Hindi man makahinga dahil sobrang bigat ng katawan ng kalabang nakadagan sa kanya na Sumo Wrestler tapos ay sinasakal siya ay gumawa ng paraan si Eva na makawala. Hinayaan na niya ang kamay ng kalaban na sumasakal sa leeg niya, sa halip ginamit niya ang dalawang kamao niya na pinangsuntok-suntok sa ulo ng matabang wrestler. "Mm! Mm!" Malakas pa rin ang bawat igkas niya kaya nayayanig ang puros yata taba na mukha ng kanyang kalaban, dahilan para mapabitiw na ang wrestler sa kanya. Sa sobrang taba nga ay hindi makatayo agad kaya isinipa niya ang magkadikit na paa niya sa tiyan nito. Tapos ay nag-kik-up siya para makatayo. Kick-Up is also called a rising handspring, kick-up, Chinese get up, kick-to-stand, nip-up, flip-up, or carp skip-up. It is an acrobatic move in which a person transitions