Sean "Damn you, Espinosa! Maling tao kinalaban mo!" Galit na sabi nya at halos madurug ang hawak na cellphone sa higpit ng pagkakahawak nya. Alam nya kung gaano kapanganib ang tulad ni Cedric, pero hindi sya matitinag dahil alam nyang mas mapanganib ang taglay nyang pangalan isa syang Monteverde at hindi biro ang maging isang Monteverde sa Bayan ng San Miguel, at nakakasigurado syang balewala ang isang Espinosa sa tulad nya. "I can kill you with my bare hands" Tagis bagang na bulong nya at mabilis na lumabas ng bahay. Kung akala ni Cedric na maiisahan sya nito pwes nagkakamali ito, may pera sya at handa syang maglabas ng kahit magkanung halaga mailigtas lang si Samantha, at kuny tusu si Cedric mas tusu sya. Tinawagan nya si Bryan at sinabi rito ang naging problema at kaagad namang hu

