“Ang lahat ng mga nakasulat sa Scripture ay galing sa hininga ng Diyos at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, pagsasaway sa mali, pagtatama ng likong gawain, at pagbibigay ng guide para sa tamang pamumuhay,” – 2 Timothy 3:16 -- Chapter 33 Pearl Sumilong ako sa malaking puno na nadaanan pagkalabas ko ng village. Bumubuhos ang ulan. Umiihip ang malakas na hangin at paminsang-minsang kumukulog na may kasamang kidlat. Pero hindi ako natinag sa pagtitig sa kawalan. Hinayaan akong mabasa ang buong katawan ko, dahil pinamamanhid pa rin ako ng galit. Ilang buwan… ilang mga araw at gabi… ang dumaan pero ni isang beses man ay hindi ko naramdaman na pagkukunwari lang ang tinatrato sa akin ni Nick? All of his good intentions were all lies because he was just using me. For what? For my sister