Nakasibangot na naupo si Savannah sa couch pagkapasok nito sa family house nila. Hindi niya pinansin ang tinging pinukol sa kanya ng sariling ama. Naistorbo niya ang pagbabasa nito ng dyaryo dahil ginawang pagdaan sa harapan ng ama. Tinupi nito ang hawak na newspaper at binalingan siya ng tingin. Kahit kailan hindi talaga siya maaring maglihim o 'di magsabi ng problema. Savannah's Dad knew her well. Nalipat ang atensyon nito sa tumunog na cellphone. Nagsuot ito uli ng salamin at binasa yung mensaheng pumasok. A wide smile suddenly flashed on his face. May mga fine lines na ngunit nanatiling gwapo pa din ito sa kanyang paningin. And she'll remain a daddy's girl all her life. “If Rion texted you, please tell him not to go here. Ayoko siyang makita ngayon,” aniya sa kanyang ama. Masama na t