Samantha "Iba ka talaga Mam, dala-dalawa pa ang nagpadeliver ng bulaklak" Kinikilig na sabi ni Betchy ng makalapit sa desk nya. Alanganin lang syang ngumiti rito at sinulyapan ang bulaklak na galing kay Sean na nasa tabi ng mga gamit nya. Kahit papano tila mas nais nyang piliin ang nanggaling kay Sean kesa kay Cedric na hindi naman talaga nya lubusang kilala. Pero yun nga nais daw nitong tulungan ang pamilya na lugmuk na sa utang kapalit sya. Humugot sya ng malalim na hininga at liningon si Betchy na habot tenga pa din ang ngiti habang nilalaro-laro ang mga bulaklak na galing kay Cedric. "Sana ma experience ko din ang may mag bigay sa aking flower, ok lang kahit isa lang hindi naman ako choosy eh" Sabi pa nito. Napangiti sya rito. "Pero Mam Sam, kanino po ba galing ang mga yan? Bakit

