CHAPTER THREE

1426 Words
"M-MAGPAPAKASAL KA? But why?" Garalgal ang tinig ni Nika nang harapin si Ryan. "Wala sa usapan natin na magpapakasal ka sa iba, Ryan. Hindi mo sinabi..." "At para ano? Para ano pa't ipaalam ko sa iyo ang tungkol sa plano  namin ng nobya ko, Nika?" Matigas ang anyong tiningnan ang nagpupuyos sa galit at mangiyak-ngiyak na dalaga.  "Para pigilan mo ako at paasahin sa isang imposible at walang patutungahang relasyon?" "Ryan?" "Tama na, Nika. I'm tired. Pagod na ako sa relasyon natin. Gusto ko nang makawala. Gusto ko nang lumagay sa tahimik. Sa piling ng babaeng alam kong kayang suklian ang pag-ibig ko ng tapat at walang nasasaktan. Sa piling ng babaeng ako lang ang laman ng puso." "P-pero paano ako? Mahal kita, Ryan. You know that." Sumilay ang mapait na ngiti ng binata sa mga labi. Mahal? Sinong niloko nito?  Alam niyang  dalawa sila ni Ryder sa buhay nito. Nika was his twin brother's girlfriend. Napaka-selfish ni Nika. At nagsisisi siya kung bakit siya nagpadala sa tukso at galit. Pinagsisisihan niya ang planong gumanti sa kakambal. Hindi deserve ni Nika ang pag-agawan. Habang tumatagal na nakikilala niya si Nika, lumalabas ang tunay na ugali nito. She was greedy—lalo na sa pag-ibig, self-centered, and selfish. Ayaw niya ng ganoong klaseng babae, but he fall for her. Really? O baka nadala lang siya sa inggit at selos sa kakambal, kaya niya niligawan si Nika kahit alam niyang girlfriend na ito ni Ryder? Ryder was very good in everything—  lalo na sa pagpapatakbo ng negosyo. While he's the opposite. Identical twins sila. Magkamukhang magkamukha,  parang nakaharap lang siya sa salamin kapag kaharap ang kakambal. Pero sa mukha lang sila magkamukha. Sa ugali, magkaibang magkaiba. Ganoon din sa mga hilig, pananamit, pagkain, at pabango. Mahilig siya sa horse racing, and Ryder like car racing. Sa clothing at fashion, larawan siya ng isang ragged man. Hindi siya mahilig sa mga business suits and tuxedos. Mas komportable siya sa simpleng Men's Shirts and jeans. Kung hindi lang siya CEO ng Glamour, hinding-hindi siya magsusuot ng business suit pagpasok sa opisina.  Samantalang ang kakambal, komportableng komportable ito sa mga ganoong kasuotan. Bagay naman dito. Boss na boss ang dating. At iyon ang ipinagngingitmgit niya. Lahat ng paghanga at papuri, kay Ryder napupunta. Kahit noong mga bata pa sila. Magaling makisalamuha ang kakambal niya sa iba. At siya, parang isla. Mas gusto niyang mapag-isa at malayo sa mga taong wala namang ginawa kundi mag-intriga. Ni hindi nga niya alam kung totoong kaibigan ang mga lumalapit sa kaniya o hindi. Hindi siya ang tipong madaling magtiwala sa iba. Kung siya mahilig sa rice, si Ryder mahilig sa pasta. Ang pabango niya, Straight to Heaven, his twin was Clive Christian. Pagdating din sa pagmamahal sa mga magulang, may differences pa rin sila. O marahil, dahil magkaiba lamang ang trato ng mga magulang sa kanilang dalawa. Mas malapit siya sa kanilang mama at sa papa naman nila malapit si Ryder. Kaya masama ang loob niya sa kakambal ay dahil dito napunta ang pamamahala sa Del Rio Ranch. At siya sa Glamour. Nagalit siya sa kanilang ama dahil sa desisyon nito pero hindi nito binawi iyon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng ama na siya ang may hilig at talento pagdating sa Rancho at si Ryder ang magaling sa pamamahala ng kanilang kompanya. At the end, pinabayaan lang ng kambal ang Rancho at mas ginustong pamahalaan ang negosyo ng abuelo nilang nasa Madrid. "You're kidding, Ryan." Nika cried. "Of course I'm not, Nika. Itigil na natin ito bago pa malaman ni Ryder. Tanggap ko nang mas lamang sa akin sa lahat ng bagay ang kakambal ko," he admitted bitterly. Aminado siyang bundok lang ng inggit at galit sa kakambal ang nagtulak sa kaniya para agawin si Nika rito. Well, hindi inagaw, totally. Nakihati lang. But still, trinaydor pa rin niya ang kapatid. Inahas. And his conscience is killing him. Pero nangyari na. Wala naman siyang balak makihati noon sa nobya ng kakambal niya, but Nika came to him with a motive.  Kababata nila ito, kinakapatid nila dahil anak ito sa binyag ng kanilang mga magulang. Naging crush niya ang babae noong high school pa sila, pero hindi nagkalakas-loob na ligawan ito. At nalaman na lamang niya, girlfriend na ito ni Ryder. Nasaktan siya noon pero madali naman siyang nakalimot. Pero nang magkolehiyo na sila, si Nika mismo ang lumapit sa kaniya. And he took advantage sa babae para makaganti sa kambal. Ang balak lamang sana niya'y saktan lamang si Ryder, ipaalam rito na may namamagitan sa kanila ng girlfriend nito, pagkatapos ay hihiwalayan din si Nika. But Nika begged to keep their relationship secret from his twin. Umiyak pa ito noon at lumuhod. She said she loved him pero ayaw niyang saktan si Ryder. And, damn, mahina siya pagdating sa babaeng umiiyak.  Sa huli, pumayag nga siya sa gusto ni Nika at tuloy ang sekretong relasyon nila. Until they graduated in collage at ngayin nga'y may kaniya-kaniya nang trabaho, lihim pa rin ang relasyon nila ni Nika. At nobya pa rin ito ng kaniyang kambal. But when he met Ysabelle Linares, nagbago siya. Ayaw niya sa relasyong mayro'n sila ni Nika. He loved Ysabelle, at ayaw niyang masira ang tiwala nito dahil sa maling relasyong nabuo sa pagitan nila ni Nika. Ang totoo'y natatakot siyang malaman ito ni Ysa. Kilala niya ang ugali ni Nika, hindi ito tumatanggap ng pagkatalo. Nakukuha nito ang gusto sa kahit anong paraan.  No body could dump the Nika Aguilar. Pero para kay Ysa, he could easily dump her. And that's what he did. Nagulat siya nang lumuhod ito sa harap niya. Umiiyak at nagmamakaawang huwag niya itong iwan.  "Ryan, please don't do this to me. Alam mong mahal na mahal kita. Hindi ko kayang mawala ka. Hindi ako papayag na ipagpalit mo sa Ysa na iyon." "N-Nika, you don't have to do this. Nakapagdesisyon na ako. I loved Ysabelle, Nika. So much." "Damn you! Matapos akong magpakababa at hayaang gamitin ninyong magkambal, you will disgard me like a damage good!" She stood up and started to punch him on the chest. Hinayaan lamang niya ito hanggang sa mapagod ito at kusa nang tumigil. Ngumungoyngoy pa rin ito. "I will ask you one thing, Nika," he said,  cupping her face with his palms then look in her eyes. "Kaya mo bang iwan si Ryder?" Agad niyang napansin ang gulat na reaksyon nito. As expected, hindi kayang iwan ni Nika ang kambal niya. Pero hindi niya alam kung totoong mahal nito si Ryder. Dahil kung mahal niya ito, she wouldn't seduced him before. Hindi sana nito ginustong gamitin niya. Oo at liberated ito, pero may puso naman lahat ng tao. At naniniwala siya, kapag nagmahal ka, hindi mo na magagawang humanap ng iba. Baka nga hindi nito totoong mahal ang kambal. Poor Ryder. Sana makakita ito ng matinong babae. Nika don't deserve Ryder and, him, too. Hindi ang katulad ni Nika ang nababagay sa kanilang magkapatid. Hinding-hindi. "What a question, Ryan?" balik-tanong nito sa halip na sagotin siya. "You don't loved him, do you?" Umilap ang mga mata ni Nika.  "Hindi mo siya mahal pero hindi mo siya kayang iwan para sa akin, hindi ba?" "Y-you know that I can't hurt him. I can't break him up, Ryan." "But you said you loved me, Nika. Yet you can not do everything for your loved. Why?" "But I-I loved your brother, too. I love you both." Bakas ang takot sa mukha ni Nika. She really can't give up Ryder for him. Pero kahit iwan nito amg kambal niya, wala rin naman siyang balak na saluhin ito. Hindi niya ito mahal. He only used her to hurt his twin pero hindi nangyaring malaman ni Ryder ang pagtraydor niya rito. She's greedy. "Greed may result in the loss of what you already have." "I will not loss you both, Ryan," matigas nitong wika. Niyapos siya nito nang mahigpit at hinayaan niya ito nang ilang sandali. "But you already lost me. Because I do not loved you, Nika." Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi niya bago ito tumalikod at malalaki ang mga hakbang nitong tinungo ang pinto. Tila nabuhusan siya ng isang drum na malamig na tubig nang makitang nakatayo roon si Ysa. Tahimik ito at lumuluha. Damn it! She heard everything. No! "Y-Ysabelle?" Halos hindi makalabas sa lalamunan niya ang pangalan ng nobya. Pinanlamigan siya nang maaninaw ang galit sa mga mata nito. "Hon, let me explain." He stride toward her but she quickly turned her back and run away from his office. "Ysabelle, wait!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD