NAG-ENJOY kaming buong pamilya sa bakasyon namin, lalo na ang aking mga magulang. At kahit papaano ay na-relax ang aking mga magulang at ganoon rin ako at ang aking asawa. Hanggang sa sumapit ang araw ng pagbalik namin sa Australia. "Anak, Kailan kayo babalik dito?" malungkot na tanong ng aking ama. "Hindi ko pa alam, Pa. Magdepende pa ako kay Shun." "Basta mag-ingat ka roon, at tumawag ka sa amin ng Mama mo kapag may oras ka." "Opo, Pa." "Don't worry, Pa, Ma. You will be there soon," Shun said. At napangiti ako nang marinig ko iyon. "Thank you Shun," tugon ng aking mga magulang. AUSTRALIA Nag-landing ang eroplano na aming sinasakyan. At ang nagsundo sa amin ay ang aking mga biyenan. At agad kaming dumiretso sa bahay namin ni Shun. "Ava…" sambit ng aking biyenang babae. "Ye