"Maraming salamat sa tulong, General Morales. Pasensya na po kung kayo ang hiningian ko ng tulong. Ito po kasi ang sabi ni Ate Jhie. Na kapag daw po nagkagipitan ay isa po kayo sa hihinngian namin tulong," nahihiya na sabi ni Haydee sa pulis na may edad na rin. Ito ang kasalukuyang Deputy Director General ng PNP. Sa mga medal nito sa uniporme ay kagalang-galang talaga ito. Nakaka-intimidate. Narito na sila sa gilid ng dagat. Inihahanda ang mga gagamitin nilang sasakyang pandagat. At sa tantya ni Haydee ay nasa fifty plus na magkahalong pulis at sundalo ang kasama nila upang mailigtas ang mga kasamahan niyang nasa panganib doon sa Isla Buenavista. Pagkatawag na pagkatawag ni Haydee sa General na ama ni Ate Jhie niya ay umaksyon agad ang General. "'Yan ang ayaw ko sa mga tao. Kung kailan