Nagising si Aleesha sa isang hindi pamilyar na lugar na nakatali ang katawan sa silya, pati ang kamay at paa niya ay nakatali. Madilim ang kuwarto kaya hindi niya maaninag ang paligid. Pumipintig sa sakit ang ulo niya at pilit niyang inaninag ang paligid ngunit wala siyang makita na pamilyar sa kanya dahil sa kadiliman ng paligid. Wala siyang ka-ide-ideya kung nasaan siya. Nasaan ako? Who got me? Pinilit niya ang sariling isipin kung ano ang nangyari bago siya nawalan ng malay ngunit ang tanging naalala niya ay ang pagkuha sa kanya ng ilang kalalakihan at pilit siyang isinakay sa kotse. Pagkatapos noon ay nawalan na siya ng malay dahil sa gamot na pinaamoy sa kanya. May nakabusal na tela sa bibig niya kaya hindi niya magawang makapagsalita upang kunin ang atensiyon ng kung sinuman ang