“At nagliliyab na apoy. Paparusahan ng Panginoon ang mga taong ayaw kumilala sa Diyos at hindi sumusunod sa Magandang Balita tungkol sa ating Panginoon si Jesus.” - 2 Thessalonians 1:8
--
Chapter 15
Pearl
Last night I dreamt about a huge house. Naglalakad ako sa loob. Lumalagos ako sa bawat pintong mapasukan ko. Nadadama ko ang damuhan sa ilalim ng paa ko sa hardin. Umiikot ang katawan ko at nakangiting pinapasadahan ang kabuuan ng malaking bahay. Puting puti ang interior. Mahihiya ang kapiranggot na dumi na sumampa man lang sa marmol na sahig. Hindi ko alam kung paano ako nakarating o kung sinoman ang nagpapasok sa akin. Pero dama ko sa dibdib ko na panatag ang loob ko. Masaya akong makatungtong sa malaking bahay na sobrang tahimik, sobrang malinis at sigurado akong protektado ako.
Nang magising ako kinaumagahan, nakatanggap ako ng text kay Nick na male-late siya siya nang kaunti. Na-excite akong umalis. Na-excite akong makita ulit si Ruth at sa unang pagkakataon ang mga anak niya. Para akong bibisita sa kaibigan na matagal ko nang kakilala pero nahihiya rin ako dahil sa ginagawa ko sa kanila.
Pinagbuksan ako ng pinto ni Nick. Nag-thank you ako sa kanya pero nilipat ko rin ang paningin sa mansyon ng mga De Silva. Kinuha niya sa loob ng sasakyan si Jewel at binuhat. Nang alam kong nakababa na ang pamangkin ko, tumingala ako ulit sa napakalaki at engrandeng mansyon na una kong napuntahan buong buhay ko. May mga malulusog na puno sa paligid. Maaliwalas, mahangin at ang matinding sinag ng araw ay natatabunan ng mga dahon at sanga. Malinis ang pathway. Kung may tuyong dahon man, kakabagsak lang nito at siguradong mamaya o bukas ay wala na. Hindi ko maitago ang masidhing mangha sa mansyon. Hindi man katulad ng napaginipan ko, pareho naman ang naramdaman ko.
Mas maganda pa ito sa nakita ko sa panaginip.
There’s an eerie of memories from the first family who used to live here. Hindi ko kilala kung sino sa angkan nila ang unang gumamit ng bahay pero sa nararamdaman ko, parang narito pa ang legacy nila. Lumabas ang isang kasambahay galing sa double front door. Nakabukas na iyon pagdating namin. Ang sabi ni Nick ay naroon na raw ang babaeng kambal ni Dylan at asawa nitong si Yale Montevista. Kasama pati ang panganay na anak nila.
Tiningnan ko ang dalang plastic container. Nang malaman ni Tatay Vic na dadalhin kami rito ni Nick, maaga siyang namalengke. Baunin ko raw ang nilutong niyang Hototay. Para pang share namin sa tanghalian. Mahigpit kong hinawakan kahit na napapaso ang mga daliri ko. Bigla akong nakaramdam ng hiya. Binalingan ko si Nick na buhat ang anak.
“Nick, k-kumakain kaya sila ng Hototay?” insecurity filled my heart and mind like a poison in the veins.
Kinunutan niya ako. Bumuka ang labi niya. Tapos sinulyapan ang plastic container.
“Bakit? Worried ka yata. Hindi naman maaarte ang mga ‘yun.”
Hilaw ko siyang nginitian. Hindi na ako sumegunda pa ng tanong. Pinukol ko ang mata sa lumabas at nakangiting sina Dylan at Ruth. Ruth’s eyes widen after noticing Jewel.
“Good afternoon, Dylan, Ruth.” Bati ko.
“Siya na ba ‘to? Ang cute cute namang bata. Hello, Jewel!”
Tumawa si Dylan. “Kamukha-mukha, ano? Hindi mapagkakamali.”
Nick chuckled. Naramdaman ko ang kamay niya sa baywang ko. Bahagya niya akong tinulak palapit sa mag-asawa. Pumunta kami sa lilim. Binitawan niya rin ako pagkalagpas ng sinag ng araw.
“Hi, Jewel. I’m your Tita Ruth. Nice to meet you, baby.”
“Tingnan ko nga kung may namana kay Nick…”
Nilapitan ni Dylan si Jewel. Tiningnan niya ito nang maigi. Nanliit ang mga mata na tila lumalabo ang paningin. Nakatayo sa gilid niya ang asawa. Nagsalubong ang mga kilay ni Jewel. At nang matantong tinitingnan siya ni Dylan, masungit siyang tumalikod at yumakap sa leeg ni Nick.
“Parang walang namana sa ‘yo, Nick, ah. Puro sa ina. Mahina pala dugo mo, ‘insan.”
Nick mouthed, “f**k you.”
“Hoy!” saway ni Ruth.
Malakas na tumawa si Dylan. Binalingan niya ako. Natuon ang mata sa plastic container na dala ko.
“Oh? May pasalubong? Ano ‘yan? Mukhang masarap, ah.”
Tiningnan ni Ruth ang dala ko. Tinaas ko nang kaunti.
“Ahm… nagluto ang Tatay ko ng Hototay. Hindi ako sigurado kung kumakain kayo nito pero m-masarap siya. Pinadala niya para sa inyo.”
Ngumiti ulit si Ruth. Tiningnan niya ang dala ko at kinuha.
“Pakisabi sa Tatay mo, maraming salamat. Kumakain kami. I think, nakapagluto na rin ang mommy nito. Or naka-order kami sa restaurant. Tara na sa loob.”
Nauna nang pumasok sa mansyon ang mag-asawa. Naka-dress si Ruth. Nakaribbon ang tali ng damit sa magkabilang balikat niya. Kapag naglalakad at nahahanginan ay tila sumasayaw sa galaw ang dulo ng palda niya. Humuhugis din ang baywang nitong maliit. Pagapang na nakatirintas ang kanyang buhok. Ang kulay ng mukha ay natural. Sobrang ganda na niya, mabait pa. I loved the way her voice speaks.
“Ibaba mo na si Jewel,”
Sinunod ako ni Nick. Marahan niyang nilapag ang anak. Inayos ko ang buhok nitong nagulo. Hinawakan ko ang kamay. Bumuntong hininga si Nick.
“Parang bumibigat ka na, ah. Anong pinapakain sa ‘yo ng Mommy mo?”
Tiningnan ko siya. Pati si Jewel ay tumingala rin sa kanya. Nginitian niya ang bata.
“Your Mom is doing a great job, honey. Let’s go.”
Sinundan ko ng tingin ang pagpasok ni Nick. He looked fresh today. Palagi naman. Umaalingasaw ang bango niya. Pati ang presensyang mahirap pakibagayan. Sinarado ng kasambahay ang pinto pagpasok namin. Malamig. Kumalabog na naman ang dibdib ko. Para akong pumasok sa kastilyo at mahihirapan na akong makalabas. Tinuro niya kami papunta sala. At halos mapanganga ako nang makita ang karangyaan nito.
“Maupo po kayo, Ma’am.”
“Salamat,” hinintay kong maupo rin si Nick. Pero nang maglakad pa ito ay sa kanya kami sumunod.
Sa hotel, office buildings at museum lang ako nakakakita ng ganito kagandang lugar. Ito ang tinatawag nilang De Silva Mansion. Si Dylan ang nagmana sa kanilang mag-anak. Parang salaming kumikintab ang sahig. Plain white at malalaki ang tiles. Ang muwebles ay de kalibre. Iyong sofa nila, kasya yata lahat ng pasahero ng jeepney. May malaking air-con sa magkabilang sulok. Sa tabi nito ay naglalakihang banga ay kasya yata ang isang tao. Ang kurtina ay puti. Ang sheer ay ang tumatakip sa silaw sa galing sa labas. Ang mas makapal na kurtina ay hanggang sa sahig ang haba.
Sa taas ng engrandeng hagdanan, nakalaylay ang malaki at kumikinang na tila gintong chandelier. Tila diamond ang mga nakasabit. Na kung pyesta, pipilahan ito ng mga bata at matanda para makipag-agawan. May carpet ang hagdan. Mula sa baba, natanaw ko ang ilang paintings na naka-hang sa second floor. At wall lamps sa tabi nito.
Umawang ang labi ko habang isa-isa kong pinagmamasdan ang tahanan nina Dylan at Ruth. Pinapakita nito ang karangyaan ng mag-asawa. At natatanging ganda ng mansyon. Tiyak akong mahal din ang maintenance nito. Pero kung ganito kaganda, kakomportable at kalinis, sulit naman. Kahit araw-araw ako rito, hinding hindi ako magsasawang titigan ang interior at atmosphere ng mansyon.
Napaigtad ako nang may tumikhim. Nakahalukipkip si Nick at titig na titig sa akin. Agad kong sinarado ang bibig ko sa hiya. Hinila ko si Jewel at napalapit kami sa kanya bigla.
Pinagningkitan niya ako ng mga mata.
“S-sorry. Nagandahan lang ako sa bahay,”
He sighed heavily. Tinuro niya sa akin ang dapat puntahan. Hindi na ako nagsalita at sumunod ulit sa kanya.
Dinig na dinig ang malalakas na tawanan. Boses ng bata. At boses ni Ruth na inaasikaso ang hapagkainan.
Naroon silang lahat sa dining area. Kung saan may pang isang dosenang upuan at mahabang mesa. Nakita ko sina Dylan at Yale. Silang dalawa ang malakulog kung tumawa. Nakaupo si Dylan sa kabisera. Sa kanyang kaliwa ay isa pang babaeng maganda, mahaba ang buhok at mabilog na mabilog ang tiyan ang nakangiti habang nakayakap sa braso ni Yale. She must be Deanne Montevista. Ang kambal ni Dylan. She looked at me and Jewel.
“Paupuin mo naman ang mag-ina mo, Nick. Pambihira,” bungad ni Ruth galing sa pinto ng kusina. May dala itong babasaging bowl kung saan nakita ko ang dala naming Hototay. Inilagay niya iyon sa gitna ng mesa. Katabi ang ilan pang pagkaing nakahanda na. Kasunod niya ang isang kasambahay na may dalang patung patong na mangkok.
Yumakap sa akin si Jewel. Halatang nahiya. Ako rin naman. Pero hinaplos ko ang kanyang likod para maalo. Nilapitan kami ni Ruth. Nag-squat siya at magiliw na kinausap ang pamangkin ko.
“Gutom ka na siguro, Jewel. Tara. Upo ka. Mamaya ipapakilala kita sa mga anak ko. Pero ngayon, nandito si Joaquin. Anak ng Tita Deanne at Tito Yale mo.”
Binulungan ni Yale ang katabing batang lalaki. Tipid ang ngiti ni Deanne habang pinagmamasdan ako. Bahagyang tinagilid ang ulo. Lumunok ako sa kaba. Tumango sa ama ang batang si Joaquin. Bumaba ito sa upuan. Naglakad at lumapit sa kanyang Tita Ruth.
“Joaquin, she is Jewel. Jewel, he is Joaquin. Your… ah… cousin, I guess?”
Deanne sweetly chuckled. Nilingon pa siya ng asawa.
“Yes, Ruthie.”
Joaquin didn’t smile. Pero in-offer niya ang kamay kay Jewel. Hindi umimik si Jewel. Tinago niya ang mukha sa hita ko.
“Jewel… makipagkamay ka sa kanya,” bulong ko.
Tiningala ako ni Ruth. “It’s alright, Ruby. Nahihiya pa siya.”
Tumikhim si Nick. “Guys, let me introduce to you my daughter, Jewel.”
“What about the mother, Nick?” ani Deanne.
Lumunok ako. Hindi ko matingnan nang deretso si Deanne. Mas doble ang kaba ko rito o sa kanya. Walang ibang tao. Hindi maingay. Bawat galaw ko ay tiyak na makikita nila. Sinisilaban ang mukha ko sa hiya at takot. Kinakabahan ako sa uri ng mata ni Deanne Montevista. Walang pinagkaiba sa kakambal niya pero mas malakas ang kaba ko sa babae.
Nilingon ako ni Nick. At siguro ay walang nagawa kundi ang sambitin ang pangalan ko.
“Wala namang masama kung pormal mo ring ipakilala kahit wala na kayong relasyon.” Dagdag nito.
“This is Ruby. Ruby Francesca Herrera.”
Namilog ang mata ko sa kanya. Tumayo si Ruth at tiningnan ang pinsan.
Napapikit si Nick. “Sorry. It’s Ruby Francine.”
Tumawa si Dylan. “Saan mo nakuha ‘yong Francesca, dude? Nagha-hallucinate ka na ba?” he took his glass of water.
“That’s her twin’s name. Sorry.”
“Twin?” Deanne asked.
Tiningnan ko siya. Bahagya akong tumango. Pinagmasdan niya ako. Matagal. Akala ko matutunaw na ako sa hiya.
“I can’t believe this, love.”
Yale smirked. Ang sinagot sa asawa ay binulong na lang sa tainga nito. Which made Dylan arched his brow. Siguro ay narinig ang sinabi ni Yale.
“Ang daming kambal sa Pilipinas, ha. Parang pinamumugaran na tayo.”
Iniwasan kong tumama ang mata kay Dylan pagkatapos niyang magsalita. Hinawakan ako ni Nick sa siko. Iginiya niya sa uupuan namin. Katabi niya si Ruth na siyang katabi ni Dylan. Katapat niya sa mesa si Yale. Pinaggitnaan namin si Jewel. Pinapanood nila kami, lalo na ni Deanne habang umuupo.
“Sayang. Hindi pa naging kambal ang anak ni Nick. Inaasahan ko talagang uubanin na ‘to kapag nagkaanak, e. Tsk. Tsk. Maybe next time?”
Deanne giggled. Magaan niyang pinalo sa braso ang kambal. “’Wag mong asarin at baka humunin ka niyan, Dylan.”
Yale laughed.
“At ako pa ang hahamunin? E, nakadalawa agad kami ni Ruth sa una namin. Sa susunod, triplets na!”
“Hoy, tumigil-tigil ka. Maliliit pa ang mga anak mo, humihirit ka na? Baka gusto mong matulog sa labas ng kwarto?”
“Hintayin mo munang lumaki ang kambal mo bago ka humirit ulit, pare. Mahirap magbuntis. Sa tuwing may masakit kay Deanne, parang ako ang mahihirapang manganak. Kung pwede ko lang akuin. Kinuha ko na. Saka mabigat na itong kambal. Tatlo pa kaya?”
Deanne and Ruth agreed. Naalala ko ang litrato ni Nanay Clara noong pinagbubuntis niya kami ni Ruby. Kung ang isang sanggol ay mahirap nang dalhin, paano pa kaya kung dalawa o tatlo? Ang isang paa ay nasa hukay na habang nagdadalang-tao ang babae. Ni hindi ko maimagine ang sarili sa ganoong kalagayan. Medyo natatakot din akong magbuntis at manganak. Kahit hindi ako sigurado kung darating pa ako sa panahon na ‘yan.
“Biro lang, babe. Ayoko ring mahirapan ka. Pero kung dumating nga yun nang hindi inaasahan, lagi akong nasa likod mo. Tagamasahe at mag-aalaga sa ‘yo.” Dylan then winked and kissed the hand of his wife.
“Ang corny mo, Dylan.” naiiling na sabi ni Nick. Ngumisi siya.
“E, bakit? May problema tayo sa corny? Ikaw nga e.”
“Ano?” hamon ni Nick.
When Dylan swiftly glanced to me, he took his glass and shook his head. Binaba niya ang baso at tiningnan ang pinsan.
“Mas matinik pa sa amin.”
Ruth and Deanne smiled. Binalingan ako ni Deanne.
“So, nag-aaral ka pa lang nang mabuntis ka kay Jewel? Ang hirap no’n.”
Lumunok ako. Yes. Ganoon nga ang nangyari kay Ruby. Pero kinaya niya. Nilaban niya kahit mag-isa.
“Oo. Pinagsabay ko para hindi mapurnada ang graduation. Sayang din kung hihinto pa.”
I didn’t want to own Ruby’s experience. Nakakahiya at mahirap akuin ang hindi ko naranasan. Pero may pagkakataong tila naipagmamalaki ko pa ang pagkakasalita.
Ruth looked and smiled at me. “Priority mo ang studies mo. Kung kaya naman, bakit hindi, ‘di ba? Mabuti at ganyan ang mindset mo during your pregnancy.”
“Oo nga,” nahihiya kong sagot sa kanya.
“Itong si Ruthie, pinagsabay ang pag-aaral at trabaho. Kahit gaano kahirap, hindi sumusuko ‘yan.”
“Kahit si Dylan pa ang nagpahirap sa kanya.” Yale added.
Tila nao-offend na tinuro ni Dylan si Yale.
“Hoy, hoy, hoy. Ginawa ko iyon para mapakasalan ako ni Ruth. Kahit binasted niya ako… pero nag-grow up naman ako, ah! ‘Di ba, babe?” tila umamong tupang balik nito ng tingin sa asawa.
Napailing si Yale. Habang si Deanne ay ngumisi sa kapatid.
“Pag-iisipan ko pa.”
Nagtawanan silang lahat. Lulugo-lugong yumuko si Dylan. Napangiti ako. Tiningnan ko silang lahat. Mayayaman sila. Mga successful sa kanya-kanyang field pero para sa akin ay tao rin silang tulad ko. Nagkakaproblema rin. Naghihirap ang loob at dumadaan sa init ng apoy ng pagsubok. Nagkakaiba nga ba ang tao base sa status sa buhay at titulo ng trabaho? Siguro, tao lang din ang makapagsasabi niyan para sa kanilang sarili.
Pinagsandok ni Nick ng pagkain si Jewel at ako. Siya na rin ang nagsalin ng mangkok para sa soup. Kasama rin yata si Ruth sa nagluto ng mga pagkain. Nagpaturo raw siya sa kanyang Lola at sa Mommy nila. Sana ay magaling din akong maglutong tulad niya. Para naman kahit saan ako mapunta, hindi ako magutom.
Pagkatapos naming kumain ay lumipat kami sa malawak na hardin. May naririnig akong huni ng ibon. Mayroon ding outdoor table and chairs. At malaking swimming pool. Agad ngang pumunta roon sina Joaquin at Jewel. Sinundan ko at baka mahulog sa tubig. Nag-squat si Joaquin sa gilid. Binaba ang kamay sa pool at kinawkaw iyon. Ginaya siya ni Jewel at ganoon din ang ginawa. Tumayo naman ako sa likuran nilang dalawa.
“’Wag masyadong malakas Jewel. Nababasa ka na at si Joaquin,”
She continued playing with water and even giggled. Si Joaquin ay natatawa rin. Pinanood ko ang ginagawa niya.
“My gosh. Ang init ng panahon ngayon.”
Hindi ko naramdaman ang paglapit ni Deanne sa gilid ko. She looked classy with her maternity dress. Plain white off-shoulder na ang haba ng palda ay umaabot hanggang taas ng tuhod. Ang buhok niya ay naka-half pony tail. And she smells so good! Hinahawaan niya ng mabangong amoy niya ang hangin at maiiwan itong nalalasing. Siya iyong babaeng dadaan lang pero mag-iiwan ng pamana at tanging siya lang ang nagmamay-ari ng expensive niyang perfume. She’s not just a beauty. But an elegant woman she doesn’t need to effort.
Napatitig ako sa kanya. Nai-starstruck ako sa mukha niya. Kung ngumiti at tingnan ka, parang nakikita niya rin ang kaluluwa mo.
“’Wag kang mahiya, ha. Pwede kayong mag-swimming kung gusto ninyo ng anak mo.”
“Ay naku. Hindi na. Okay lang.”
She smiled. “Hindi ba sinabi ni Ruth?”
Umiling pa ako kahit talaga namang hindi ko iyon gagawin.
“Or ni Nick?”
“Hindi…”
Napalingon kami sa malakas na tawanan nina Nick sa mesa. Naroon ang panghimagas. Prutas para kay Deanne. At chocolate cake para sa amin. Binababa ni Ruth ang tray nang yakapin siya ni Dylan sa baywang. Nakangisi si Dylan. Si Yale ay nakatayo at pamaywang. May ngisi rin sa labi. Nakahalukipkip si Nick. Mapaglaro ang ngiti ang nakapinta sa labi niya habang pinapanood ang mag-asawa. Umiling si Yale.
“Matagal na ba kayong magkakilala ni Nick o no’n lang nagkaroon kayo ng relasyon? Sorry. Wala akong masyadong alam sa personal life niya. Ang akala ko kasi maingat siya pagdating… uh sorry. I didn’t mean to offend you or anything. Nariyan nga pala si Jewel.” She looked down at my niece with a genuine reaction on her face.
“Okay lang. Naiintindihan ko. May… mga common friends kami ni N-Nick,”
I stopped right away. Ayokong i-elaborate pa nang i-elaborate ang relationship ni Nick at ng kambal ko. She parted her lips. After a while, she slowly nodded and touched her baby bump once again. Like it was her mannerism.
“Hindi mo ba pinagtanong-tanong si Nick noong nabuntis ka niya?”
“Bakit?”
“Kung may common friends kayo… uh, well, baka wala na sila no’n nang malaman mong buntis ka. Umalis ang pamilya patungong States. Naiwan ako rito kasama ang asawa ko. Wala rin kayong malinaw na relasyon, tama ba? Kaya siguro nauwi ka sa maling trabaho. Naakit sa malaking kita dahil may anak kang binubuhay. Hindi rin kita masisisi kung ganyan ang naging buhay mo. Pero sana ngayon mas umayos na ang buhay mo. Ang liit pa ni Jewel. Paglaki niya makilala niya rin ang mama niya.”
Tiningnan ko ang pamangkin ko. Nawala na ang hiya niya at nakapag-adjust na sa kapaligiran. Magkausap na sila ni Joaquin. Parehong nag-e-enjoy sa paglalaro ng tubig.
“Do you have pool in your house?” tanong ni Joaquin kay Jewel.
“Wala, e. Pero nag-sswimming ako sa palanggana namin. Tapos tinatapat sa akin ni mommy ang hose ng tubig.”
“Ha? Ano ‘yong palanggana? Parang tabo?” kuryosong tanong ulit ni Joaquin.
Tumango si Jewel. “Parang malaking tabo ‘yon. Doon ka naglalaba ng damit.”
“But we have washing machine. You don’t have appliances at home?”
“May washing din kami at saka dryer.”
Kumunot ang noo ni Joaquin sa kanya. “Our pool is as big as this. My father taught me to swim, too. Dati nakatira kami malapit sa dagat.”
“Talaga? Siguro masaya ro’n.”
Kumuha ng tubig sa mga kamay si Joaquin. Nagkibit ito ng balikat at binato ang tubig sa pool.
“She’s cute.”
Napabaling ulit ako kay Deanne. Nakangiti siya.
“Salamat.”
“Magkamukha rin kayo. Hindi mapagkakamali.”
I smiled and stared at Jewel again. May hiya akong nararamdaman habang katabi si Deanne. Kaya bumaling ako sa mesa. Kumuha kaya ako ng cake at kumain para maiiwas ko ang sarili sa kanya? Pero pagbaling ko, nahuli ko ang matiim na titig ni Nick. Tulad kagabi. Ang pagkakaiba, ang liwanag ay witness sa kung ano ang kanyang reaksyon. Hindi kasing lalim at misteryoso. Pero may kakaibang mensaheng kailangang basahin ng metikiloso.
I found myself again staring back at him. Like as if we owned the place, time and the weather. Ruby painted him as playboy kind of man. His cousins joked with him like it’s a usual ingredient of their everyday life. Pagdating sa akin, napapatigil ako. Inaalam ng isip ko ang gustong makita ng mata ko. Inaarok ng utak ko ang gustong madama ng puso ko. At sa bawat dantay ng paningin niya sa akin, dumadapo sa balat ko ang salitang hindi ko masambit. Lutang. Naghahanap. Nangungulila. Pero sa pagsasalita at kilos ay parang hindi naman iyon ang nilalaman niya.
Pumasok sa loob ng mansyon ang tatlong lalaki. Naupo kami sa mesa. Umalis na sa tabi ng pool sina Joaquin at Jewel. Nilantakan ko ang chocolate cake. Masarap. Kahit si Jewel ay nagustuhan ang lasa. Si Joaquin ay natatawa kakaturo ng icing sa pisngi ng pamangkin ko. Kumuha ako ng tissue at natatawa ring pinunasan.
Deanne and Ruth giggled. Pagkatapos naming kumain, niyaya kami ni Ruth sa nursery room ng kambal niyang anak. Sumama rin si Deanne hawak hawak ang anak na lalaki. Ako naman ay hawak hawak si Jewel. Nasa second floor ang kwarto. Namangha ako sa laki ng espasyo ng hallway doon. Lumulubog ang paa ko sa carpet. Nakakahiyang dungisan ng iswelas namin. Tinitingnan ko ang paa kung nag-iiwan ba ng dumi. Mabuti wala naman.
Natutulog ang kambal sa kanya kanya nitong kuna. May dalawang nanny doon. Nakasuot ng kulay asul na scrub suit. Dalawang matatabang sanggol. Tumingkayad sina Joaquin at Jewel para makita ang natutulog sa kuna. Hinihinaan namin ang boses para hindi sila maistorbo.
Yumuko at dinampian ng halik ni Ruth ang noo nila. Si Deanne ay mabining hinaplos ang nakatikom na kamay ng baby. Kamukha ni Dylan pareho. Ang cucute.
“Jewel, no.” saway ko. Nilapitan niya at pinaglaruan ang mga toys sa room. Marami iyon. Nakahanda ring dalawang kama. May pwesto para sa paglilinis ng baby. Nakapark din sa gilid ang dalawang laruang kotse-kotsehan. Kaya tuwang tuwang sina Joaquin at lalo na si Jewel.
“Hindi mo sinama si Mariposa ngayon? Pinayagan ka nang sumama kay Nick?”
Dahan dahang sinarado ni Ruth ang pinto ng nursery room. Palakad na si Deanne at Joaquin nang lingunin kami ni Deanne dahil sa tanong niya.
Tumikhim ako at tumango. “May gagawin daw, e. Saka okay na naman si Nick kay Tatay.”
“Kung ako sa tatay mo, pahihirapan ko ‘yang si Nick. At hindi ako papayag na pasamahin ka nang walang bodyguard.” Natatawang sabi ni Deanne.
Nginitian ko siya. “Hindi ko naman bodyguard si Mariposa. Kaibigan ko rin.”
Bumababa kami sa hagdanan nang lumabas si Yale. Umakyat siya. Sinalubong nito si Deanne at inalalayan sa pagbaba.
“Ginagawa mo naman akong bata niyan, e.” maktol ni Deanne.
“Baka matisod ka, love. Watch your step, please.” Malambing na sabi ni Yale.
Hindi sinasadyang nagkatinginan kami ni Ruth. Nagkibit siya ng balikat at ngumiti. I smiled back too and went down the stairs with my niece.
Pumasok naman kami sa kanilang library. Malaking library na may office table at L shaped sofa. Naroon sina Dylan at Nick. Nakaupo si Dylan sa big stuffed swivel chair. Nakapangulumbaba. Galing sa seryoso ang mukha. Ang pinsan nitong si Nick ay natayo sa tabi ng nakabukas na bintana. May munting espasyo roon na pwedeng upuan. Nakapamulsa ang mga kamay at ang mata ay sinusundan ako pagkapasok namin.
Pinaupo ni Yale ang asawa sa sofa. Si Jewel ay patakbong naupo rin sa tabi nito. Nginitian at hinaplos ni Deanne ang buhok ng pamangkin ko.
Naiwan akong nakatayo malapit sa gitna. Si Ruth ay lumapit sa asawa niya at umakbay sa mga balikat nito. Uminit ang pisngi ko. Nakaramdam ako ng awkwardness. Kaya lumapit ako sa sofa. Hindi inaalis ni Nick ang mata sa akin. Ramdam ko hanggang buto ang bola ng kanyang mata. Umupo ako malapit kay Joaquin. Pinaglalaruan naman nito ang globo na nakadisplay sa lamesita sa gilid ng sofa. Pinaikot ikot niya hanggang sa ma-out of balance at bumagsak. Tumayo ako para kunin iyon.
“Joaquin, be a gentleman, son.”
Binalik ko sa dating pwesto ang globo. Nilingon ko si Yale. “Okay lang,”
“Joaquin.” Ulit ni Yale.
Masunuring bata ang anak niya. Bumaba ito sa sofa. Lumapit sa akin. Yumuko at bumulong.
“Sorry, Auntie. It’s my fault. I didn’t help you.”
Yumuko ako. Ginulo ko ang buhok niya at matamis na ngumiti. “It’s alright. Hindi mo naman sinasadya iyon. Maupo ka na ulit.”
Sumunod din sa akin ang bata. Para siyang matanda na bata. Inosente pero pilyo. Walang ngiti siyang naupo at muling tiningnan ang globo. Lumapit na rin si Jewel at nakiikot doon.
I sat near with Deanne. Ruth giggled. She slightly massaged her husband’s shoulder.
“I can’t wait to see our kids playing around here.”
Tiningala siya ni Dylan. “At magkabasag basag ang mga plorera at banga araw-araw.”
Tumawa kami.
“Sa akin okay lang. Basta masaya ang mga bata.” Deanne said. Nakatayo at halukipkip sa gilid niya ang asawa.
“Yeah. Dadalhin ko sila sa bahay nina Dad at Mom para madisiplina. Like how they disciplined us both.”
My eyes flew to the man standing quietly beside the window. Nanuyo ang hangin. Lumambing at sinayaw ang kurtina. Bahagyang nilipad ang buhok niya. Para akong naaakit na pumunta rin doon at damhin ang malamig na simoy ng hangin. Pero agad kong inalis ang mata roon pagbaling nito sa akin.
Pinagsalikop ko ang mga kamay. Magkadikit ang mga tuhod ko. Takot na makagawa ng maling kilos sa harapan nila. Kapag nag uusap ay madalas nakikinig lang ako. Wala akong mai-share. Malibang makitawa at ngiti. Napapalunok ako. Masarap silang panoorin. Ang mga taong ito ay tinitingala ng karamihan. Mukhang iba kapag susuriin sa mga litrato sa internet. Pero mababait pala sa personal.
“Bakit hindi mo naman kinuha ng nanny si Jewel, Nick?”
Nagulat pa yata si Nick pagbaling kay Ruth.
“What?”
“Pero hands-on mommy si Ruby, ah. Mas gusto niyang siya ang mag-alaga sa anak niyo.”
Deanne looked at me. “I agree, Ruthie. I think she’s different.”
“Pinagalitan niya kagabi si Nick. Nakatikim ng sermon ang mokong na ‘to.”
“Really? Oh boy. That’s good news.”
Dylan barked a good laugh. “Nakahanap pa yata ng katapat.”
They all seemingly agree. Napuno ng halakhakan ng library room. Ngumingisi pa si Nick at pinupukol ng masamang tingin si Dylan. Paglipas ng ilang minuto, nag ring ang cellphone niya. Sinagot niya ito pero natigilan.
“Ano?” he suddenly exclaimed. Tumingin siya sa pinto at tila napatda.
“Bakit, Nick?” Yale asked with alertness shown.
Kumurap ako. Biglang bumukas ang pinto. Ruth gasped. Kaming lahat ay napabaling sa maputi at may maamong mukha ng ginang na pumasok sa kwarto. Kasunod naman nito ang kapatid ni Nick na si Anton. Binulsa ang cellphone sa pantalon pagkakita sa lahat.
“What did you do, Anton?!” Nick almost shouted.
Namilog ang mukha ng ginang. Pinasadahan niya kami. Tila may hinahanap. Huminto ang mata niya sa akin. Tapos ay tinitigan si Jewel
Lumapit si Nick dito. Tila na-drain ang dugo niya sa mukha. Matalim siyang tiningnan ng ginang.
“Ano ang ibig sabihin nito, Nicholas? May anak ka na? At hindi mo man lang sinasabi sa amin ng Daddy mo!”
Unti unti umawang ang labi ko. Parang nakikita ko si Yandrei sa pagtanda nito. Sa Mommy nila. Mommy ni Nick ang dumating!