Chapter 34 Napakadaming tao sa plaza nang dumating sina Stephanie roon. Naka-schedule siya ng interview para sa inaplayan na trabaho pagkatapos ng fiesta. Naririnig niya ang amateur at natatanaw ang entablado. Naroon ang Daddy ni Klyde, nagsasalita bilang guest speaker pero mas pinili nitong sumama sa kanila para mamasyal. Kahit kailan, si Klyde ay napaka down to earth na tao. Ni minsan ay hindi nito ipinaramdam sa kanila na nakakaangat ito sa buhay at ama ng lungsod ang Daddy nito. Gwapo ito pero hindi ito bilib sa sarili, hindi tulad ni SJ. Si SJ na naman. Parati niyang ipinaaalala sa sarili niya ang mga pangit na katangian nun pero nasasaktan pa rin siya kapag naiisip niyang pinasakay lang siya nun. Bakit siya pa, sa dami ng babae? Namamasyal siya pero di naman siya masaya. Na