“Inoffer nya ang sarili nya para tubusin ang lahat ng mga tao mula sa kasalanan. Proof yan na ang gusto talaga ng Diyos na maligtas ang lahat, at nangyari yan sa tamang panahon.” – Timothy 2:6
--
Chapter 25
Pearl
Siguro, binubura ko ang lumalabas na salita sa isip ko. Na kung hindi ko kakastiguhin ang sarili lalo na ang puso ko… ako rin ang mabobola.
Ako rin ang masasaktan.
I listed our menu and meals from what I got from the pantry and his stacks of food in the freezer. Maraming karne at seafood. Nahirapan ako sa pag-iisip ng ulam na hindi paulit-ulit. Baka magreklamo si Nick. Pero so far hindi pa naman kasi ilang araw pa lang kaming nagsasama sa iisang bahay. Kaya talagang dedicated ako sa pag-aaral ng iba’t ibang klase ng ulam.
Kaso… ang hirap pala!
Tumingin ako sa internet. Hindi ko nga lang kilala ang mga ulam na nakita ko at mas lalong hindi ko alam ang lasa no’n.
Ang ibang pagkain kasi masarap tingnan sa picture pero kapag kakainin mo na, bigla kang magsisisi.
Sinama ko sa listahan iyong pinapaluto ni Mommy Kristina sa mansyon. Sinearch ko sa internet para makuha ang recipe. Tiyak akong baka mag-iba ang lasa kasi iba ang pagkakaluto. Pero susubukan ko. Wala namang mawawala kung magta-try, ‘di ba? Ayun lang. Baka masayang ang sangkap kapag palpak.
Buti na lang may mga de lata at instant food sa cabinet. Pwedeng pang emergency sakaling bagsak ang marka ko sa kusina. Sa umpisa ko lang na-enjoy ang paglilista ng lulutuin. Kalaunan, nakakapagod din pala. Ang hirap mag-isip ng putahe.
Ito ang sinimulan kong trabaho sa kanyang Proscenium unit.
Lumalabas kami halos araw-araw sa loob ng isang linggong leave niya sa trabaho. Ganoon din naman ang gusto ko para makapasyal si Jewel. Ilang araw na lang mag sstart na siyang sa Pre-school.
Pinamili na nga siya ni Nick ng cute na cute na Hello Kitty bag, lunch box at tumbler. Magkakaparehong kulay pink at design. Nauna na siyang bilhan ni Mommy Kristina ng sapatos. At in-enrol sa isang mamahaling institusyon.
Naglatag sila ng iba’t ibang pangalan ng eskwelahan para sa bata. Pinapili ako. Bago ako sumagot, nagresearch muna ako at pinuntahan namin ni Nick ang mga school. We checked the facility and talked with the teachers. Bumabase ako kung saan sa tingin ko magiging kumportable si Jewel.
Then, nagkasundo kami na sa Cambridge Pre-school na siya i-enroll.
Inayos nilang lahat ang pangangailangan ng pamangkin ko. To be honest, tinutupad naman nila ang sinasabing babawi sila sa pagkukulang. At nakikita kong tutok sila sa edukasyong sektor ng bata. Na sobrang importante habang nagkakaisip siya’t lumalaki.
Ang buong pamilya nila ay nakasuporta rin. Walang hindi nagpaabot ng messages sa akin.
And I truly and deeply appreciated their concerns and assistance.
Si Deanne, kahit kapapanganak lang, nagpadala ng food for mini celebration sa unang tungtong ni Jewel sa school. Pinadalhan naman kami ni Jewel ng kumpol na bulaklak ni Red. Ang sweet nga kahit hindi halata. Sina Anton at Dean, personal kaming dinalhan ng produkto nilang brandy at kaunting pagkain. Sina Dulce at Yandrei, nag-send ng dagdag pang school materials.
Nag-alok pang itu-tutor ni Yandrei ang pamangkin every weekend. Advanced Algebra pa raw kahit hindi niya forte para may stack knowledge ito pagdating ng High School at exposed na tungkol sa X and Y chuchu---that’s exactly her words. Na-amuse lang ako at nangiti.
Dylan and Ruth told us that we can spend a vacation in Blue Rose Island. It’s an exclusive island and resort na pagmamay-ari ng namayapang Lolo ni Ruth.
“If you have sea sick and unstable to sail, then we can ride a chopper and spend our vacation in the island. Do you like that?”
Inisip ko agad na kapag ganun ay hindi makakasama si Jewel. Ang tono niya katulad no’ng sabihin niyang magyayate kami para mag-honeymoon.
Pero… okay lang naman. Hindi ako pinipilit ni Nick na mag… kaya bakit kinakabahan pa rin ako? Dahil ba parang makukulong ako kasama siya sa isang lugar na tila stranded kami? At maraming pwedeng mangyari kapag kaming dalawa na lang. Ano…
Why am I so freaking afraid?
“Isasama natin si Jewel? Pwede kung weekend…”
Umawang ang labi niya. Matagal akong pinagmasdan. Inayos niya ang nakawalang hibla ng buhok ko at tinago sa likod ng tainga ko.
The mass of his finger felt so lightweight and burning.
“Hindi ka pa nasasanay sa akin? Kailangan palaging may iba kapag tayo lang ang magbabakasyon. Ito pa lang naman ang una…”
“Nick.” May warning ko siyang tiningnan. Sa kabila ng pagwawala ng puso ko.
He lowered his face and tilted a little. “Hindi ba kita pwedeng ma-solo kahit isang araw lang, mmm?” malambing niyang tanong.
Napalunok ako. “Anong tawag mo roon sa kwarto natin? Tayo lang naman ang natutulog do’n, ha? Solo ‘yon.”
“Vacation with you is different from sleeping beside you. I can have you every night but the vacation is having you all day just for me. There are no house chores or anything. Just purely you and me. in one place. In one room. In one bed. That’s what I want, honey.”
Kumurap ako. I was taken aback. And when I finally regained my senses, he was already kissing and embracing me. Natutulog na si Jewel at kami ni Nick ay nag uusap sa sala habang nanonood ng TV.
We ended up kissing in the sofa for about… I don’t know.
I let him touched my arms, my waist and some parts of my body.
Nakakalasing sa tuwing hinahalikan niya ako. Nakakaliyo kapag dinadama niya ako. Pero kapag mas lumalalim ang mga labi namin… at kapag dumadako sa pribadong parte ng katawan ko ang kamay niya ay awtomatiko siyang titigil.
Hihilamusin ang mukha at magsosorry sa akin.
Nowadays, I learnt one thing about men. Hirap na hirap magpigil.
Or maybe it’s just him and I shouldn’t generalize them.
Pero nadagdagan ang kaalaman ko kay Nick.
Pinatay niya ang TV. Niyaya na niya akong pumasok sa kwarto. Hindi na naman natapos ang pag-uusap tungkol sa bakasyon. Nalipasan na ang honeymoon at vacation. He looked disturb or something like that. Nagbago ang kanyang mood.
Tuwing umaga palagi kong tinitingnan ang malaking portrait naming tatlo. Pinaframe ni Nick ang kuha mula sa self-photoshoot studio. Sinabit sa taas ng sofa. Nakaupo sa high chair si Jewel at nasa likod niya kami.
Honestly, I loved this photo of us. Pagkatapos itong isabit ni Nick, parang saka pa lang nag-sink in na talagang pamilyada na ako. Na may asawa na. Pagkakita ko sa sarili sa frame, lumabas ang resulta ng pagpayag ko sa kasal. That this is the living proof. That this photo confirms my civil status.
This is the screaming evidence that my life has changed after the moment I agreed to marry him. While the certificate is the legal evidence obviously.
May tatlo pang mas maliit na picture frame sa ilalim ng naka-hang na flatscreen TV. Kaming tatlo sa ibang pose, solo ni Jewel at kami ni Nick.
May photocards din ng ibang pose namin. Iyong isang magkaharap kami ni Nick ay nilagay sa kanyang wallet. Akala niya hindi ko alam pero nahuli ko siya nu’ng tinago niya.
And the almost 100 softcopies are in his phone. I-airdrop niya raw sa akin para may kopya.
I am not going to lie that Nick’s treatment lighten the heaviness and doubt from my heart. Hindi pa rin ako fully a hundred percent okay with my new life. Nag-aadjust pa rin ako. Na meron na akong asawa at anak ko na rin ang anak niya. Pati pagtira sa bahay niya ay may adjustment din.
Siguro may kaunting ignorante sa part ko. Pero sa pangkalahatan ay nangangapa pa rin ako.
I’m still not in the right flow but I’m trying not to make a lot of mistakes as his wife.
Bumuntong hininga ako. Nga pala. Pambayad-utang pa rin ako.
Masakit. Pero kailangan kong harapin. Hindi pwedeng araw-araw kong isipin ang dahilan ng pagpapakasal. Na parang araw-araw ko ring lalasunin ang sarili at makatanim pa ng galit. Buti nariyan si Jewel. Mahal ko ang pamangkin ko. Though sometimes… mas okay kaya kung hindi si Ruby ang mommy niya? Na ako na lang naugnay kay Nick?
Kadamutan kaya iyon?
O… baka pinapagaan ko lang ang loob ko sa ugat ng sitwasyon namin ngayon?
But then… we are living in a broken world. Sa taong pinagkaitan ng yaman, gagawin mo na lang ang best option para makasurvive. Saka na ang leisure. Kapag meron ka ng pangprovide.
Hinatid namin si Jewel sa Cambridge Center ng alas-otso nang umaga. Eleven thirty ang uwian niya kaya bumalik kami sa Proscenium para ihatid naman ako. Halos kinse minutos lang ang layo ng school sa building. Ngayong umaga ang dating ni ate Digna. Pinahatid daw ng driver galing sa mansyon. Siya ang makakasama ko sa unit dahil papasok na rin sa opisina si Nick.
“Ako na ang susundo kay Jewel,”
Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan. Nahinto ako sa pagtanggal ng seatbelt.
“May pasok ka, ha.”
“It’s okay. Wala namang meeting. Sa bahay din ako magtatanghalian everyday.”
“Hindi kaya ma-late ka niyan sa trabaho o mapagod sa pagda-drive, Nick?” mangha ko.
He chuckled. “Not a problem with me.”
“Pwede naman kitang pabaunin ng panglunch mo. Para hindi ka na magbyahe sa bahay. Baka matraffic ka lang araw-araw.”
Hinaplos niya ang pisngi ko. Ngumiti at hindi nagsalita.
Tinitigan ko siya. Seryoso siyang talaga?
“Wala akong pakielam sa traffic basta makakasama kita araw-araw. Sulit ang pagod ko kasi maririnig ko naman ang boses mo.”
Kumurap ako at umawang ang labi. Nang kumalabog ng dibdib ko, nilipat ko sa labas ang paningin.
I gulped. “B-bahala ka. Desisyon mo ‘yan.”
“Ayaw mo bang… umuwi ako sa lunch?”
Suminghap ako. “H-hindi naman. Ang pinupunto ko lang, nakakapagod ‘yung gagawin mo. Malapit lang ang school kaya ako o kami ni ate Digna ang susundo sa kanya. Para iwas hassle rin sa ‘yo.”
Hindi siya nagsalita. Tinitigan lang ako.
“At pwede mo… naman… akong tawagan o video call. K-kung gusto mong makausap ako o… marinig ang boses k-ko. Mas madali ang ganun, Nick.”
Ilang segundong hindi kami nag-imikan. Hinihintay ko ang reaksyon niya. At siya ay parang tinitimbang ang sinabi ko. Pero nang magsalita siya, saka ko naintindihang ang gusto pa rin niya ang susundin niya.
“Uuwi ako every lunch time. Kapag nakalipat na tayo sa bahay natin, kukuha ako ng driver para sa ‘yo. Or bibilhan kita ng sarili mong sasakyan?”
“’Wag na. Hindi na kailangan. Saka hindi ako marunong magdrive.”
“Pwede pa rin kitang bilhan tapos ikuha ng driver. But we’re living in a condo and there’s no enough space for others. It’s too crowded. Then, if you want, you can get a driving lesson?”
Mag-aaral akong magdrive? Nilingon ko siya. Kailangan ko ba talagang gawin iyon?
“What do you think?”
Nagkibit balikat ako. “Ewan…”
Kumunot ang noo niya. “Okay lang kung ayaw mo. Ikukuha naman kita ng sarili mong driver at bodyguards. Kailangan mo iyon.”
Pati bodyguard?
“Bakit kailangan ng bodyguard?”
“Don’t worry. Hindi ka naman nag-iisa. Sina Ruth at Deanne meron din. Hindi mo lang makikita kapag kasama ang mga asawa nila. Kaya kapag hindi mo ako kasama, palalagyan kita ng security. It is needed for my wife’s security and I want you always safe.”
Hindi ko agad naintindihan kung bakit ko kailangan ng bodyguard. Pero kalaunan naisip kong dahil hindi siya ordinaryong tao. At ang ganyang status ay mabango sa halang ang sikmura. At dumagdag pa ang naatrasuhan ni Ruby.
“Okay,” maliit na boses kong sagot na lang. He simply nodded.
Nagpaalam na ako at bumaba pagkatapos no’n. So, mamaya ay aasahan ko siyang uuwi. Kaya kailangan kong magluto ng masarap!
Kaso sa loob ng isang linggo kaming nasa unit, nabawasan na ang laman ng freezer. At baka manawa na siya. Pagdating ni ate Digna, magpapasama akong maggrocery.
Dumeretso ako sa master bedroom para kunin ang wallet ko. Pagsilip ko, wala pala akong cash. Kaya dinala ko ang ATM card ko at maliit na bag. Nilagay ko rin ang kapirasong papel na listahan ko ng bibilhin sa grocery.
Around the vicinity lang ako. Nabanggit sa akin ni Nick ang pinakamalapit na pamilihan. Hindi na ako lalayo at baka matagalan pa ako.
Nasa sala ako habang hinihintay si ate Digna. Nanibago ako. Patay ang TV kasi wala akong gustong panoorin at nakaplano na akong aalis pagdating ng hinihintay. Pero kapag wala sina Nick at Jewel ang tahimik ng unit. Napapaisip ako ng kung anu-ano kaya nagbukas ako ng cellphone.
Pumasok ang notification ng chat ni Mariposa sa Messenger.
Mariposa: Invited ka sa birthday ko sa Sabado, ha! Pumunta ka, Perlas ng Silanganan!
Ako: Okay.
Mariposa: Isama mo si Jewel at namimimiss na kayo ni Mamey Vicky!
Ako: Oo naman. Isasama ko rin ang asawa ko.
Pinanood ko ang mga tuldok habang naghihintay ng sagot si Mariposa. Pero hindi iyon dumating. Kundi nagpadala ng shocking emoji.
Mariposa: Sino ulit ang isasama mo, Pearl??
Binagsak ko ang likod sa sandalan. Napakagat ako ng labi. Nang balikan ko ang huling chat, uminit ang mukha ko. Buti nagawa ko pang makasagot sa kanya.
Ako: Si Nick isasama ko. Wala siyang pasok niyan.
Mariposa: Tumili ako rito, day! Asawa ba ang tawagan niyo ni Nick?!
Ako: Hindi, ‘no! Ang corny mo.
Nagsend siya ng tatlong emoji na umiiyak sa kakatawa. Sumagot ako ng nakasimangot.
Mariposa: Feeling ko namumula ka na d’yan. Sino bang katabi mo ngayon? Yung asawa mo ba? Hahahaha
Mas lalong nasunog ang mukha ko.
Ako: Wala. Pumasok na
Nagsend siya ng sad face pero ang katabi tumatawa sa galak naman.
Mariposa: Basta pumunta kayo ng asawa mo sa Sabado. Pinapunta ko rin si Yandrei. Sagot na raw niya ang lechon. Nirentahan ko na ang basketball court kasi nakakahiya namang dalhin sila sa bahay. Maliit. Sa court na lang tayo magwalwal hahaha
Ako: Okay. Anong gusto mong regalo?
Mariposa: Hay nako. Nakakahiya, Pearl. Kahit ‘yung kapatid na lang ni Nick hahahaha echos!
Natawa ako.
Ako: Kami na sa cake at ice cream.
Nagsend siya ng thank you GIF image.
Mariposa: Thank you, Perlas ng silanganan!
Ako: You’re welcome.
Mariposa: Walang Indianan, ha? Hindi ako makakapagwish at blow ng candle kung walang cake. Saka nga pala pupunta rin ‘yung ka-chat kong Koreano. Ipapakilala ko sa ‘yo. Kilatisin mo kung bagay ba kami hahahaha
Ako: Ewan ko sa ‘yo
Napabaling ako sa pinto nang may nagdoorbell. Nagpaalam na akong mag-ooffline kay Mariposa habang lumalapit ako sa pinto.
Nagdikit ako ng sticky note sa labas ng fridge. Reminder ko iyon na may lakad kami sa Sabado.
Sinama ko si ate Digna sa grocery. Tinanong ko siya kung pwedeng magpasama at agad itong um-oo.
“Naku Ma’am Pearl. Sana pala hindi muna natin pinauwi ang driver para may maghatid sa inyo sa groserya. Sayang.”
Ngumiti ako. “Okay lang, ate Digna. Magtaxi na lang,”
Medyo nahirapan akong makakita ng taxi. Mostly private vehicles ang dumaraan sa Proscenium. Kaya naglakad lakad kami hanggang sa may makita akong ATM machines. May ilang minuto rin kaming naglakad nang hindi namamalayan.
Pagkuha ko sa resibo napatda ako nang makitang higit sa limang milyon ang balance ng account ko.
“May glitch kaya ang bangko ngayon?”
Nakatayo sa hindi kalayuan si ate Digna. At dahil wala akong kasunod, pinasok ko ulit ang ATM card ko. This time, I checked the balance of my savings account.
Umawang ang labi ko nang makita ulit ang mga numero.
Limang milyon ang nadagdag sa alam kong bilang ng pera ko. Hindi ko kabisado ang saktong numero ng ipon ko pero sigurado naman akong wala pang three hundred thousand at mas lalong hindi ganito karaming numbers! Sa bilang ng digits pa lang, alam kong sobra-sobra na sa totoong laman ng bank account ko.
Nilabas ko ang card. Tinago ko sa wallet pati ang ten thousand na winithdraw ko.
“Grocery na tayo, Ma’am Pearl?”
Hinila ko muna sa gilid si ate Digna habang kinukuha ang cellphone sa bag.
“Wait lang, ate. Tatawagan ko si Nick.”
Tumango siya at hindi na nagtanong.
Isang ring lang, nasa linya na si Nick.
“Hello, hon…”
Tumikhim muna ako. Kabado sa biglang paglobo ng savings ko. Pakiramdam ko ay magsusumbong ako kay Nick. Pero… hindi kaya…
I gasped. “May pinadala ka ba sa bank account ko? Nag-withdraw kasi ako ngayon. Nagulat ako nang makitang nadagdagan ang laman. Nasa Cebu ang branch na binuksan ko ng account kaya…”
Dapat ininuna ko munang tawagan ang bangko bago siya. Pero sa sobrang kaba, siya agad ang una kong naalala.
“Lumabas ka?”
“Oo. Maggogrocery. Kasama ko si ate Digna,”
He sighed. Pinalipas niya ang ilang sandali bago sumagot.
“I sent it.”
“Sa ‘yo galing ang pera? Para saan ‘yon?”
Nagulat ako. Kaya medyo napalakas ang boses ko.
“Because you’re my wife.”
“Ha?”
Makapangyarihan siya. Malawak ang kaalaman at kayang kaya akong i-background check. Pero kaya rin niyang malaman pati bank details ko?
Easy lang ‘yan sa kanya, Pearl!
At dahil asawa niya ako kaya padadalhan niya akong milyong halaga nang hindi kami nag-uusap tungkol doon?
Bakit hindi, e, kasal nga kayo, Pearl! Dinadala mo na ang apelyido niya!
Hindi sa nagrereklamo ako. Pero… hindi ba pwedeng pagmeetingan namin ang ganyang usapin para may knowledge naman ako? Alam kong kayang-kaya niya. At totoong hindi pa kami nag-uusap tungkol sa ganito. Kaso kagulat-gulat na nagpapadala siya ng malaking halaga.
“Nick…”
“Hon… can we talk about this later? Hindi ko gustong nasa labas ka at wala ako. Dapat sinabihan mo akong maggogrocery ka ngayon para natawagan ko ang driver sa mansyon. Anong bibilhin mo at ako na ang bahala.”
“’Wag na. Kaya ko na. Napatawag lang ako dahil sa biglang laki ng savings. Hindi mo rin dapat iyon ginawa. May pera naman ako. Saka… paano mo nalaman ang details ko? Wala kang binabanggit.”
He sighed again. “I will provide for you from now on. Anong oras ka makakauwi? Saan ka maggogrocery?”
Tumingin tingin ako sa matataas na building at busy district ng lugar. “Around the vicinity lang. Hindi kami lalayo. Saka magluluto pa ako. Pwede mo ba akong i-text kapag pauwi ka na?”
“Hindi mo na kailangang magtanong. Tatawagan kita pagkasundo ko sa anak natin. Umuwi kang maaga sa bahay.”
Bumuntong hininga ako. Ramdam ko sa boses niyang hindi siya payag na lumabas akong wala siya. Naalala ko ang tungkol sa security’ng sinasabi niya sa pamilya niya. At kakakasal pa lang namin. Kung dahil sa kaso ni Ruby o sa pangalan nila kaya medyo worried ito sa security ay maaari. Kaya sinabi kong bibilisan para makauwi agad.
At ‘yung tungkol sa pera, dinidismiss niya nang pasimple. Na hindi iyon big deal para pagtalunan. Alam niya kung paano ako iligaw.
“Thank you. Text me when you’re home, okay?”
I sighed. “Okay. Mamaya na lang.”
“Wait, Pearl?”
“Hmm?”
“I miss you.”
My lips parted like as if I have the answer to that sentence. Pero walang lumabas sa bibig ko.
Binasa ko ang labi. Tumingin sa ibang dereksyon. “Hm, s-sige na, Nick. Maggogrocery na ako.”
Napakagat ako ng labi sa narinig na bigat ng paghinga niya.
“Sorry. Alam kong magkasama lang tayo kanina.”
He awkwardly chuckled.
“Ahmm… m-may gusto ka bang lutuin ko mamayang tanghalian mo?”
“Umuwi ka lang ng maaga sa bahay. Kahit anong ihahain mo, kakain ako.”
“Kung gano’n, sige. Bye na.”
“Alright. Bye.”
Gulat ako sa nangyari. Mas lalo sa pagsabi niyang miss na niya ako. Habang namimili ako ng karne sa counter, na kay Nick ang utak ko. Muntik ko pang hindi mabili ang salmon na isisigang ko. Mabuti na lang nabalikan ko bago dumeretso sa cashier.
“Masarap ka pa lang magluto, Ma’am Pearl, e.”
Pinatay ko na ang apoy. Pinatikim ko kay Ate Digna ang sinigang na salmon. Ito ang tanghalian namin.
“Thank you. Madali lang naman ang Sinigang. Iyong ibang putahe ang mahihirap,”
“Ah. Pero mahahasa ka rin. Magpaturo ka kay Manang Narcisa o kay Ma’am Kristina. ‘Yun! Magaling magluto. Nakatikim na ako.”
Ngumiti ako. “Nakakahiya. Baka busy din sa mansyon.”
“Sus. Sa tingin ko nga hindi ka mahihindian ni Ma’am Kristina. Botong-boto kaya ‘yun sa ‘yo para sa anak niya. No’ng ginagawa ang venue ng reception niyo sa mansyon, bukang-bibig ka. Na dapat magustuhan mo ang dekorasyon at pagkain. Dapat matutuwa ka. Kasi ang lungkot na hindi napaghandaan sa Simbahan ang seremonya kaya dapat bumawi kahit sa reception man lang.”
Tumigil ako sa paghuhugas ng sandok. Nilingon ko si ate Digna na nakangiti habang nagpupunas ng counter.
“Sinabi ‘yun ni Mommy Kristina?”
Nagliwanag ang mukha niya. Kinumpas-kumpa ang mga kamay na tila live niyang kinukwento ang sinasabi.
“Oo! Hands-on siya sa preparation. ‘Yung ilaw ‘wag kalimutang isaksak. Ang mga kurtina, ayusin ang pagkakasabit at baka madismaya ang mamanugangin niya. Alam niyo namang madalian itong kasal. Dapat magustuhan ni Pearl. O ‘yung pagkain, okay na ba? Baka may kailangang idagdag sa menu. Pinatawag pa niya ang Chef sa The Manila Palace Hotel para ikumpirma ang listahan ng pagkain. Kami nga ang nagugulantang sa mabusisi niyang handa. Simple pa lang daw ‘yun, ha?”
I remembered so well the decors and arrangements on that day. Namangha nga ako. Siguro kung hindi lang ako pre-occupied ng araw na ‘yon mas lalo ko pang naappreciate ang ginawa niya.
Hindi sa gastos ako nakatuon. Kundi sa personal touch ni Mommy Kristina sa kasal ko dahil sa hindi ko pa maipokus ang isip sa susuungin ko sa buhay.
Biyernes ng hapon, kaaalis lang ni Nick at nakakain na ng tanghalian ay surpresang dumating sa unit si Yandrei. Niyaya niya akong magpa-massage at shopping daw.
“Isama na natin sina Jewel at ate Digna.”
Nakaupo sa sahig ng sala si Jewel. May pinapakulayan akong drawing. Bago umupo si Yandrei sa sofa, tinignan muna niya ang litrato naming nakasabit. Humalukipkip at ngumuso nang kaunti.
Tahimik akong tumayo sa kanyang tabi.
“Ang ganda ng kuha niyo rito, ha. F na F ni Kuya.”
Tiningnan ko ang mukha ni Nick sa picture. Ang gwapo pa rin.
“Ano? Tara na! Para maaga tayo. Bihis na kayo.”
Pinag-isipan ko pa kung sasama kami. Ala una pasado pa lang naman ng hapon. Nitong nakaraang mga araw, halos wala akong ginagawa. Binibisita ko ang mga damit ni Nick. Nung may nakita akong tastas ang butones ng polo, tinahi ko. Tapos nilalabhan ko ang maruming damit. Deretso tiklop pagkagaling sa dryer.
Nagba-vacuum ako at minsang sinaway ni ate Digna. Pero ang sabi ko ay kahit ‘yung kwarto namin ni Nick ay ako na ang maglilinis. Wala akong problema kay ate. Masinop siya at malinis. Pati paghuhugas ng pinggan ay inaako niya. At kahit sawayin ko, hindi nagpapapigil.
Sumama kami kay Yandrei. Natuwa kasi si Jewel at na-excite nang makarinig ng Mall.
Sumakay kami sa dala niyang sasakyan. She has a driver. Pinaalis daw niya ang pa-bodyguard ng Dad niya kasi okay na raw ang isang kasama. Driver at bodyguard na raw iyon.
“Nasabihan ka na ba ni Kuya tungkol sa security chuchu nila? Masanay ka na sa ganoon.”
Tumango ako. “Nasabi na. Kailangan daw talaga.”
Yandrei smirked. “’Wag kang kabahan kapag may nakasunod sa ‘yong magbabantay. Normal na sa amin iyon. Lalo na dati. Grabe. Kinailangan naming manirahan sa America dahil sa threat. Sabi naman kasi nina Uncle, hindi na iyon mawawala dahil kakabit ng pangalan namin ang risk. Si Dulce, muntik na ‘yung makidnap. Mas lalong naghigpit sa amin dahil din doon. At duda akong walang nakamata sa akin ngayon.”
Kinuwentuhan pa ako ni Yandrei ng kanilang pinagdaanan ilang taon na nakakaraan. Mas detelyado at kinilabutan din ako.
Pagdating namin sa Mall, niyaya niya muna kaming mag-National Bookstore. May bibilhin daw siyang materials sa eskwela. And I watched her bought coloring books, notebooks and bond papers.
Nahuli niya akong nakatitig sa basket niya at nginitian ako.
“Ibibigay ko ‘to sa mga estudyante kong kulang sa school supplies. Nalaman ko kasing may hindi nabilhan ng gamit nu’ng mag start ang klase. Dinamihan ko na para may stack ako!” sabay tawa niya.
Sunod niyang nilapitan ang pinaglalagyan ng lapis at ballpen. Tapos ay sa crayons, cartolina at manila paper. At ilan pang kakailangin daw niya.
“Magpapa-spa ka ba talaga o magsha-shopping?”
She smirked. “Both!”
Nagtawanan kaming dalawa. Nag-ikot na rin kami roon habang namimili si Yandrei. Kinuha ko ng bagong coloring book si Jewel. Tapos binilhan pa siya ng dagdag sa books ni Yandrei. Ayan. Spoiled na naman ang pamangkin ko.
Tumungo ako sa Fiction Literature section. Naaagaw ang atensyon ko ng magagandang book covers. Yung iba makulay, may anime at may artista.
Kinuha ko ‘yung artista ang nasa cover. Binasa ko ang likod. Mukhang maganda. Nalingunan ko sa tabi si Yandrei at nakibasa rin sa hawak ko. Tumaas ang kilay niya.
“Ow. Mukhang maganda, ah. Makaka-relate yata ako d’yan. Kukuha rin ako.”
Kumuha nga siya ng isang kopya nu’n at hinagis sa basket niya. Kumuha na rin ako. Para kapag wala ang mag-ama sa bahay o tapos na ako sa gawain, babasahin ko itong obra ng isang Palanca Award Winner na si… Charmaine Lasar. Napangiti ako.
“Hala! Nakalimutan kong kumuha ng clear book. Wait lang, Pearl,”
“Go ahead. Dito lang kami.”
“Thank you!” she mouthed before heading to the other side of the store.
Nakatayo ako sa fiction section. Dito na lang kami maghihintay sa kanya at malapit lang din sa cashier. At hindi mahaba ang pila kaya hindi na ako umalis.
Kinuha ko ang isang English book. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may tumapik sa balikat ko.
“Long time no see, Ruby…”
Napatingala si Jewel sa lalaki. Nagulat ako. Natigilan. Hindi ko siya kilala.
“Ah… sino ka?”
Ngumisi ito. Dark ang complexion niya at mahaba-haba ang buhok. Nakasuot ng blue polo shirt at maong na pantalon. Para siyang tumakbo dahil medyo hinihingal ito at nagpapawis ang noo.
“What? Nakalimutan mo bigla ako?”
“I’m sorry. Hindi ako si Ruby. Kakambal niya ako-
“Ikaw ‘yung pinakasalan ni Nick de Silva?”
Namilog ang mata niya at umawang ang labi. Pinasadahan niya ako ng tingin na parang hindi makapaniwala.
Binalik ko muna ang librong hawak sa lalagyanan nito para maayos kong makausap ang kakilala ni Ruby.
“Kilala mo si Nick?”
“Sinong hindi makakakilala ro’n? E, may-ari ng maraming negosyo ang pamilya nila. Saka, De Silva. Pero nasaan si Ruby ngayon? Alam na ba niyang pinakasalan ka ni Nick?”
Naririnig ko sa tono niya ang pagiging malapit kay Ruby at tila casual niyang nakikita si Nick. O hindi kaya magkakaibigan sila?
“Hindi ko pa alam. Hinihintay ko rin ang tawag niya,”
Tumawa ang lalaki.
“Nadinig ko nga inatras na ang mga kasong isasampa sana sa kanya. Nagpadala ba siya ng pera para roon?”
Hindi ako sumagot. Hindi ko siya kilala. At personal na kaso ang tinatanong niya.
“Sorry. I don’t want to answer that. Kay Ruby mo na lang tanungin.”
Kumunot ang noo niya. Pinagmasdan na naman ako.
“Ang pormal mo. Hindi ka nga talaga si Ruby. Kapag siya ang nagsasalita, sunud-sunod ang sinasabi. Walang preno ang dila. Pero hindi bale. Feeling ko wala pa iyon. Kailan ko lang naman nalaman na kinasal na si Nick sa nagngangalang Pearl na kamukhang kamukha niya.”
Hindi ako nagsalita. Pinakinggan ko lang siya.
“No’ng makita ko ang article niyo sa site ng Bangon Pilipinas, akala ko nagpalit ng pangalan si Ruby. Pero hindi pala. Ikaw din siguro ‘yung nakita ko sa Peyton bar na kasama ng mga De Silva. Mas bigtime ka kaysa sa kapatid mo, ha. O mas gusto ka nila kaysa sa kanya.”
Lumunok ako. Lumapit sa akin si Jewel at kumapit sa kamay ko.
Tiningnan siya ng lalaki. Tinitigan.
Pinagmasdan ko siya. Nakita niya ako sa Peyton Bar. Ibig sabihin… siya ‘yung naninitig mula sa baba. Siya nga ‘yun.
“Pearl, tara na.”
Napalingon kaming lahat kay Yandrei. Umaktong nagulat yung lalaki pagkakita sa kanya.
Tumikhim ako. “Excuse me. Kailangan na naming umalis,”
Tiningnan niya ako at tumabi. “Sorry. Puro bigatin ang mga nandito, ah. Tsk, tsk. Wala kayong bantay?”
“Meron.” Nasabi ko. Nasa labas lang driver/bodyguard ni Yandrei.
“Oh, I see.”
Pagkalagpas ko sa kanya, nilingon ko siya.
“Ano po ulit ang pangalan niyo?”
Sasabihin ko kay Ruby na nakita ko siya.
Ngumisi ang lalaki. “Kapag nakausap mo ang kambal mo, sabihin mong nakita ka ni Darren delos Reyes. Alam na niya ‘yon.”
“Let’s go.” Hinila na ako sa kamay ni Yandrei.
Inalis ko ang paningin kay Darren. Mabilis ang hakbang ni Yandrei kaya hindi ko na tiningnan pa ulit ang lalaki hanggang sa makapagbayad kami. Nawala na rin ito.