"Sh*t!" Kahit si Fairy ay nahintakutan nang makita nito ang next na kakalabanin nila. Napatayo ito bigla. Habang si Honey ay naka-poker face lang. Walang naramdaman na takot ang bata sa lalaking nakatayo ngayon malayo konti sa kanila. Kahit pa ang hitsura nito ay parang isang matadero na mabangis. Malaki ang tiyan nito dahil sa laki rin ng katawan. Ang laki ng hawak nitong kutsilyo, 'yong pinangtatadtad ng baboy at baka sa katayan. Kumikinang iyon sa talas. Siguradong putol ang katawan mo 'pag natamaan ka nito dahil tiyak pati buto mo ay parang papel lang iyon na hihiwain. Tapos nakakadiri na kumakain ang matadero ng isang hita ng baboy. Baboy na hindi pa yata gaano luto dahil parang dugo-dugo pa. "Honey, come here!" Hinila ni Analyn si Honey. Tinago nito sa likuran nila ni Fairy ang bat