Sean "What are we doing here? Bakit dito mo ko dinala?" Galit na tanong ni Samantha sa kanya ng ihinto ang kotse sa malapit sa dagat. Bumuntong hininga lang sya at pinatay ang makina ng sasakyan. "Out!" Mariing utos nya kay Samantha na hindi man ito nililingon. "Great!" Sagot nito at padabog na bumaba ng kotse at halos mabingi pa nga sya sa malakas na pagbagsak nito sa pinto. Sumunod na sya sa pagbaba nakita nyang naglalakad palapit sa tubig si Samantha. Sinasama ng malakas na hanging ang kulot nitong buhok. Hindi sya sanay sa ganoong hairstyle ni Samantha nasanay sya sa tuwid na buhok nito na halos tumatakip sa maganda at inosenteng mukha nito. Pero aaminin nya gusto nya ang kulot na buhok ni Samantha nagkaroon ito ng appeal. Tanging ayaw lang nya sa bagong Samantha ang maiksing dami

