PART 19

1210 Words

"Honey, nasa'n ka na?!" madiin at pabulong na nasambit na ni James kasabay ng marahas niyang pagtayo sa kanyang kinauupuang bato. Iba na! Iba na ang kanyang nararamdaman talaga. Hindi na ordinaryong pag-aalala ang kinakabog ng kanyang dibdib para sa batang hanggang ngayon ay wala pa. Gabi na. At lampas na lampas na sa oras nilang usapan si Honey. Napasabunot na siya sa kanyang buhok. Kapag may nangyaring masama sa bata ay 'di niya mapapatawad ang sarili niya. Ngayon lang niya napag-isip-isip na katangahan ang kanyang ginawang pagpayag na mag-isang kumilos ang bata. "Bwisit!" Napapikit ng mariin. Inis na inis siya sa sarili niya. What will he do now? Hindi niya alam kung saan nagtungo si Honey kasama ang batang lalaking iyon. At kung aalis naman siya, pano 'pag saktong dating naman ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD