Kindly read "WRONG TARGET" story para maintindihan po maigi ang chapter na ito. Thanks a lot. . . . "Sigurado ba kayong hindi niyo kailangan ang tulong ko?" paninigurong tanong ni Rashee kina Haydee at Jaime. Nagpapaalam kasi ang dalawa na magtutungo raw sila sa isang isla para iligtas ang mga kasamahan ni Haydee sa trabaho. "Huwag na. Sulitin mo na lang ang parang pangalawang buhay mo. Saka alalahanin mo patay na si A.K.A Mr. Hired Killer. Kaya na namin 'to. 'Di ba, Hon?" sabi ni Jaime sabay hakbay nito kay Haydee. Magkatabi ang mga ito sa mahabang sofa katapat si Rashee. Ngunit kakatakang napakagat labi si Haydee at parang nenerbyos. "Haydee, okay ka lang?" pansin dito ni Isel galing sa kusina. Inilapag nito ang ginawa nitong miryenda para sa mga bisita nila. At doon nahagip ng pa