Author's Note: The last 6 chapters will be written in alternate POV. Savannah Sobrang ingay ng paligid. Lahat ay masaya at yung iba'y nag-iiyakan pa nga habang nakayakap sa kani-kanilang mga magulang. And here I am waiting for a particular person to come out from the school. To give him a hug and kiss because he did a good job. Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na natapos na niya yung apat na taong pag-aaral niya. Age doesn't really matter when it comes to education. Hindi din naman halata sa kanya na tumatanda siya kaya nga madami sa mga naging kaklase ang panay panay ang pagpapadala ng kung ano ano sa bahay nito. Hindi dapat ako pupunta at nagpagdesisyunan naming sa bahay na lang magkita kaso biglang nagbago ang isip. Wala daw kasi siya miski sino na pwedeng mag-attend sa