotion at kung anu-anong nakakabango. Nagdala rin ako ng mga bagong underwear. Actually, bago ang suot ko ngayon. Nahihiya akong makita ni Nick ang mga binili ko sa palengke. Hindi sa panget o ano. Kaya lang baka gusto niyang makakita ng sexy undergarments. Ayokong madisappoint siya kung walang dating ang suot ko. Mula nang pumayag akong sumama sa kanya, naging maarte na ako sa sarili. Gusto ko ring palaging mabango. Pero sana talaga nagdress na lang ako. Para okay lang din kahit nililipad ang palda ng hangin. Sayang. Magpalit na lang ako pagsakay? Ano ba, Pearl! Umayos ka! Hindi ito pageant. Magpakatotoo ka na lang, okay?! Sa dami ng umiikot sa isip ko, napatikhim ako. Nilingon tuloy ako ni Nick. Nagulat ako nang bigla siyang huminto. “Are you okay, hon?” nag-aalala niyang tanong. “O-okay naman. Okay lang.” tila nagigipit kong sagot. Pinagmasdan niya ako sandali bago ulit naglakad. I bit my lip while looking at his broad back. Kinakabahan din ako, Nick! Pero hindi ko aaminin sa ‘yo. Baka isipin mo magbabackout ako. Hindi naman. Ang pangalan ng yate niya ay simple lang naman. ‘De Silva.’ Kumikinang na ginto ang bawat letra sa kulay puti at itim na kulay ng katawan ng yate sa labas. We went inside. Pinagpahinga niya muna ako sa salas nito at hinandaan ng inumin. Pero naaliw ako sa nakikita sa bintana. Kinakausap ni Captain Severino ang staff ng Manila Yacht Club at kinakalag na ang matabang tali ng yate. Aalis din kami agad! “Let me take you to our master bedroom, Pearl.” Aya ni Nick. Tumango ako at sumama. Wala sa isip ko na ang ganitong klase ng sasakyang pandagat at kayang maglagak ng sala, kusina, dining area at ilang kwarto. Na kumpleto sa kagamitan. May L-shaped sofa na nakidikit sa may bintana. Carpeted floor, built-in mini bar and bottles of different liquors. Mula sa sala, kita sa bintana ang harapan at nguso ng yate kung saan may mga upuan din. Kumapit ako sa braso ni Nick nang makaramdam ng hilo. Kahit patag ang nilalakaran namin, ramdam kong gumigewang naman kami. Hinalikan niya ako sa noo nang mapansin ang pagkahina ko. “Mamaya na tayo bumaba. Magpahinga ka muna sa room natin. Do you prefer that, hon?” Banayad akong tumango. “Sige…” baka guminhawa ang pakiramdam ko kung makapagpahinga siguro. Hindi pa kami nakakaalis, nahihilo na ako. Ang sabi niya ay may apat na cabin pa sa baba na may sariling dining area at kitchen. Sa likod naman o kabilang bahagi ng yate ay ang lounging area kung saan pwedeng magpahinga habang nakatanaw sa karagatan. Doon kami nagdinner sa unang pagkikita. Most probably, the party location of this yacht. Nang marating namin ang master bedroom, bumuhos ang alaala ko sa kwartong nabungaran ko no’ng araw na makilala ko siya. Pero ngayon, kulay gray ang bedsheet, pillow cases at comforter. Naroon pa rin ang wide flatscreen TV. At ilang gamit na hindi masyadong nagagalaw. Umupo ako sa gilid ng malambot na kama. Ang kamang nagsasabing dito ko isusuko ang sarili sa kanya mamaya. Parang gusto akong lamunin ng kutson sa kaba. Tinatakot ako. Kaya inalis ko ang paningin at nilipat kay Nick. But it was a bad idea. I found him staring at me. Nakahalukipkip ito habang nakasandal sa makitid na eskinita papunta sa pinto. His head was tilted a little. Tila pinagkakatuwaan ako o ano. Pero iba ang nababasa ko sa mata niya. His jaw clenched. Kumurap ako at kinabahan. “A-anong tinatayo mo d’yan?” I arched my eyebrow. I tried to intimidate him but I guess I failed. He intimidated me. Nagkibit siya ng balikat. “Wala. Pinapanood lang kita.” Kumunot ang noo ko. Hinayon ko ang paningin sa kama. At binalik ko ulit sa kanya. Napalunok siya. Umigting ulit ang panga. Alam ko ang titig na iyon. Alam ko ang ibig sabihin ng pagpapalit niya ng tayo. There’s hunger from his eyes. And even if he tried to conceal it, no. I saw it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD