"Buntis ako Dark." Halos lumabas nanaman ang ulo nya sa windshield ng sasakyan ng biglang magpreno ang binata. He looked at her all surprised. Wala itong sinabi at bigla nalang pinaharurot ulit ang kotse. Nagulat sya ng ilang sandali pa ay nasa ospital na sila. Inalalayan sya palabas ni Darkus. Pagdating nila sa receiving area ay nakita kaagad si Darkus ng receptionist at wala ng bago, syempre nag papacute iyon sa kanya. Inirapan naman nya ang babae at tila nahiya iyon. "Give me the Best OB-Gyne this hospital has." Ma otoridad na sambit ng binata. "Okay sir please be seated and wait for--" Hindi natuloy ang sasabihin ng receptionist dahil binara ito ni Dark. "No. I can't wait." He said and crossed his arms. "But sir, there are a lot of patients here," Turo nito sa mga taong nakaupo sa