Maagang nagising si Savannah ng araw na iyon dahil kay Elena na wala pa yatang alas singko ay ginigising na siya. Gabi na ng maghiwalay sila ni Rion at ang balak pa sana niya'y magbabad sa higaan upang makabawi. Ngunit hindi yata uso sa palasyo ang nahuhuli sa higaan. Maaga yata talaga gumising ang bawat miyembro ng royal family. Kahit hindi pa siya opisyal na parte nito ay kinokonsidera na siya ng ilang nakakasalamuha niya. Dinala siya nito sa drawing room kung saan naroroon din sina Miss Letizia, Erin, at isang lalaki na hindi niya magawang maintindihan ang suot. “It's such a privilage to make your wedding gown, your majesty.” Kinuha nito ang kamay saka hinalikan iyon. Agad siyang napatingin kay Erin na siyang una niyang nasabihan na mag-design sa kanyang wedding gown. Isa iyon sa dahil